Chapter 27

153 39 0
                                    

Queen of Seduction: Chapter 27

Kristine Fernante

Mahirap sa una, pero kinaya ko. Parang yung pagmamahal ko sa kanya NOON, kahit alam kong mahirap at walang kakahinatnan kinaya ko parin, pero wala parin talagang nangyari.

Ang hirap ng hinahanap-hanap mo yung comfort zone mo, yung mga malalalim niyang halik, maiinit niya mga yakap, at kung paano niya ako alagaan. Kailangan ko pa talagang i-adapt na wala na talaga, walang-wala na talaga. Wala nang kakahantungan pa.

Sa mga nakaraang araw ko rito sa New York ay hindi ko pa kayang mag-isa dito nagigising na ako ng hapon, hindi masyadong makatulog dahil naho-home sick ako. Pero dahil wala akong choice kinaya ko. Para sakin rin naman lahat ng ito. Kailangan kong makalimot, kailangan kong umusad at kailangan ko lahat tanggapin na wala na siya.

Minsan ay namamasyal ako karaniwan ng pinupuntahan ko ay ang Statue of Liberty. Kumukuha ng litrato, at nagiisip-isip. Marami narin ako kakilala pero hindi gaanong ka-close.

Meron parin naman akong komunikasyon sa mga kaibigan ko, lalo na kay Revor. Minsan ay naikwento niya sakin na pumunta sa village niya si Morgan at hinahanap ako. Nasuntok pa nga raw niya dahil sa sobrang kulit. At wala na siyang naikwento bukod roon. Nagkwe-kwento rin siya sa isang espesyal na babae sa buhay niya. Though, sabi niya ay espesyal parin naman ako sa kanya bilang kaibigan na nga lang.

May mga kumukuha rin sa akin na Lingerie clothing, at pinag-iisipan ko pa kung tatangapin ko ang alok nila. Pero nag sink-in narin sa utak ko na kukulangin ang dala kong pera at kailangan ko rin maghanap at kumita ng pera. It was only once in a blue moon opportunity kaya kukunin ko na atsaka it was a high class lingerie clothing.

Kinuha ko ang aking cellphone at nagtipa ng text. "Hey, this is Kristine Fernante. Can I review the contract, I was thinking if I will grab the opportunities with working to a high class lingerie clothing. I will contact you again if I will want to sign the contract."

Ilang minuto lang din ay natanggap ko ang response nila. "Sure, Miss Fernante. It will be also our pleasure to be work with you. Thanks, for grabbing the opportunity, we will wait for your response." - nabasa ko. I sighed and relief ang akala ko ay tapos wala na ang prinopose nila sa akin.

Gabi na rito sa New York at hindi ko alam kung anong oras naba sa Pilipinas. I miss Philippines, or is it Morgan that you miss? Sabi ng utak ko. NO! Kailan man ay hindi sumagi sa utak ko si Morgan. Liar, sabi ulit ng utak ko. Meh, okay I admit na lagi siyang sumasagi sa utak ko. Kung nagkabalikan naba ulit sila ni Lerissa, pero in the first place ay siya naman talaga ang pinili niya over sa akin.

Naghanda ako at pupunta ako ngayon sa bar na pinakamalapit, ilang araw narin akong nagpupunta sa bar para mabawasan ang stress na nararamdaman ko. Stress of being heartbroken.

Bar

The foreign song hit the crowd. Maraming nagsasayawan sa gitna at karamihan ay naghahalikan. Can't help them, namulat na silang liberated. Kung nasa Pilipinas lang siguro sila ay nahusgahan na sila. Para kasi sa mata ng iba ay mali pero para sa kanila ay walang malisya.

Nagtungo ako sa bar stool at nag-order ng isang bote ng Black Label. One of the most expensive liquor. Agad kong itinugga ang nasa baso at inilibot ang aking paningin. Maganda ang bar na napasukan ko. High class Djs, Gold bar stools, expensive speakers, well maintenanced bartenders, colorful disco lights.

Queen of SeductionWhere stories live. Discover now