Prologue

112K 1.5K 100
                                    

"Konti nalang Angelica at matatapos ka na." Mahinang pagchi-cheer ko sa sarili ko habang kinukuha ko yung towel na nakalagay sa bench.

Lintik na dare to! Hindi ko na to uulitin pa.

Angelica Reyes

Second year College.

Nursing student .

At kasalukuyang nasa men's locker room dahil sa isang dare.

Nagmamadali akong humakbang sa may pintuan pagkatapos kong ilagay sa loob ng bag ko yung towel na kinuha ko mula sa bench ng bigla nalang may humarang sa daraanan ko.

"What are you doing here?" I asked Alex by surprise habang napahakbang ako ng pa-atras, palayo mula dito.

Shit! Malapit na akong makalabas eh. Bakit ang ganda naman ng timing nitong lalaki na to?At sa lahat ba naman ng pwedeng makahuli sakin bakit siya pa?

Alexis Del Franco

A campus heartthrob

A charmer

A girl magnet and my best friend's brother.

"Ako ang dapat na nagtatanong sayo nyan, sweetheart. What are you doing here in men's locker room?" He raised his eyebrow and a smirk playing on his lips.

"None of your business."

Alexis chuckled, shaking his head in a taunting manner. "Everything you do is my business, sweetheart."

"Jerk." I hissed and waved my hand in front of his face. "And stop calling me Sweetheart." I irritatedly added.

Kung dati nagtatatalon pa ako sa tuwa dahil sa endearment ni Alexis sakin. Ngayon, gusto kong salaksakin ng kahit ano yung bunganga nito pag tinatawag ako nitong Sweetheart.

"Sweetheart" is way worse than any curse words I've known.

I shook my head to clear my thoughts.

Enough Angelica. Bawal mong alalahanin yung nakaraan at baka magka wrinkles ka pa.

I sighed.

Pasimple akong naglakad papunta sa pintuan ng bigla na naman akong hinarangan ni Alexis.

"Get out of my way." I tried to push him but he wouldn't budge.

I huffed.

Bakit ko ba nakalimutan na gawa sa bakal yung katawan nito!

My eyes widened in shock ng nakangising umuusod papalapit sakin si Alexis.

Napalunok na napa atras nalang ako palayo mula dito.

Ngunit sa bawat pag atras ko, sya namang paghakbang ni Alexis papalapit sa akin hanggang sa mapasandal na ako ng tuluyan sa locker nila.

Alexis bent down and shamelessly peered into my face. "You are not going to answer me?" Nilagay nito yung dalawa nitong kamay sa magkabila kong gilid kaya hindi ako makagalaw.

OMG! He's so near. Halos magdikit na yung ilong namin sa lapit ng mukha ni Alexis sa mukha ko.

Bakit ang bango ng hininga nito, amoy mint? Lasang mint pa din kaya yung mga labi ni Alexis katulad ng dati?

Erase Erase! Wake up Angelica! Wag kang mahulog sa makamandag nyang karisma.

"Why should I?" Sagot ko dito pagkatapos kong mahimasmasan. I looked everywhere but him. Mahirap na at baka mahipnotismo na naman ako pag tumingin ako sa mga mata nito.

Darn it.

Rinig na rinig ko yung pintig ng puso ko dahil sa sobrang kaba at antisipasyon?

No. No. No. Dahil kaba lang to. Pangungumbinsi ko nalang sa sarili ko.

Oh God save me! Sana magmilagro. Magkaroon sana ng lindol, bagyo o mag snow! Anything basta ilayo nyo lang po yung pagmumukha ni Alexis sa akin at baka hindi ko kayanin at mahimatay ako ng tuluyan sa kagwapuhan nito.

"Ok." Sabi ni Alexis, makalipas ang ilang minuto na pagtitig nito sa mukha ko habang lumalayo mula sakin.

Thank God!

I heaved a sigh of relief.

"Pupunta nalang akong dean's office para i-report tong nakita ko." He casually shrugged his shoulders at akmang tatalikod na habang napaawang naman yung mga labi ko at nanlaki yung mga mata kong napatitig sa likod nito.

"You wouldn't dare!" Kinakabahang sabi ko dito kasabay ng paghawak ko sa balikat nito.

Oh my God! He's not serious right? He's my best friend's brother at kahit paano may pinagsamahan din kami. Siguro naman kaya nyang palampasin to, hindi ba?

I looked at him and groaned.

Hindi ko mabasa kung ano yung tumatakbo sa utak ni Alexis dahil sa blangkong tingin nito sa akin na para bang hinihintay nito kung ano yung susunod kong gagawin.

I'm in a big mess.

Kalma Angelica!Think, kung paano mo malulusutan to.

"Can we talk about this? It was just a dare kaya ako nandito. Please Alex." Nagsusumamong pakiusap ko dito.

"Sweetheart, I always thought you're smart." Alex shook his head. "Hindi ko alam na pumapatol ka pala sa kababawan ng mga kaibigan mo."

The nerve of this guy! Pasimple kung manlait.

Timpi Angelica.You don't want to provoke him right? Dahil sa ngayon ayaw mo mang aminin nasa kamay ni Alex ang kapalaran mo.

Shemay! Bakit ba kasi nagpa uto-uto pa ako sa mga kaklase ko. Ayan tuloy nagka problema pa ako.

I let out a deep breath, trying to calm my nerves.

"I'll do anything you want, wag ka lang mag sumbong." Hawak hawak ko yung shirt ni Alex habang nagpapa awa ako dito.

Baka sakaling umepekto.

He was staring at my eyes and lips alternately. Nawala yung ngisi nito. "Anything? Seryosong tanong nito.

"Yes." Napapalunok kong sagot dito.

"We have a deal. Hindi ako magsusumbong kung gagawin mo lahat ng sasabihin ko." Nakangisi na ulit na sabi nito habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko.

"What do you mean?" Kinakabahan at dahan dahan ko na tanong dito.

"Don't worry sweetheart dahil gwapo naman ako, gagawin nalang kitang genie ko. Three wishes and my lips are sealed forever. Do we have a deal?" He asked, looking so amused by this whole ordeal.

Ano na naman ba itong napasukan ko. Wala na akong kawala. Dalawa lang naman ang option ko.

Una, ang tapusin yung hiling nitong lalaki na to na mala Greek God yung pagmumukha ngunit mala demonyo naman ang pag uugali o pangalawa, ang mapatawag sa dean at makaladkad yung pangalan ko sa buong University ng dahil lang sa twalya.

I sighed. "We have a deal."

DEL FRANCO BROTHERS: Alexis (The Charmer)  (PUBLISHED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon