Chapter Eight

65.2K 732 55
                                    


"Handa mo na yung dinner natin, baby doll?" Adien asked, giving me his signature puppy eyes look.

Those puppy eyes again. Sarap talagang dukutin yung mga mata ng magkapatid nato.

"Maid mo ko? Ang dali dali gamitin ng micro eh, ikaw na ang mag init." Nakairap kong sagot dito, pagkatapos kong ibalik yung tingin ko sa pinapanood ko.

"Come on sweetheart nakalimutan mo na ba yung ginawa ni Adien sa micro namin? Gusto mo bang sumabog din yung oven nyo?" Nakangising sabi sakin ni Alex sa gilid ko.

"Hey! Cooking is not my strongest point." Adien said, glaring at Alex.

"Oh please! Don't make an excuse for your stupidity. Sinong nasa katinuan ang maglalagay ng aluminum foil sa microwave oven?!" Alex said, grinning and waving his hand dismissively.

I can't help but giggle at Alex's statement. Naalala ko kasi yung pangyayari na yon. Oh God! Parang binabad sa suka yung mukha ni Adien nung mga panahon na yon.

I looked at Adien's face at nahalata ko na medyo napikon nato sa sinabi ni Alex pero hindi ko pa rin mapigilan yung sarili ko sa pagtawa.

"Fine laugh all you want but I'm still awesome." Naiinis na sabi ni Adien bago to tumayo at lumakad palabas ng sala.

"Hey! Where are you going?" Nakatawa pa rin na tanong ko dito. "Don't make my oven set on fire." Nakatawa ko pang bilin dito

"Don't worry, wala akong balak lumapit sa micro nyo. Mag sa-shower lang ako and I'll expect my dinner when I'm finished." Nakangising sabi nito sakin habang pasimpleng tumingin sa gawi ni Alex.

Damn this blackmailer guy! Imbyerna talaga. Tinitigan ko to ng masama pero nginisihan lang ako nito in return. Damn it!

I drew a deep breath and slumped myself at the sofa. "Bye, baby doll." Tumatawa tawa pang sabi ni Adien sakin bago to umakyat ng tuluyan sa kwarto nito.

Damn him!

"Sweetheart?" Napabaling yung atensyon ko kay Alex ng marinig ko yung boses nito.

"Hmm?" I gave him a quick glace pagkatapos kong alisin yung pagkakasandal ng ulo ko sa sofa.

Nagulat nalang ako ng basta basta nalang humiga si Alex sa lap ko. "Hey!" Naiilang at nabigla kong sabi dito.

"I'm tired Sweetheart." Nagpapa-awa tong tumingala sakin.

Oh God! What's wrong with him? Hindi ba nya alam na nagpapalpitate ako sa ginagawa nya. Maawa naman sya sa puso ko, nagtataka nga ako at hindi pa ako nagkaka heart attack dahil sa mga pinag gagagawa niya ngayong araw eh.

Napa buntunghininga nalang ako ng makita ko na pumikit na si Alexis. He's so beautiful. Mukang mas babae pa yung mukha nya kesa sakin kaya hindi ko talaga masisisi yung mga nahuhumaling dito kasi naman may rason naman talaga sila para mabaliw.

Muka palang ulam na ulam na, ano pa kaya kung makita nila yung katawan ni Alex? Ulam sa mukha tapos dessert sa katawan at beverage sa ngiti. Damn! Whole course na nga, busog na busog ka pa.

"Don't stop Sweetheart." Alex murmured.

Don't stop what? Don't stop lusting over him? Na voice out ko ba yung mga pinag iisip ko? Kinakabahan at natutuliro akong tumingin sa mukha ni Alex.

"Sweetheart, don't stop running your fingers through my hair." Alex said before he opens his eyes slowly. "What's wrong?" Nakakunot noo na tanong nito sakin ng makita nito yung expression ko.

"Ahm, naisip ko lang yung dinner natin." Mabilis kong pag a-alibi habang iniiwas ko yung tingin ko dito.

Thank God at hindi ko naman pala na voice out yung mga iniisip ko. I frowned ng ni replay ko sa utak ko yung sinabi nito at napatingin agad ako sa kamay ko. Damn! I was unconsciously running my fingers through his hair. Kakahiya!

Don't panic Angelica! Hindi mo kasalanan na malambot lang talaga yung buhok nya. Pull yourself together! Mas nakakahiya pa nga yung iniisip mo kesa sa nagawa mo.

I cleared my throat. "Help me?" I softly asked him habang nginunguso ko yung kitchen.

"Ok." Umalis nato sa pagkakahiga sa lap ko at inabot yung kamay ko para hilahin ako patayo.

"Thanks." I mumbled, akala ko bibitawan na nito yung kamay ko pero nagtaka ako ng mas lalo pang humigpit yung pagkakahawak nito sakin at hinila ako nito papuntang kusina.

I hide my smile. Damn kinikilig ako. Masyado yata sa skinship si Alex ngayon? Hindi ko man aminin, I freaking love it.

Wait! Does it make me malandi na ba?

"I'll set the table, tapos ikaw na yung mag init ng pagkain natin." Nakangiting sabi sakin ni Alex saka nito binitawan yung kamay ko.

Damn! Sayang.

"Ok." Pinuntahan ko muna yung rice cooker para initin yung kanin saka ako pumunta sa ref. para kunin yung ulam namin at initin sa microwave.

I tie my hair into a messy bun habang naghihintay sa timer. I startled when Alex suddenly hugged me from behind. "What's wrong?" Namumula at ne-nerbyos kong tanong dito.

"I'm just so tired sweetheart." He mumbled habang hinihilig nito yung ulo nito sa balikat ko.

So unan na pala yung balikat ko ngayon? Ai nako Angelica, wag kana magpakipot gusto mo din naman eh!

I jumped in surprise ng bigla nalang may kumalabog malapit sa pinto ng kusina. Napatingin kami pareho ni Alex sa pinto. "Ano yan, hugging day ba ngayon?" Nakangising bungad samin ni Adien paglingon na paglingon namin.

Nakita ko na napailing nalang si Alex habang ako naman namumula sa kahihiyan. Damn this guy! Hindi talaga marunong bumasa ng mood?

No! No! No! Dapat nga magpasalamat ka pa kay Adien, Angelica dahil kung hindi nya na interrupt yung hugging session nyo ni Alex baka kung ano pa yung nagawa o nasabi mo.

Nakangisi na umalis si Adien sa kitchen at pumuntang dining room ng tumunog yung timer ng micro. Pasimple pa tong kumindat sakin bago kami nito tuluyang tinalikuran ni Alex.

Napapangiti at napapailing nalang na kinuha ko yung ulam sa micro pero bago pa ako makalakad, kinuha na ni Alex sa mga kamay ko yung bowl ng ulam. "Expect my first wish on Monday Sweetheart." He whispered and wink at me bago ako nito iniwan sa kusina na nakatunganga.

What was that?

Shit!

Nawala na sa isip ko yung wish na yon. Damn it to hell!

DEL FRANCO BROTHERS: Alexis (The Charmer)  (PUBLISHED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now