Chapter 14: Blush

0 0 0
                                    

Jailey Montez

Pagkapasok namin ni Light sa room ay nagsitinginan samin ang lahat at napansing kong nag-simula na pala silang magklase.

"Oooyyyy~" panunuksong sigaw ni Troy habang nakatingin samin. Nagsihiyawan na din ang iba habang nakatingin samin kaya nagtaka naman ako.

"Hawak kamay, di kita iiwan sa paglakbay, dito sa mundong walang katiyakan~" kanta ni Kent. Doon ko narealize kung bakit sila humihiyaw. Agad akong pinamulaan ng mukha at mabilis na tinanggal ang kamay namin ni Light na magkahawak.

"Quiet Class!" Sita ng Teacher namin. Nagsitahimik naman sila pero kita ko parin ang pagpipigil nilang ngumiti.

Mabilis na naglakad si Light papuntang upuan nya at kapansin pansin ang pamumula ng tenga nya dahil sa puti nya. Sumunod na ko at rinig ko parin ang bungisngis nila Kent at Troy habang nakatingin kay Light. Si Ash naman nakangising nakatitig sakin kaya binaling ko sa ibang direksyon ang mata ko. Dumapo iyon sa babaeng kakaiba tumingin sakin. Iniwas ko din agad ang tingin ko sa kanya kasi masama syang tumitig sakin.

"What a view." Sabi ni Ash pagkaupo ko. Sinamaan ko sya ng tingin pero mas lalo lang syang ngumisi. Putek. Parang gusto
nalang itago sa bag ang ulo ko. >////<


***


Naalipungatan ako nang may maramdaman akong tumatapik sa pisngi ko. Napamulat ako ng mata at tumambad sakin ang gwapong mukha ni Light. Oo si Light. Napaupo ako ng maayos sa upuan nang marealize kong nakatulog pala ako. Tumingin ako sa paligid at nakitang kami nalang ang tira dito sa room.

"Kanina pa uwian." Sabi nya habang nakatayo sa tabi ko. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Bakit hindi mo ko ginising!" Inis ko sabi.

"Ano bang ginawa ko?" Sarcastic nyang sabi. Oo nga noh?

"Abnormal! Walang maghahatid sakin nyan eh." Maktol ko. Tae iniwan ako ni Ashley. Bwiset talaga yung amazonang yon.

"Andito naman ako." Sagot nya. Timitig sya sakin at napa-smirk. "Namumula ka." Dagdag nya kaya ramdam kong mas uminit ang mukha ko. Tumayo ako at Inis ko syang pinaghahampas sa braso pero sinasalo nya lang ito.

"Abnormal ka talagang liwanang ka!" sigaw ko at sinipa sya sa binti sa inis. Napa-aray sya at lumayo sakin ng konti sabay titig ng masama. Yumuko sya habang hawak hawak ang sinipa ko, mukhang napalakas ata ang pagkakasipa ko, may takong pa naman ako.

Agad ko syang nilapitan at yumuko din para makita sya ng maayos. Mariin syang nakapikit at parang iniinda ang sakit ng pagkakasipa ko.

"Ayos ka lang?" tanong ko at hinawakan sya sa balikat pero di nya ko sinagot.

"Ooy Light. Sorry hindi ko sinasadya. Ikaw kasi eh." Natataranta kong sabi. Tinitigan ko sya kasi napapapikit parin sya sa sakit. Para namang pasimple syang tumitingin sakin kaya mas tinitigan ko sya.

"Crush mo lang ako eh." Bulong nya sa tenga ko kaya agad nagsitaasan ang balahibo ko. Tae! Sabi na eh umaakting lang sya. Mabilis ko syang tinulak at nakitang naka-smirk sya sakin.

"Baliw!" Sigaw ko at naglakad palabas ng room pagkakuha ko ng bag. Medyo madilim na sa paligid kaya mas nainis ako. Taena san ako sasakay nyan?

Mabilis akong pumasok sa elevator at dali dali ding sumakay si Light kaya kami lang dalawa ang andito. Ramdam ko parin ang pamumula ko dahil sa nang-aasar na tingin na ibinibigay nya sakin.

"Ang pula mo. Halata ka masyado." Sabi nya pagkasara ng pinto. Booseett!!

"Tigilan mo ko Light!" banta ko sa kanya pero napangisi lang sya. Lumapit sya sakin kaya napaatras ako. Humakbang pa ulit sya kaya napaatras ako hanggang sa maramdaman kong nakasandal na ko.

"I love you." Bulong nya sabay titig sakin. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya at naaabnormal nanaman ang puso ko.

Tumunog ang elevator hudyat na nasa baba na kami pero hindi parin ako gumagalaw.

"Namumula ka girlfriend." Sabi nya kaya mabilis na dumaloy ang inis sa katawan ko. Lumayo sya sakin at tumawa ng pagkalakas lakas.Tae ang lakas nya mang-asar!!

Padabog na nagmartsa akong lumabas sa elevator at alam kong sinusundan nya ko dahil rinig na rinig ko ang nakakairitang tawa nya.

"Hoy saan ka pupunta? Sabay ka na sakin." Sigaw nya nang makalagpas ako sa parking Lot.

"Bwiset wag mo kong kausapin!!!" Sigaw ko at di sya nilingon. Nang makarating ako sa kalsada ay napagpasyahan kong maglakad nalang. Taeng Light yun ang sarap itapon sa kulungan! Padabog ang paglalalakad ko at wala akong paki kung masira man ang takong ko.

Ilang sandali pa ay may kotse nang sumasabay sa paglalakad ko at alam kong si light yun. Halos tumakbo na ko matakasan lang si light pero talagang sinasabayan nya ko

"Sumabay ka na sakin." Sabi nya nang ibaba nya ang windshield ng kotse nya pero di ko sya sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Girlfriend." Tawag nya.

"Jai.."

"Jailey."

Psh. Bahala sya dyan. Kainis! May nadaanan akong magshota at nakita ko kung paano hinalikan nung babae yung boyfriend nya at kung paano natameme at namula yung bf. May evil plan naman na biglang nagpop-up sa utak ko.

"Oy. Bahala ka pag may biglang humila sayo dito at Rape-in ka." Sabi nya. Agad naman akong napahinto kaya huminto din sya. Tinignan ko sya at ngumisi naman sya. Binuksan nya yung pinto ng kotse at tumingin sakin.

"Sasakay ka o hahatakin kita." Sabi nya. Sumakay naman na ako at palihim na ngumisi. Hah! Lagot ka sakin.

Umalis na kami pagkasakay ko. Nilingon ko sya at nakangisi nanaman sya. Akala nya siguro nagtagumpay sya ha.

"Matunaw ako Jai. Wala ka ng boyfriend nyan." Sabi nya na hindi ako tinitignan. Bwiset talaga!

Tumigil sya sa tapat ng mansyon. Tinignan ko sya at ngumisi dahil sa plano ko.

"Light." Tawag ko sa kanya kaya lumingon sya. Mabilis akong lumapit sa kanya at hinila ang batok nya sabay halik sa labi nya. Ramdam kong natigilan sya at hindi gumalaw. Kumawala ako sa halik at nakita ko ang gulat nyang mukha habang nakatingin sakin.

"Namumula ka boyfriend." Sabi ko sabay smirk. Nakita kong lumunok sya pero hindi nagsalita. Nakatulala lang sya sakin kaya Dalidali akong lumabas ng kotse nya at pumasok sa loob ng Mansyon. Napasandal ako sa likod ng Gate at humawak sa labi ko. Sh*t! Yung puso ko.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Apr 10, 2017 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

The Heir's Chosen QueenOù les histoires vivent. Découvrez maintenant