Twelve

19.9K 551 7
                                    

On the way na kami ni Samie papunta Club ni Damian. Naiwan kasi dun yung kotse ko dahil nga kotse ni Samie ang ginamit namin pauwi.

Medyo yung utak ko kumalma na mula sa ideang nag sex kami ng walang protection. Baka masyado lang akong nag oover react, siguro dala narin talaga ng takot.

Ayoko na kasi talagang kainisan pa ulit yung sarili ko dahil sa malaking kapalpakan ko eh.

"Kelly.." Tawag ni Samie sakin habang nag mamaneho.

I looked at him. "Ano yun?"

"Yung lalakeng nasa Bar Station kagabi, mukhang close kayo."

"You mean, si Damian?" Kunot noo kong tanong. Anong tungkol kay Damian? Don't tell me nagseselos siya?

"Yah maybe that guy, i don't know.. im not really sure." Si Damian yun for sure, siya lang naman ang kausap ko sa kagabi sa Bar Station.

"He's my ex. Owner siya nung Club, hindi mo ba siya naalala? Siya yung umawat sa ex kong sumuntok sayo."

"I see.. now i remember him."

"Bakit ka nagtatanong about sakanya?" Nakangisi kong tanong.

"W'wala, natanong lang. Kapansin pansin lang talaga yung closeness niyo kagabi."

"I'm friend with my exes  well hindi naman lahat friend ko depende kung bitter. Pero kami ni Damian, we're just really close kaya wag ka ng magselos." I explained. I don't why kung bakit kailangan kong mag explain. Dati naman kibit balikat nalang ako pag natatanong si Damian ng mg jowa ko.

"I'm not jealous." Pagpapalusot niya. Halata namang labas sa ilong yung sinabi niga, gusto kong matawa pero di ko na ginawa.

"Good! Kasi ayoko talaga ng seloso!" Pabiro kong sabi na may halong seryoso na din. Depende kung paano niya gustong ipasok sa utak niya yun.

Nang finally makarating kami sa Parking ng Club, inihinto ni Samie yung kotse malapit sa kotse ko.

"Pupunta ka ba ng Unit ko mamaya?" Tanong ko bago ako bumaba.

"Kung di ka nag sasawa sa kagwapuhan ko, bakit hindi?" Kompyansa niyang sabi kaya natawa ako. Well di naman talagang maipagkakailang gwapo siya at hot naman talaga kaya itong hormones ko ayaw mag behave kapag kasama siya.

"Dahil hindi pa ko nagsasawa sa kagwapuhan, sige pumunta ka." Natatawa kong sabi.

He grins. "Okay." He agreed. Binigyan ko muna siya ng not-so-long kiss tsaka tuluyang bumaba ng kotse niya.

Bago ko isinara yung kotse may pahabol akong flying kiss sakanya.

Kinuha ko yung susi ko sa pouch tsaka sumakay na ko ng kotse at inistart yung makina. Halos sabay lang kami ni Samie na umalis ng Club, hinintay niya muna kasi akong makaalis bago siya tuluyang umalis din.

Dumiretso uwi naman ako pagkaalis ko ng Club.

Pumasok agad ako sa kwarto ko. Inihagis ko lang sa kama ko yung pouch ko at nag bihis, tutal nakapag shower narin naman na ko sa Unit ni Samie. Inihagis ko lang sa kama ko yung pouch ko.

Nang mapalitan ko lahat ng suot ko ibinagsak ko yung katawan ko sa kama ko then niyakap ko yung unan kong hindi ko nayakap kagabi dahil busy ako sa pagyakap sa katawan ng boyfriend ko.

Hindi ko alam kung gaano na ko katagal nakahiga lang sa kama ko at yakap ang unan ko basta narinig ko nalang na nag ring yung cellphone ko.

Kinuha ko yun mula sa pouch at sinagot ang tawag ni Jess..

"Oh napatawag ka?" Tanong ko.

"Baklaaaa.." Halata sa boses niya ang pagpapanick. Shit! Baka kung anong ginawa ng gagong Zake na yun sa kaibigan ko.

"Oh! Anyare?"

"Nasa Apartment ako ngayon ni John."

"Oh? Bakit parang nag papanick ka eh nandyan ka lang naman pala." Pinakaba pa ko nito!

"May nangyari samin ni John!!" Mahina niyang sabi pero nandun yung diin.

Oh!!!!! Nakaiscore na pala ang mokong sa best friend niya. Bat ngayon lang?

"Oh eh ano namang gagawin ko? Di ko naman mababalik virginity mo."

"Napaka supportive mong kaibigan ah!!" Sarkastiko niyang sabi kaya di ko maiwasang matawa.

"Jess?" I heard John's voice. Nakinig akong mabuti habang kagat kagat ang lower lip ko para makichismis.

"J'John, gising ka na pala." That's Jess. Tss.. anong oras ba sila natapos at tinanghali sila ng gising?

"Sinong kausap mo? Yung Zake ba na yun?" Inis na sabi ni John.

"No! Si Kelly."

"Hello Kelly?" Si John na ngayon ang nasa kabilang linya.

"Hey John, congratulations you made it. Naka goal ka din at last!"

"Kelly, i heard you!!" Jess yelled. I heard John laughed, so i just join him.

"Sige na ibaba ko na to, ayoko ng tinatawag tawagan ako remember? Tsaka try niyong mag round two masaya yun." Pilya kong advice.

Narinig kong tumawa lang si John na halatang gusto din, si Jess naman napaungol nalang sa inis.

Ibinaba ko na yung tawag at di na sila inistorbo. Masaya akong nauwi din sila dun, finally! Mas bet ko kasi talaga si John para kay Jess kesa dun sa Zake na yun na babaero at paniguradong paiiyakin lang yung kaibigan ko.

Di pa man ganun katagal ang tawag ni Jess sakin nagring na naman ang cellphone ko.. masilent nga to mamaya.

Tinignan ko muna kung sino yung tumatawag and nakita kong si Raffy yun..

"Hey, Rafraf? Kamusta na?" Pagsagot ko sa tawag niya.

"Plano ng barkada na uminum, baka sakali lang gusto mong sumama."

"Oh! Nakauwi na ba sa honeymoon yung magasawa?" Tanong ko. Paniguradong nag enjoy yung dalawang yun sa honeymoon, sa pagkakaalam ko kasi sa beach sila nag honeymoon eh. Namiss ko tuloy bigla mag sunbathing.

"Oo kaya nga biglang nagyaya sila Luisa eh. Ayaw namin mag tampo ka pag nalaman mong naginuman kaming di ka kasama."

I laughed. "Okay, pupunta ako. Kailan ba yan?"

"Saturday, pwede ka?" Saturday? Sa makalawa na pala yun.

"Oo, bakasyon pa naman eh. Pwedeng pwede ako."

"Magdadala ka ng date?" Ay chismoso ang peg? Haha.

"Uh.. susubukan ko." Pagiisipan ko muna kung isasama ko si Samie, may uh.. nakaraan kasi siyang feelings para kay Amber eh baka lang di siya komportable.

"Sige sasabihan ko nalang sila Luisa na pupunta ka."

"Sige, bye."

"Bye." Haay! Sa wakas, makikita ko ulit yung mga yun. Nakakamiss din sila eh.

--

Keep voting, sweethearts.

Play With KellyWhere stories live. Discover now