Thirty Three

14K 466 15
                                    

Nagising ako mula sa pagkakaidlip dahil sa naramdaman kong humalik sa pisnge ko. As i open my eyes i saw Samie.

"Hi sorry to wake you up, gumawa kasi ako ng pahabol na breakfast baka gusto nyong kumain?"

"Nyo?" Pagtataka ko habang umuupo mula sa pagkakahiga.

"Yah! You and our baby."

"Oh yah!" Bakit nawala agad sa isip ko 'yun? Buntis nga pala ako. "Mag bibihis lang ako."

"Sige, hihintayin kita sa kusina."

"Okay." Hinalikan niya lang ako ng mabilis sa labi tsaka siya nag lakad palabas ng kwarto ko.

Bumangon ako ng kama at nag bihis na tulad ng sinabi ko. Pagka-bihis ko naman lumabas din naman agad ako ng kwarto. Dumiretso ako sa dining at dun nakita ko ang niluto ni Samie and si Samie din mismo na nag hahain ng kakainin namin.

Umupo lang ako at pinag masdan siyang kumilos. Matapos niyang lagyan ng niluto niya 'yung isang plato inabot niya 'to sa'kin.

Kinuha ko 'yun at nilapag sa tapat ko tsaka ko naman sinimulan ang kumain.

"Kel," Tawag niya sa'kin habang paupo siya sa tabi ko.

"Ano 'yun?" I asked chewing.

"Tingin ko dapat ipaalam na natin sa parents mo ang tungkol sa pag bubuntis mo." Suggest niya.

Mmm. Oo nga pala. May idea naman na si Mama about sa pagbubuntis ko dahil siya naman ang nakaisip na baka buntis ako dahil lang sa pag tingin sa katawan ko.

"Siguro 'wag muna, may idea naman na si Mama na buntis ako." Tsaka hindi ko pa bet na sabihin sa kanila.

"How?"

"Siya ang nakaisip na baka buntis ako dahil nakita niyang tila may nag bago sa katawan ko."

"I see. Are you sure?"

"Yah." Pinag patuloy ko na ulit ang kumain habang tahimik lang.

Habang kumakain hindi ko maiwasang isipin ang tungkol sa pag bubuntis. Siguro nga nasabi ko na kay Sam na buntis at natutuwa naman ako sa reaksyon niya pero hindi ko pa rin maiwasang matakot.

Nang matapos kaming dalawang kumain hinayaan nalang muna namin sa lababo 'yung pinagkainan namin at tumambay muna sa sala. Magkatabi lang kaming nakaupo sa couch ko, habang ini-enjoy ang bisig niya.

Hmm. Mas marap sa bisig niya kesa sa kama.

"Kel," He called.

"Hmm?" I just hummed.

"Kanina ka pa tahimik, anong iniisip mo?"

"Wala."

"C'mon, tell me." Pagpipilit niya.

"Iniisip ko lang 'yung pagbubuntis ko, natatakot pa din kasi talaga ako."

"Normal lang 'yan." He kissed my head. "Nandito naman ako eh, i-le-lessen natin 'yang takot mo."

I smiled. "Thanks."

Nakarinig kami ng doorbell mula sa labas kaya napunta dun ang focus namin. "Ako na ang mag bubukas." Samie offered.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo tsaka siya nag lakad papuntang pinto habang ako nakaupo pa din dito.

Ilang sandali lang nag pakita si Samie kasama ang dalawa kong friends na sina, Jess at John.

"Heey!" Jess greeted, lively.

"Hey!" I greeted back, smiling. Bumeso siya sa'kin tsaka siya umupo sa tabi ko.

Play With KellyWhere stories live. Discover now