Chapter 32 : Her Past

Start from the beginning
                                    

"sulat? bakit hindi pa ba uso cellphone nuon?" komento ko.

"uso naman po, kaso hindi naman afford ng mga Ate Jena ang ganuong luho. Mahirap lang po kasi talaga ang family namin eh.Halos buong angkan namin namamasukan lang po sa Family nila Ate Abyang"

"teka" nagugulumihan kong pigil sa kanya. "kanina ko pa kasi ito gustong itanong. how were you related to Jena? kasi kung magkwento ka parang hindi lang simpleng magkakakilala kayo eh" pagsasataning ko.

"hindi pa po siguro nababanggit sa inyo ni Ate Abyang pero ang mother ko po kasi ay pinsan ni Ate Jenna.bale, kamag-anak po namin sila"

"ah okay" nalilinawan kong sagot. no wonder ang dami-dami nitong alam. siguro nakatira lang sila  sa iisang compund. Ganuon naman sa probinsya hindi ba, kumpol-kumpol ang magkakamag-anak.

"so, ayun nga po. Matagal din pong naging lihim yung relasyon nila. pero syempre sabi nga nila wala namang sikreto na hindi nabubunyag. One time, naghalungkat po ang Tita Esther ng gamit ni Ate Jena, duon nya po nalaman ang lahat. Akala po ng mga Ate Abyang dead end na ng relasyon nila, pero kabaligtaran po ang nangyari. Pareho po silang natanggap ng kanya-kanya nilang family. Kung tutuusin Happy ever after na dapat di ba? pero hindi, kasi nung time na nagkolehiyo sila sa Maynila. duon nakilala ni Ate Jena si Nick, ang bestfriend ni Ate Abyang. and then duon na nagsimula yung kwento nila"

"buti nakatuntong ng kolehiyo si Ate Jena mo?" kuryus kong tanong.

"tinulungan po sya ng mga Sandoval, ikinuha sya ng scholarship sa eskuwelahan na papasukan din ni Ate Abyang. Mabait po family nila simula't sapul, hindi mo sila kakakitaan ng pagiging arogante, kaya nga po buong angkan namin magiliw na naninilbihan sa kanila. Kung utang loob nga po ang pag-uusapan, hay naku, umaapaw po ang ganyan namin sa kanila. Lalo na ako, malapit na ako makapag-tapos ng pag-aaral sa kolehiyo ng dahil sa kanya" sabay nguso kay Gabby na mahimbing pa ding natutulog.

I was literally amazed na malaman ang mga ganitong bagay tungkol sa katipan at pamilya nito. Nakakatuwa na sa kabila ng kanilang estado sa buhay ay nananatili silang humble. Hindi mo naman malalaman or mababasa ang fact na ito sa mga magazine or mga interviews, dahil they usually keep all the private issues inside their family.

Natahimik kami pansumandali, Joshua grab his coffee and marahang sumimsim. Pero dahil pakiramdam ko kelangan kong malaman ang dahilan kung anong nangyare sa past ni Gabby, hindi na ako nagdalawang isip na tanungin ulit ang kausap.

"s-so, anong nangyari after nung nagkakilala si Jena at Nick?"

"hhmmm.. Ate Jena fell in-love with him. Hindi ko na alam yung details pero natatandaan ko sumama sya kay Nick. Mas pinili nya yun over kay Ate Abyang" tipid na tugon nito.

"i'm sorry to ask this, pero buti hindi nagkaron ng problem between sa inyo at mga Sandoval?"

He paused for a while at bumuntong hininga bago sinagot ang tanong ko.

"syempre Ate, nagkaroon ng bahagyang problema, lalo na nuong naging miserable ang buhay nya. You'll never imagine kung ano ang mga pinagdaanan nyan" sabay nguso kay Gabby

"Nagalit sila nuong una. syempre sino ba naman kasing matutuwa na ang isa sa paborito nilang anak sasaktan lang ng ganuon. To think na itinuring na rin nilang sariling anak si Ate Jena. Ibinigay nila hindi lang ang mga material na bagay kundi buong support nila sa relasyon nila ni Ate Abyang. at kagaya ng anak nila, nag-invest din sila ng emotion at trust." then paused " Actually, maski sa side namin at maski mga magulang ni Ate Jena hindi sang-ayon sa ginawa nito. Ang simpatya ng buong angkan namin na kay Ate Abyang. ang mga tiyahin ko ang unang nag-react sa isyu na yan, paano spoiled yan sa kanila. Kaya kung mapapansin mo maski sila Dadilo at Mamila parang apo na rin ang turing nila" pagpapatuloy nito.

For the second time nabalutan kami ng pananahimik. Ako na nagninilay nilay sa mga nai-kwento nito ay hindi na nagulat when heard my Girlfriends story. No wonder, binalutan ng sobrang galit ang puso nito.

Ganuon naman talaga, ang mga tao hindi naman basta-basta lang magbabago. Malamang sa malamang there's always a reason kung bakit nagiging bitter at nagbabago ang pananaw nila sa mga bagay bagay lalo na sa usaping pag-ibig.

We can not blame them, kasi they have been thru many experiences na nagdulot ng kung ano-anong rollercoaster na feelings sa kanila. Nandiyaang naging masaya, nalungkot, at kalaunan ay natakot at nadala.

Love is a cycle, sa una masaya and then pag naging comfortable sa isa't-isa ay mabobored kasunod ng magiging malungkot. Until hindi na makukuntento at hahanapin sa iba ang kasiyahang dating bumalot sa relasyong ginagalawan nila. Kung bakit nga naman may mga taong hindi marunong makuntento sa kung anong meron sila at pilit na sinisilip ang kakulangan ng ka-partner imbes na magpasalamat sa mga bagay na mayroon at hawak-hawak na nila.

Geez! They are too busy looking for the perfect one, when actually the perfect one is not necessarily the right one.

Siguro ganyan ang nangyari sa kanila ni Jena, nalunod sya sa mundong ginawa ni Gabby para sa kanya until nagsawa at na-bored. Kaya nang may nakilalang iba, ayun nagpatihulog , sumama at iniwan ang taong lubos na nagmahal at inialay ang lahat para sa kanya.

Oh well, inis man ako kay Jena , i'm still thankful sa ginawa nya dahil kung hindi nya iniwanan si Gabby. i wont ever be lucky and blessed na makilala at mahalin ng isang kagaya nya.

"masaya kami Ate"

"huh?" nagugulumihan kong tugon sa pagpukaw ng katabi ko. His comment bring me back to reality.

"sabi ko masaya kami para sa inyo ni Ate Abyang. Thankful kami kasi dumating ka sa buhay nya, kasi kung hindi dahil sayo matagal ng nilamon ng galit ang buong pagkatao nyan. 

Ngayon ko napag-tanto, na ang love pala ay nakakapag-pagaling ng bipolar" natatawa nitong komento muttered his last sentence dahil siguro sa takot na marinig sya ni Gabby.

"joke, baka isumbong mo ko eh" sabay peace sign sa akin habang nakangiti

"loko ka, hindi naman na sya masyadong ganuon" pagtatakip ko

Natatawa itong ngumiti habang binabato ako na mapang-asar na tingin but then nabaling ang atensyon kay Mang Jaime when he called on to him at hinanap ang kape na ipinatimpla nito.

"pagtanggol mo pa Ate. Ganyan talaga kapag mahal mo eh" huling kantyaw nito bago muling bumalik sa passenger seat bitbit ang kape ni Mang Jaime.

I quickly finished my not so hot na coffee at dahan-dahang bumalik sa pagkakahiga beside Gabby. Sandali ko itong pinagmasdan and then planted a soft kiss all over her face. sa forehead, sa magkbilang cheeks, sa nose at sa lips. After that i move closely and snuggle beside her na ginantihan naman nya ng bahagyang pag-ungol and pressed her lips on my forehead.

********

Chapter 33 : Meet the Sandoval's

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Where stories live. Discover now