Chapter Three

88.1K 883 24
                                    


I rolled my eyes upward and raised my eyebrow. "Really Adien?"

"What?" Nagtatakang tanong sakin ni Adien pagkatapos nitong alisin yung susi nito sa ignition.

Naiinis ko namang tinuro dito yung mga linta na papalapit na sa sasakyan nito. "Ano ka celebrity? Bakit hindi ka nalang kaya mag artista tutal sangkatutak naman na ang fans mo?" Sarkastiko kong suggestion dito.

Adien rubbed his forehead in the most dramatic way possible. "Baby doll, It's not my fault that girls won't leave me alone and yes I know, I'm way too hot for my own good kaya nga minsan naiisip ko na curse na yata tong good looks ko kesa blessing." He said, faking his sadness but there's a glint of amusement and mischief in his eyes.

Kapal!

I shook my head in disbelief. "Modesty, ever heard of it? Mukang hindi mo pa na e-encounter yung salitang yon."

Ade chuckled. "Best friend ko kasi si Mr. Honesty kaya na impluwensyahan nya yung pananaw ko." He said, grinning like a fool.

Smart mouth talaga tong playboy nato!

"Come on baby doll, nakakahiya na sa mga fans ko sa labas dahil ang tagal na natin silang pinaghihintay." He said and playfully winked at me bago ito tuluyang lumabas ng kotse nito.

Umiiling iling nalang din akong sumunod dito.

Wala na akong magagawa pa, trade mark na yata ng Del Franco Brothers yung nag uumapaw nilang self confidence.

I rolled my eyes ng makita ko si Adien na pinalibutan agad ng mga babae pagkababang pagkababa nito ng sasakyan.

Kaya hanggang langit ang kayabangan nitong si Adien eh. Masyado kasi tong mabenta sa mga chicks.

And God! Wala na ba talagang kahihiyan tong mga babae na to dahil kung makapulupot sila kay Adien ganon ganon nalang?

O baka naman mga ahas sila nung past life nila kaya expert na silang lumingkis?

At hindi ba sila nag take ng values nung high school palang sila?

I shrugged my shoulders. Baka mga laging absent o kaya naman mas inuna ang sex education.

I shook my head to clear my thoughts dahil napo-pollute na ng mga lintang to yung dalisay kong pag iisip.

"I'll go ahead Adien!" Sigaw ko nalang kay Adien, hindi na ko lumapit pa sa kanila at baka may mang hila pa ng buhok ko. May pagka war freak pa naman yung mga slut na nakapalibot dito.

See? Nagpaalam lang ako at hindi na nga lumapit kay Adien kung makatingin pa rin sakin parang gusto akong patayin gamit yung stiletto nila.

I shook my head at naglakad nalang paalis dahil wala na talaga akong masabi. Kinaganda talaga nila tong mga arte nila.

Napahinto ako sa paglalakad ng bigla nalang sumigaw si Adien. "I'll pick you up later baby doll. Hintayin mo ko sa room nyo."

Damn it! Gusto ba talaga ni Adien na hindi na ako makalabas pa ng buhay dito sa Campus? Tamang ipagsigawan pa yung baby doll? Inis!

I just wave my hand over my head ng hindi lumilingon dito.

Mamaya talaga kakausapin ko tong si Adien on Angelica's survival 101 dahil ayoko pang mamatay na virgin noh. Shucks!

==================

Pabagsak kong binaba yung hawak kong libro at pahablot kong kinuha yung iPhone ko na nasa lamesa.

Nanggigigil at naiinis na ni rape click ko yung number ni Ade pero puro busy tone yung naririnig ko sa kabilang linya.

Akala ko ba susunduin ako ng magaling na lalaki na yon. Anong petsa na at wala pa rin sya!

"Sweetheart." I jump in surprise ng bigla nalang sumulpot si Alex sa harap ko.

I frowned. "What are you doing here?" I asked, looking up at Alex who was already looking down at me smiling.

Wala ba talagang ipapangit tong lalaki na to?

Inalis ko nalang yung pagkakatingin ko kay Alex dahil nalulusaw ng ngiti nito yung bakal na pinalibot ko sa puso ko.

Enough Angelica. Itigil mo na yung kabalbalang iniisip mo bago ka na naman mahulog. Alam mo namang may pagka sadista yang lalaki na yan.

Nasan na ba kasi yung Adien na yon? Kasalanan nya lahat ng to eh. Sabi nya hintayin ko sya dito pero mag kakalahating oras na akong naghihintay hindi pa rin sya dumadating.

"Pinasa ka sakin ni Adien, you're coming home with me."

Pinasa? Ano ako? Bola! Tssshhh. Mga lalaki talaga. Ni hindi marunong gumamit ng tamang term.

At lagot talaga sakin yung Adien na yon bukas. Ilang beses na nya akong pinagpapalit sa mga linta nya at ilang beses na din nya akong pinapaubaya sa Kuya nyang blackmailer.

Hmp! Asan na yung sumpaan namin na friends before hoes or in my case, friends before jerks!

At ang magaling kong best friend, pinagpalit na nga ako sa hoe, jerk pa yung pinadala sakin.

I drew a deep breath. "Why? Asan ba si Adien?" I asked him with my resigned tone.

No choice, kay Alex at kay Alex pa rin talaga ako babagsak.

Kapal ko lang talaga. No choice? Ako pa talaga ang choosy.

"Don't be like that, Sweetheart. I know how much you want me ------"

I raised my hand in front of his face. "Please. Spare me with the drama and stop dreaming. Napasukan na yata ng hangin yang utak mo kaya kung anu-ano na yung pinag sasasabi mo dyan."

I looked at him in shock ng basta nalang nitong sinunggaban yung kamay ko na nasa harap ng mukha nito. I can feel myself blushing at bigla nalang akong natameme.

"So adorable, Sweetheart." I heard him whispered bago ako nito hinila papunta sa parking lot kung nasaan yung sasakyan nito.

Oh God! Bakit bumalik na naman yung panghihina ko pagdating kay Alexis? Anong nangyari sa plinano ko kagabi? Anong silbi ng mala-torture kong pag re-reminisce kagabi sa heartache ko dito.

Damn it! Ang tagal kong umarte kagabi sa harap ng salamin tapos kamay na malambot lang pala ni Alexis yung titibag sa resolution ko?

I'm in huge trouble!

DEL FRANCO BROTHERS: Alexis (The Charmer)  (PUBLISHED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now