I

3.3K 118 44
                                    

I: Death Wish

---

Y O O N A—

School?

Friends?

Family?

I don't have one. Siguro habang ginagawa ako ni God ay nilagyan niya ng maraming problema at pagsubok yung buhay ko. Akala niya siguro ay kaya ko.

Humigpit yung hawak ko sa strap ng back pack ko. Sa totoo lang ay ayokong pumasok sa skwelahan. Wala naman akong choice dahil ayokong masayang yung scholarship na binigay sa akin.

I like to imagine na parang isang anime o korean drama yung buhay ko.

Pero asa naman ako diba?

Naramdaman ko naman na parang nabasa yung buhok ko. Tumingala ako at nakita ko mula sa second floor ang ngiti nila.

"Oops sorry! Akala ko basurahan. What a freak! " She said. Tumawa naman ang mga kasamahan niya. Ganito sila magwelcome sa akin. They seem to like me a lot. Tsk.

Tumingala naman ako at ngumiti sa kanila. "WHY CAN'T YOU DIE? " someone yelled. That someone used to be my best friend. Akala ko he will stay beside me no matter what.

I'm wrong. They always leave you when you needed them the most.

"Wala eh. Di ako feel ni Death." I joked.

Sinamaan lang nila ako ng tingin. I met the gaze of their leader. The one and only Rosé. Tsk.

"You think you can survive in here? Matapos ng ginawa mo sa akin?" She said.

Nagdecide na akong pumasok sa room namin. Dumaan ako sa backdoor since alam ko na may nakahanda silang surprise sa akin. "Welcome!" They said. Pinaulanan nila ako ng harina. Nagsayang pa talaga sila ng pera.

Edi sana bomba nalang ang hinagis niya para sabay-sabay kaming mamatay. "Salamat!" I said. Pinaghahampas naman ako ng mga babae ng backpack nila.

Lahat yon tinanggap ko. Wala akong sinabi sa kanila. Hindi ako lumaban. Pagkatapos nilang gawin sa akin yon ay iniwan nila ako na parang walang nangyari.

"You should die." He said. Napatingin naman ako sa kanya.

"Do you hate me that much?" I asked him. "Mas naniwala ka pa sa--"

"Don't feed me with your lies. Tama na Yoona." Taecyeon said. "You should die instead of her."

"Hindi ko ginusto yon! Aksidente Taecyeon! Why won't you listen to me?" I asked in disbelief. Instead na sagutin niya ako ay ipinukpok niya yung itlog sa ulo ko. He's doing a great job on making my life a complete mess.

"Tada. The cake's ready." He announced. Lahat naman sila ay tumawa. Sawang sawa na akong umiyak kapag ginagawa nila sa akin ito.

I want a reset. Hindi ba pwede yun?

Umalis siya sa harap ko. Itinulak naman ako ni Rose kaya napahiga ako sa sahig. "Your bestfriend leaves you already, bigti na bes." She whispered.

"When I die, will you be happy?" mahinang sabi ko sa kanya.

"Yes." She said. Hindi man lang siya nagdalawang-isip. Is she even a human? "Puro ka salita! Just do it." pangungumbinsi niya sa akin.

Naiyak nalang ako dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kapag umuwi ako sa bahay ampunan ay sasaktan lang ako ng ibang kasamahan ko. They treated me like a punching bag.

Half Goddess, Half Hell.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon