Chapter 8

309 42 0
                                    

Queen of Seduction: Chapter 8

Kristine Fernante

Nakahiga ako habang malalim na nag-iisip. Naalala ko parin ang kahabag-habag na mukha ni Morgan. Umaga na kung kaya't ngayong araw ay may photoshoot ako sa kanyang hinahawakan na kompanya. Nagdadalawang isip rin ako kung pupunta ba ako o hindi. Pero naisip ko na parte lang ito ng aking trabaho at walang personalan na maiisasali. Maigi nang umiwas nang maaga, kaysa magsisi sa huli.

Mabilis akong tumayo at humarap sa salamin. Namamaga ang aking mga mata at magulo ang aking buhok. Pagkatapos kong sabihin sa aking sarili na mahal ko parin siya ay duon na tumulo ang walang humpay kong mga luha. Nakatulog nalang ako habang umiiyak kaya heto ngayon namamaga ang aking mga mata.

Mabilis rin akong natapos sa pagligo at handa na akong pumunta sa kompanya. Habang nasa kotse ay ipinagsisiksikan ko sa aking utak na 'kaya ko to, magaling siyang umarte kaya ganun nalang ang kanyang naging ekspresyon'. Huminga ako nang malalim nang mai-parking ko ang aking kotse. Luminga-linga muna ako at nadatnan ko ang kanyang kotse.

"Ang aga naman niya ata ngayon?" - malakas kong naisambit. Malamang ay marami siyang ginagawa ngayon kung kaya't maaga siyang pumasok. Pwede rin namang hindi narin naman siya pumasok, kasi siya ang boss. Kikita at kikita parin naman siya kung hindi siya magtratrabaho, well isa lang naman ang kanyang kompanya sa multi billionaire company sa buong bansa. Kada isang araw ay kumikita sila ng higit sa 100 milyon.

Agad ko nang isinukbit ang aking shoulder bag at mabilis na naglakad papasok. Pinagtitinginan ako ng mga tao habang ako ay naglalakad, habang ang iba naman ay nagbubulungan sa isang gilid. Hindi ko nalang sila pinansin at agad na pumasok sa board office.

Agad ko namang nadatnang mag-isang nakaupo sa isang swivel chair si Morgan. Agad niyang sinulyapan ang aking direksyon. Nakatingin siya sa akin ng mariin at nilabanan ko ang kanyang masasamang tingin. Ngunit kusang tumitiklop ang talukap nang aking mga mata, kusa nalang akong yumuko upang maiwasan ang kanyang tingin.

Umikot ako patalikod upang makaalis, pipitihin ko nalang sana ang hawakan nang maawtoridad na nagsalita si Morgan.

"Where are you going?" - malamig niyang tanong, at halos manlamig ako sa kanyang boses. Nanghihina ang aking mga tuhod at mapapaluhod nalang bigla-bigla. Hindi ko agad nasagot ang kanyang tanong at nanatiling nakatalikod sa kanyang pwesto, nakahawak din ako ng mahigpit sa pihitan ng pintuan upang makakuha ng lakas upang hindi matumba.

"Ahhh, I think I entered the wrong place." - halos nanginginig kong sinabi, ngunit hindi ko pinahalata. Akmang pipihitin ko na sana ang hawakan nang pintuan nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Halos mapasinghap naman ako nang pilit niya akong pinapaharap sa kanyang direksyon. Masyado siyang malakas kung kaya't napaharap niya ako sa kanyang direksyon, nakasalubong ko naman ang kanyang malalim na mga mata na para bang naghihipnotismo, ang kanyang malamig na mga mata na siyang ikapanlalamigan mo.

Pilit kong iniaalis ang mahigpit niyang pagkakahawak sa aking bewang, ngunit sadyamg malakas siya kung kaya't ni hindi ko man lang matanggal. Hinagod niya pataas at pababa ang aking katawan na tila ba may sinusuri.

Unti-unti niyang inilalapit ang kanyang mukha sa akin, hindi ko mapigilan na panlakihan siya ng mata, ngunit sadya siyang maloko kung kaya't hinawakan niya ang aking mga kamay at itinaas ito sa aking bandang ulo gamit lamang ang isang kamay, at ang kanya naman isang kamay ay nakahawak sa aking mukha upang mariin na mahawakan.

Queen of SeductionWhere stories live. Discover now