Twenty

19K 599 47
                                    

Naramdaman kong may humahalik sa forehead ko na dahilan para magising ako. Sa pag mulat ng mga mata ko ang boyfriend ko ulit na si Samie ang nakita ko. Yaah! Kami na ulit.

"Good morning, may pasok ka pa beautiful." He softly greeted. What? Shit!

Dali dali akong napabangon sa kama ko at kumuha ng towel dahil sa narinig ko, hindi ko na pinapinansin yung itsura kong ineenjoy ngayon ni Samie dahil baka malate na naman ako ni'to sa school.

Ito na nga bang sinasabi ko eh, malalate na naman ako ni'to kasalanan 'to ng masarap niyang labi eh. Bakit ba hindi nag behave yun kagabi? Pero buti nalang din talaga ginising niya 'ko.

Dumiretso ako ng bathroom para masimulan ng makapag shower, madaliang pag sha'shower na naman 'to parang kahapon lang pero tingin ko mas madalian 'to ngayon.

Natapos ako sa pag sha'shower ko nakita ko si Samie na nakaupo lang sa kama buti pa siya di kailangan mag madali dahil wala naman siyang pasok.

Nag bihis nalang muna ako buti nalang din at di niya ko iniistorbo at behave lang siyang nakaupo sa kama ko baka kasi pag nangulo siya matagalan ako lalo.

"Hindi ka ba muna kakain bago pumasok?" Samie asked.

"Mamaya nalang siguro sa school pag break time."

"Mmm.. Okay. Ayos lang bang ihatid ko yung girlfriend ko sa school niya?"

I face him, grinning. "Oo naman pwede." Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama ko at nag lakad papalapit sa'kin. Iniyakap niya sa bewang ko ang mga kamay niya.

"Samie, wag mo 'kong simulan ng pag lalambing baka malate ako."

I herd him chuckled. "One minute lang tapos lalabas na ko." Okay, pag bigyan one minute lang naman daw pero gusto kong sulutin yung one minute na yun kaya bumitaw ako sa pagkakayakap niya sa'kin at inilagay ko ang mga kamay ko sa balikat niya tsaka siya hinalikan sa labi ng matagal.

"Namiss talaga kita Kel." He said after my kiss.

"For some weird reason, na miss din talaga kita pogi." I honestly said. Hindi naman ako makikipag balikan kung hindi eh.

He grinned and kisses my lips again. "Let's make it better now."

"I can't promise you that Samie, you know me-"

"I know, you're just scared na matulad sa parents mo kaya mas lalawakan ko yung isip ko." Pagpuputol niya sa pagsasalita ko.

"Tingin mo natatakot lang talaga akong matulad sa parents ko?" Tanong ko.

"Oo."

"Siguro nga tama ka pero di mababago nun kung ano talaga ako, kaya kung uh.. gusto mo talagang balikan ako asahan mong ako padin yung Kelly na nakilala mo."

He chuckled. "Kung kailan tayo na ulit tsaka mo naman ako winarningan."

"Ayoko lang na mag expect ka sa'kin, baka ma'disappoint ka lang ulit."

Huminga siya ng malalim at ngumiti ng pilit. "Don't worry." He kissed my forehead. "Ihahatid na kita, baka malate ka sa school."

"Shit! Oo nga pala." Dali dali akong napabitaw sa pagkakahawak sa balikat niya at kinuha yung bag ko.

Wait, di pa pala ako nag ma'make-up! Shemay naman oh!

"Sa labas lang ako para makapag asikaso ka na ng maayos." Samie said sensing my pagmamadali.

Minadali ko na yung make up ko, plain lang basta may kilay gora na 'to.

Lumabas ako ng kwarto ko pagkatapos kong mag make up, bitbit ang gamit ko. Hinanap ko si Samie at nakita ko naman siya sa sala na hinihintay lang akong matapos sa pagasikaso kong pumasok.

"Alis na tayo?" Pagmamadali ko.

Tumango lang siya bilang sagot tsaka tumayo mula sa pagkakaupo sa couch at naglakad papalapit sa'kin. Hinawakan niya ko sa kamay at kinuha yung bag ko para siya na ata ang magdala.

"Ganito ba lagi oras ng pasok mo?" Tanong niya habang naglalakad kami palabas ng Unit.

"Oo, badtrip nga eh."

"Bakit kasi ito yung kinuha mong schedule? Di ka naman sanay gumising ng maaga?"

"Para makarampa pa 'ko sa gabi." Pabiro kong sabi. Ang totoo sadyang yung morning schedule nalang ang available kaya no choice ako.

"Mmm.. i see." Sa tono niya parang di niya nagustuhan yung kunyari kong dahilan pero di niya lang pinahalata sakin kahit naman halatang halata ko.

"Biro lang, dun lang kasi ang may vacant kaya yun ang kinuha ko." I explained, di ko alam kung bakit ako nag eexplain.

Nag bukas ang elevator finally, sumakay na agad kami para makapunta na ng parking.

Sa paglabas namin ng Elevator dumiretso na kami sa kotse niya. Pinagbuksan pa niya 'ko ng pinto para magpaka gentleman, pagkasakay ko naman siya naman 'tong sumakay sa driving seat.

Sinimulan namin ang byahe, dama ni Samie ang pag mamadali ko kaya medyo binilisan din niya ang pagpapatakbo ng kotse niya hanggang sa finally makarating kami ng school. Hanggang gate lang siya kasi wala naman siyang gate pass.

"Susunduin kita mamaya?" Patanong niyang sabi.

"Sige, itetext ko nalang sayo kung anong oras uwi ko." Hinalikan ko lang siya ng mabilis sa labi niya tsaka ako nag madaling bumaba ng kotse.

Nag simula na 'kong maglakad ng campus, tumingin ako sa oras at kahit lakarin ko lang papuntang classroom ko hindi ako malalate. Buti nalang pala nag pahatid ako kay Samie, kumpyansa akong hindi ako malalate ngayon. Haha!

Dahil di ko naman kailangang magmadali sa paglalakad nagawa ko pang maitext si Samie.

** Pogi, salamat sa paghatid ah di ako nalate. Ingat ka pauwi. 😘 **

Sa pag dating ko na ng classroom ako nakareceived ng text mula sa boyfriend ko.

** Welcome. Aral mabuti, mahal kita. **

I blinked at my cellphone screen, many times. Paulit ulit kong binasa yung text niya baka kasi namamalikmata lang ako pero hindi.

Talaga bang tinext niya 'ko ng ganito? Wow! Okaay, sinabi naman na niya na minahal naman daw niya 'ko noong nag break kami kaya bakit parang nabibigla ako sa text niya? Ewan! Eh text lang naman 'to.

Haay! Makapag focus na nga lang sa pagaaral, ay teka.. wala pa palang prof. ano ba yan pag iisipin pa 'ko.

Hindi rin naman nagtagal finally dumating yung prof. namin naka bawas sandali sa pag iisip.

--

Keep voting babies. 😁

Play With KellyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora