"Hmp. Ang hirap mo naman kasi basahin. Alam mo bang kayo lang ng mga kasamahan mo, yung mga nurse ni Jayden at si Jayden lang ang hindi ko nababasa ang nasa isip? Kaya nga napagtanto ko na puro sa mga normal lang ang itsura gumagana ang powers ko eh."

"Si Dr. Serafim? Hindi mo din nababasa ang nasa isip nya?"

"oo. Pero in fairness, mas madali basahin sa mukha ang iniisip nya. He's super nice and friendly."

"And me?"

"Ang hirap mo basahin. Laging blangko ang mukha mo tapos minsan ka lang ngumiti. You're very intimidating."

He raised his eyebrow at that, "Intimidating?? So sinasabi mong mas gusto mo sya?"

"Hindi ah. I just like him as my older brother. Ang dami kasi nyang trivia at payo. At alam mo, madami din syang alam sa mga katulad ko."

" Vampires??"

"oo."

"I see."

"B-But I like you more," wika nya ng mapansing kumunot ang noo nito.

Dylan smiled at that and hold her hand, "Good. And..Cassandra.. you look stunning in black. It compliments your skin."

         

She smiled bitterly and tighten her hold of his hand, "Yeah. My pale skin..ahm.. kapag naging bampira na ako at hindi ko na kayang kontrolin ang sarili ko...can you..can you please...kill me?"

Biglang nagpreno ito sa pagkabigla, "What?"

"K-Kapag nakapanakit na ako ng tao...and I became a monster.. I want you to k-kill me."

"Let's not talk about it, Cassandra," malamig na wika nito, closing the subject.

"P-Pero baka—"

"Cassandra."

Maica just sighed, "Ok."

         Huminto na sila sa tapat ng simbahan at nakita nya si Liza sa tapat ng bahay. Napansin nyang sakto din ang damit ni Dylan, a dark blue longsleeve polo, almost black.

"hm..at bakit nandito si future bf?" her friend asked.

"AH.. Kami na," she confessed, blushing.

"OMG!! Kayo na? Sinagot mo na sya?"

She nodded.

"Congrats, Dylan. Nakoo..wag mong saktan ang kaibigan ko ha."

"I'll never want to hurt her."

          

"Pasok na tayo. Madami na bang tao?"

Eye-dentity (completed)Where stories live. Discover now