Chapter 5: Be my Girl

3 0 0
                                    

CHAPTER 5✔
Be my Girl.

Jailey Montez

Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng gutom. Nakatulog pala ako pagkarating ko kanina. Tumayo na ko para mag-tanghalian. Mag-aala-una na nga eh, hindi tuloy ako nakapasok. Hays.

Nag-noodles lang ako, day-off kasi ng mga maids dito every friday to Sunday kaya no choice ako. Habang kumakain, naalala ko ulit yung mukha ni Light at ng huli nya sinabi.

"Makatakas ka man ngayon, mahuhuli at mahuhuli parin kita. No one can escape from me Jai. Remember that."

Hindi maalis sa isip ko ang mukha nya. No one can escape from him? Bakit? Tagapagmana lang sya ng trono nila hindi sya ang boss. Baliw talaga sya. Napailing nalang ako.

Napagpasyahan kong pumunta ng Mall after kong kumain, makalimot manlang sa mga nangyari kanina na muntik ko ng ikamatay. Nag-ikot ikot lang ako, sinadya kong libangin ang sarili ko, pero hindi parin maalis sa utak ko ang mukhang iyon. Light Grey. Ano ba kasing meron sayo?

*BLAG!*

Napaupo ako nang may mabangga ako. Tinignan kong mabuti kung sino sya, para kasing pamilyar sya sakin. Tinulungan nya kong makatayo at doon ko lang nakita ng maayos ang mukha nya, napatitig ako sa kanya.

"Miss okay ka lang? Sorry hindi kasi kita napansin." Paumanhin nya. Mukha naman syang mabait at harmless pero familiar talaga ang mukha nya.

"Ahm. Oo okay lang. Sorry din." Sabi ko. Ngumiti naman sya. Myghaad! Hampogi nyaah. Hihi. Sinampal ko ang sarili ko sa isip ko. Heto nanaman ako eh. Tangna Jailey tumigil ka na utang na loob.

"Hehe. I'm Calvin nga pala, Calvin Alvares." Inabot na ang kamay nya at tinanggap ko naman.

"Jailey Montez." Nginitian ko sya pabalik.

"Alam mo you looked familiar. Parang nakita na kita somewhere?" Sambit nya.

"Ay baka hindi ako yun. Ngayon lang kasi kita nakita." Sagot ko. Natawa naman sya. Pasimple kong binuksan yung Gallery ko sa phone at hindi nga ako nagkakamali. Familiar sya sakin kasi siya ang Heir ng Rank 4 sa dark org.

"Yeah right. Hahaha. You wanna eat?" Yaya nya sakin. Syempre um-OO ako. Hahaha! Minsan lang to noh. Saka okay lang na Mafia sya Gwapo naman eh. Hahaha!

After ilang minutong paglalakad namin, sa Ice Cream Parlor ang bagsak namin. Masasabi kong Close na agad kami. Friendly kasi sya at marunong makisama. Like Carl, hindi halata sa kanya ang pagiging miyembro ng Mafia. Hindi sya nakakailang kasama.

After namin kumain, nag-offer sya na ihatid ako pero tumanggi ako. Hindi naman na sya umangal. Nagpasalamat nalang ako at nagpaalam na kami sa isa't isa.



Kasalukuyan akong nagmamaneho pauwi. Madilim na din kasi, 7pm na. Nang nasa parte na ko kung saan wala ng kabahay bahay, may mga taong naka-itim ang humarang sa minamaneho ko. Binalot agad ako ng takot. Kaya ko namang lumaban kasi tini-train ako pero hindi ngayon, wala akong armas at madami sila. Wala akong balak huminto. Masagasaan na ang masagasaan. Nakahinga ako ng maluwag nalagpasan ko sila.

Akala ko makakatakas na ako pero hindi, pinaputukan nila ang gulong ng kotse ko kaya wala akong nagawa kundi ihinto ito.

"Bumaba ka dyan kung ayaw mong masaktan!" Dinig kong sigaw sa labas.

Hindi ako mapakali dito dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Pinalibutan nila ang kotse at sa tansya ko ay mahigit sampu sila. Ilang sandali pa ay may bumasag na sa salamin sa may passenger seat at tinutukan ako ng baril.

"Bumaba ka na Miss kung ayaw mong sumabog yang ulo mo." Sambit ng nasa may bintana. Nanginginig na binuksan ko ang pinto ng kotse at tumambad sakin ang mukha ng dalawang kasama ni Light nung nasa treehouse kami nila Lira.

The Heir's Chosen QueenNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ