Chapter 12: Lagot

2 0 0
                                    


Jailey Montez

Pangalawang araw ko ngayon dito sa Harvard University PH. Opo HU-(PH), para kasi itong replika ng HU, nasa Pilipinas nga lang.

May uniform na ako na kabibigay lang kahapon. Hindi ako komportable, ang ikli kasi masyado. Ayoko nang magdescribe, basta maganda sya at elegante.

"Wag mong ibaba." Sabi ni Ashley at pinalo pa ang kamay ko.

"Amazona ka talaga. Ang ikli kaya." Sabi ko kaya napa-irap sya.

"Ang ganda ko." Masungit na sabi nya. Bipolar. Anong connect?? Hindi nalang ako umimik totoo naman eh.

"Oy. Bakit iba uniform natin sa kanila?" Tanong ko habang naglalakad papuntang VIP elevator na nasa second floor pa.

"Ang mga nasa section natin ang pinaka-maimpluwensya at sikat dito. Bukod don dahil din samin ni Kuya Light. Lolo namin ang may-ari ng school na to." paliwanag nya. Wow. Ang haba nun ah.

"Ahh. Kaya pala nagtitinginan din sila satin." Sabi ko. Hindi naman sya sumagot. Bipolar talaga.


Pagkapasok namin sa room napayuko ako dahil nakatingin sila sakin. Tae nakakailang.

"Jai! Here." Sigaw ni Troy at kumaway sakin. Andon na din si Kent at Light. Ang aga naman nila. Pagkalapag ko ng bag sa upuan ay naglakad na ko papuntang table namin. Nakatingin silang tatlo sakin kaya na-conscious naman ako.

"Bakit?" Tanong ko sa kanila.

"Ang ganda mo. Bagay sayo yang uniform." Sagot ni Troy. Kumindat naman sakin si Kent. Si Ash naman sitting pretty habang si Light pokerface. -_-

Nasa dulo si Light, malapit naman sa kanya si Ash na katabi si Kent, sa kabilang dulo naman si Troy na malapit sa may Ref. Pa-curve kasi tong table namin na nakaharap sa makapal na Glass wall at kita ang Mapunong environment ng school. Napaka-refreshing lalo na't nasa 7th floor kami kaya kitang kita ang magagandang tanawin.

"Enebe." sabi ko nalang na ikinatawa ni Kent at Troy. Psh. Mga abnormal. Uupo na sana ako sa tabi ni Troy pero hinawakan ni Light ang pulsuhan ko at hinila paupo sa tabi nya. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya. Ang haba naman ata ng kamay ng lalaking to? O_o

"Problema mo?" Sabi ko. Tinignan nya lang ako at pokerface na sumipsip ng float nya.

"Abnormal talaga." Bulong ko. Natawa naman si Kent at inapiran pa si Troy.

"Hindi ako komportable sa mga tingin nila." Sabi ko dahil ramdam kong nakatingin sakin yung mga kaklase namin simula pa nung pagpasok ko.

"Ano ka ba? Na-aattract lang sila sayo noh. Tignan mo hindi naman masama ang tingin nila." Sabi ni Kent. Tinignan ko sya at lumingon sa likod kung saan andon sila at may kanya kanyang table din. Oo nga naman. Napadako ang tingin ko sa babaeng kasunod na pumasok nila Kent kahapon. Kakaiba ang mga tingin nya. Napa-iling nalang ako. Naaaning lang ako.

"Wait. Model ka ba?" Tanong ni Troy kaya nilingon ko sya.

"Hindi ah. Pano mo nasabi?" Kunot noong tanong ko.

"Hula ko lang. Ang ganda ganda mo kasi. Yung tipong nakaka-attract at hindi nakakasawang tignan." Sagot nya na nakangiti. Naramdaman kong gumalaw ng konti si Light sa tabi ko at tumikhim. Nagtinginan naman sila Kent, Troy at Ash sa kinilos ni Light. May powers ba tong mga to at parang nag-uusap sila sa tinginan lang?

"Ah.. H-hahaha. Malabo na ata talaga yang mata mo." sagot ko. Natawa naman si Kent at nagpipigil tumawa si Ash.

"Hindi. Props lang tong salamin ko para Hot." Dipensa nya.

Nagsimula na silang mag-asaran sa pangunguna ni Kent. Napatingin ako kay Light. Nakapikit sya habang naka-rest ang ulo nya sa sandalan ng sofa. Ang haba pala talaga ng pilik mata nya. Pati ilong nya ang tangos, ang hot pa ng lips nya at nakaka-attact ang makapal nyang kilay. Napa-blink ako nang magmulat sya ng mata.

"Ang tagal mo namang tumitig." Walang expression nyang sabi. Agad akong pinamulaan ng mukha. Tumitig ba ako? Tumingin sya sakin at nag-smirk. Nakakainsulto yun ah! Akala ko ba galit/NAGTATAMPO sya?

"Ang kapal mo. Mukha ka ngang pwet eh." Sagot ko. Naglaho ang smirk sa mukha nya nang humalakhak si Kent at Troy. Nilingon namin sila at narealize na kanina pa nila kami pinapanood. Feeling ko nga pinicturan kami ni Ash eh. Nagsitahimik sila nang padabog na tumayo si Light at mabilis na nag-walk out.

"Lagot.kayo." pananakot ni Ash.

The Heir's Chosen QueenWhere stories live. Discover now