Chapter5: First Meet

Börja om från början
                                    

"Ikaw lang ang naiisip kong gagawa nun." Malumanay na sabi nya at natigilan naman ako.

"A-ano pa?" Paghaharap ko sakanya.

"Ikaw lang ang naiisip kong gagawa nun, Jayriziah." Paguulit nya.

"But why me?"

"Dahil may tiwala ako sayo." Malumanay na sabi nya. "Kung pwede lang gawin ang mga sinabi mo ay ginawa ko na. Pero hindi." Sabi nya at nagulat nanaman ako.

"B-bakit?" Tanong ko.

"It's confidential, saka ko nalang sasabihin pag pumayag kana, I'll give you 2weeks para sa magiging desisyon. One thing is for sure. You will be promoted, if you'll do it. So Jayriziah, start thinking. Hindi porket ayaw mo sa isang bagay ay tatalikuran mo na ang tungkulin mo at aayawan mona." Malumanay na sabi nya at umalis. Asar naman akong tinignan sya at umalis.

Bawat dinadaanan ko ay sumasaludo, pero wala nakong pinansin maski isa at naglakad nalang.

Nung makaalis ako ay naglakad ako sa malapit na simbahan dito sa office, ng nasa gate nako ay biglang tumunog ang telepono ko yumuko ako para kunin sa bulsa. Pero iaangat ko na sana ang paningin ko sa daan ay....

MUNTIK NA KONG MABANGGA NG ISANG MOUNTAIN BIKE!

Zac Noah'sPOV.

"Class dismiss, see you tomorrow students." Pagkasabi pa lang nun ay nagsilabasan na ang mga atat kong kaklasi sa Room. Samantalang hinintay ko pang makaalis ang mga kaklasi ko at ako ang nahuling lumabas.
Ng makalabas nako ng room ay naglakad ako ng onti at kinuha ang nangangalawang kong mountain bike. Ilang taon ko na tong ginagamit. Sasakay na sana ako pero may tumawag sakin.

"Ano Noah baka mapatay ka nyang bike mo. Nangangalawang na, kailangan palitan mo na yan. Hehehe. May motor akong hindi na ginagamit gusto mo sayo nalang?" Pangaasar ng kaischoolmate kong si John. Mayaman ang mga kaschool mate ko dahil isang international school itong pinasukan ko.

Napailing nalang ako at hindi na sya pinansin.

"Hehehe. Babye na boy kalawang." Pangaasar nya pa at pinaandar ang motor nya.

'Tss. Kung makapangmata akala mo kung sino, eh hulugan naman ang mutor.' Pangaasar ko sakanya sa isip ko.

Sumakay nako sa bike ko at nagpedal na pauwi.

Hi. Ako nga Pala Si Zac Noah Robles, 18, Dreid International School sa Mexico Pampanga, isang sholar. 4thyr. Highschool nako.

Habang nagpapakilala ako ay diko na namalayan na nasa malapit nakong simbahan. May narinig naman ako sa Kadena ng bike ko at yumuko para tignan. Ng wala akong makitang kakaiba ay tumingin nako sa daan ng diretso at nagulat naman ako ng may babaeng nakauniporme na nakaduko din at nasa dadaanan ko! Hindi ko sya masigawan dahil may misa. Kaya naman pilit kong ipinreno at sakto namang sa harap nya huminto ang bike ko! Salubong naman ang kilay nya na tumingin sakin!

"S-sorry miss." Nahihiyang sabi ko. "Hindi ko kase kayo nakita dahil may tinignan ako sa kadena ng--" hindi kona naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita na sya.

"Tss. Nagdadrive ka ng bike tas dika tumitingin sa dinadaanan mo! Tanga!"Inis na sabi nya at nainis din ako!

"Ikaw kung nakatingin kaba hindi ka makakaiwas? Makakaiwas ka diba?!"

"Aba't sumasagot kapa! Hoy kasalanan moto!"

"E hindi ka naman tinamaan diba?! Naipreno ko naman ah! Tch. Ako pa tinawag mong tanga e, mas tanga ka!" Inis na sabi ko sakanya. Parang nagitla naman sya at sinamaan ako ng tingin, sinamaan ko din sya!

"Hoy! Wag mokong ginaganyan dahil pu---" hindi nya na naituloy ang sasabihin nya dahil nagpedal na uli ako paalis. Hindi naman sya makasigaw ng malakas dahil may misa!

Ipinagpatuloy ko ang pagpepedal ko at ilang minuto lang ay nasa harap bahay nako. Isinandal ko muna ang bike sa harap ng puno sa harap ng bahay namin. Nagtaka naman ako dahil may magarang kotse akong nakita sa kapit bahay namin sa may tindahan. Pero ipinagkibitbalikat ko nalang. Ng papasok nako ng bahay ay kinatok ko ang saradong pinto.

"Ma. Atchu naku pu."

*andito na po ako.*

"Keni nak. Lungub naka. Makabusni ya ing pasbul." Pagkasabi nya nun ay binuksan kona ang pinto. Nagulat naman ako dahil may bisita si Mama, isang babae at lalaki, na kahiy may edad na ay bakas padin ang pagiging gwapo at maganda.

*dito nak, pumasok kana, nakabukas ang pinto.*

"Atin ka palang bisita ma." Sabi ko sabay lapit at halik sa pisngi nya. Binalingan ko naman yung dalawang bisita ni mama. "Good eve po." Sabi ko sabay ngiti ngumiti naman sila. "Dun muna ho ako. Mukhang may importanteng pinaguusapan kayo." Pagpapaalam ko, lalakad na sana ako pero pinigilan ako ni mama.

"Wag kang aalis. Tungkol sayo ang pinaguusapan namin." Seryosong sabi ni Mama. Nagtaka naman ako.

"B-bakit po ako? Sino po ba sila?" Nagtataka kong tanong. Ngumiti naman ng mapait si Mama at Mas lalo akong nagtaka.

"Sila.." Paguumpisa nya. "Sila ang tunay mong magulang." Pagpapatuloy nya at para.namang binambo ang puso ko!

My Secret Assignment Där berättelser lever. Upptäck nu