Chapter 11: Bipolar

0 0 0
                                    

CHAPTER 11✔
Bipolar

Jailey Montez

Isa isa kong tinignan ang mga bagong pasok. Ang arrangement namin dito sa likod ay:

Wall • babae • lalaking nerd • vacant • Kent • Ashley • ako • Light • Window.

Very very nice diba? Hindi ako komportable sa tabi ng Light na to. Parang nagi-Guilty ako na ewan.
Umiling ang teacher namin sa harap at nagsimula ulit magdadada. Bakit parang angsikip ng room nato? Marami namang nakapalibot ng sofa, tables, at refrigerators sa sobrang lawak pero feeling ko ang sikip parin.

Rinig kong kinukulit ni Kent si Ashley at wala akong pakialam dahil sa nakapalibot na dark aura kay Light. Tae ang cold cold nya. Iniwasan kong tignan sya kasi alam kong malakas ang pakiramdam ng Abnormal na to baka makahalata sya.

"Ashley? Anong oras ang break time? Gutom na ko." Bulong ko kay Ashley. Tumingin naman sya sa relo nya. Mabuti naman at bumait kahit papano to.

"3 minutes from now." Sagot nya sabay irap. Okay binabawi ko na.

Ilang sandali pa ay nagRing na nga ang bell. Napatayo ako sa excitement at hahakbang na sana palayo nang higitin ni Ashley ang collar ng polo ko.

"What?" Tanong ko.

"San punta mo?" Tanong nya.

"Magbi-break san pa ba??" Sagot ko. Napatingin naman siya kay Kent na nagpipigil tumawa.

"Doon sa table number 1 ang pwesto natin at dyan din tayo kakain." Sabi nya sabay turo sa may table  (sa tabi ng bintana na may magandang view sa labas) na may pa-curve na sofa at sa likod ay isang higanteng refrigerator. Wow.

"Pffft. hahahah. Tara na nga." Sabi ni Kent sabay hatak sakin papunta doon. Maluwang dito sa table #1 kumpara sa iba. Naupo kaming tatlo at pinagitnaan nila ako ni Ashley. Ilang sandali pa ay lumapit dito yung hot na nerd at ang cold na si Light.

"Hey. I'm Troy nga pala." biglang sabi nung hot na nerd at ngumiti. infairness ah ma-appeal  at gwapo sya. *_*

"Jailey." Sabi ko at nagshake hands kami. Nginitian ko din sya. Putek ang gwapo pala sa malapitan nito. Ramdam kong may nakatitig sa gawi ko pero hinayaan ko nalang.

"Tara kain na tayo." Energetic na sabi ni Kent. Tumayo na sila ni Ash at pumunta sa may Ref.

"Kuhanan na kita Jailey. Anong gusto mo?" Tanong ni Troy. ^_^

"Anything." Medyo mahina kong sagot. Sumaludo naman sya sakin sabay sunod kila Kent. Nang bumaling ulit ako sa may table ay nahagip ng mata ko si Light na katapat ko lang. Nakatitig sya sakin. Medyo nagpalpitate naman ang puso ko. Problema nya? Ilang sandali pa ay tumayo na din sya at sumunod kila Kent. Ano bang nangyayari dun?

"Kainan na!!" Sigaw ni Kent. Di ko napansin na andito na pala silang lahat. Lutang ba ko?

"Hoy Kent sakin yan ano ba?!" Reklamo ni Troy nang nilantakan ni Kent ang sundae nya.

"Damot. Marami pa sa ref kuha ka nalang." Sabi ni Kent. Binatukan naman sya ni Ashley.

"Aray Ashley ha. Problema mo ba?!" Sigaw ni Kent.

"Kuha ka sa ref wag kang manguha ng di sayo." Sagot ni Ashley. Nagpalitan sila ng deathglare na dalawa hanggang sa tumayo si Kent.

"Palibhasa crush nya si Troy kaya pinagtatanggol nya." Pagpaparinig ni Kent habang pabalik sa may ref na ikinapula naman ni Ashley. Tinignan ko si Troy na nakangisi lang.

Nagbangayan silang tatlo habang kami naman ni Light ay tahimik lang. Paminsan ay sinusulyapan ko sya pero busy sya sa sinisipsip nyang float. Damn Light. Bahala ka dyan!

"Jailey. Okay ka lang? Tulala ka ata?" Sabi ni Kent. Napunta sakin ang tingin nilang lahat. Including Light pero agad din nyang binawi ang tingin nya.

"Ahm. Sorry. Nakakapanibago lang." Palusot ko. Maging ako ay hindi ko alam kung bakit ganito ako. Namimiss ko lang siguro sila Carl at Lira.

"Nako. Masanay ka na." nakangiting sabi ni Troy.

"Kaya nga. Wag kang mahiya dyan kay Ashley kas--- ARAAY!!" Sigaw ni Kent nang hampasin sya ni Ash sa likod.

"Shut up." Sabi ni Ashley.

"Ash? Bakit hindi mo nalang ilibot si Jailey dito sa campus para hindi sya maligaw next time? Wala naman ng klase after this." sabi ni Troy kay Ashley at hindi nakatakas sa mata ko ang tinginan nila ni Light. oh Problema nila?

"Sige." Maikling sagot nya.

"Basta talaga si Troy OO agad si A-- aAARRAY!!" Isang napakalakas na batok ang natanggap ng kawawang si Kent sa sadistang si Ashley. Napailing nalang ako.

Natapos ang break-time na tahimik kami ni Light. Kasalukuyan naman kaming nagpapahinga ni Ashley sa music room dito sa 7th floor after ng mahabahabang tour nya sakin. Nakaupo sya sa may gilid bahang ako naman sinusuri ang bawat instrumentong madaanan ko.

"Magkagalit ba kayo ni Kuya L?" biglang tanong nya. Nilingon ko sya pero dedma ang face nya.

"Ewan ko dun. Ang labo nya din kasi. Bigla biglang nagagalit." sagot ko.

"Maybe may nagawa o nasabi kang hindi mo alam. Hindi sya basta basta nagagalit Jai." Seryoso nyang sabi. Natahimik naman ako. Hindi ko maintindihan si Light. Kay Calvin sya nagalit pero biglang napunta sakin.

"Dont think too much. Baka nagtatampo lang yun." Dagdag nya. Si Light nagtatampo? Seryoso? Napaka Bipolar nya talaga!. >.<


****************CUT.CUT.CUT*********************







"Bakit ganun si Light?" tanong ko. Agad ko namang tinakpan ang bunganga ko dahil sa pagkabigla. Tinignan nya ko at parang hindi sya nagulat.

"Don't worry. Alam ko ang nangyari sainyo kagabi." Sagot nya na ikinabigla ko.

"P-papano mo alam?" Gulat kong tanong.

"Pinsan ko sya Jailey. Kahit na cold si kuya Light may pakiramdam parin sya. He's not that bad as you think." Makahulugang sambit nya. Ngayon nya lang ako tinawag sa pangalan ko at seryoso sya. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko ngayon. Bakit sinasabi nya sakin tong mga to?

"Dont think na nagsumbong sya or what. Close talaga kami noon pa kaya open kami sa isat isa." Kwento nya. "Bata pa kami noong pinalibutan ng mga tuso at masasamang Mafia mula sa ibang organisasyon ang mansyon namin sa mismong birthday nya. Dumanak ang dugo. Lumaban ang mga magulang namin para maligtas kami. Nagtagumpay silang mapatay ang mga kalaban pero sa huli, namatay din ang mga magulang namin, ang mga mahahalagang tao kay Light, at ang pinakamahal nyang kapatid." Patuloy nya habang pinipigilang maluha.

"Sa lahat ng dumalo sa kaarawan nya ay kami lang ni Light at ng ama nya ang nabuhay. Simula noon naging malupit ang papa ni kuya Light sa kanya. Gusto nyang maging malakas sya dahil sya ang susunod na tagapagmana ng pamilya namin sa organisasyon. Bawat pagkakamali nya, laging ang kapatid nya na kasamang namatay ang ikinukumpara sa kanya. Sana ay hindi nalang daw sya nagdiwang ng birthday nya noon at sana ay sya nalang daw ang namatay." Nakatulalang kwento nya at may tumulong luha sa mata nya.

"Kaya wag ka ng magtaka kung galit sya sayo ngayon." Dagdag nya. Nadagdagan pa ang luhang kumawala sa mata nya kaya mabilis ko syang nilapitan at niyakap.

"Sorry. Wala akong alam. Hindi ko sinasadyang sabihan sya ng ganun kagabi." Sabi ko. Tumaas baba ang balikat nya tanda na humagulgol sya. Parang kinukurot naman ang puso ko. Kung nasa katinuan ako ngayon iisipin kong napakaDrama pero hindi. Seryoso ito. Light Grey. Napaka-unfair mo sa sarili mo. Ganyan pala ang pinagdadaanan mo pero tinatago mo lang gamit ang maskara mo.

The Heir's Chosen QueenWhere stories live. Discover now