Chapter 2: Confirm

3 1 0
                                    

CHAPTER 2✔
Confirm

Jailey Montez

Kinaumagahan.

Habang nagda-drive papuntang School, diko maiwasang isipin yung kagabi. Kelangan kong ma-confirm kung si Carl nga ba yung nasa website. Pero papano at saan ko makikita ang tattoo nya? Kung meron man?

Napailing ako sa frustration. Pagkarating kong school ay mabilis kong tinakbo ang room namin. Late na kasi ako masyado. Ilang hakbang nalang papuntang room ay natigilan ako nang biglang tumunog ang speaker na nasa lahat ng sulok sa school na to. Inanounce na wala na daw klase ngayon at pwede ng umuwi.

Agad akong nanlumo sa narinig ko. Pagkatapos ng pagtakbo ko ganito nalang?!

"Hey. Jailey, sakto dating natin ah??" Natauhan ako sa boses ni Carl na kakalabas lang ng room. Nasimulang umingay ang paligid dahil sa mga nagkalat na students.

"Grabe ka talaga sakin Carl!" Inis na hinampas ko sya sa braso na ikinatawa nya.

"Joke lang bestfriend ito naman. Tara! Sa treehouse daw tayo sabi ni Lira." Hindi na nya ko hinintay na sumagot at hinatak na nya ko papuntang likod ng school. Bastusing Carl.

"Ang tagal nyo namang dalawa!" Reklamo ni Lira pagkarating namin. Isa pa tong adik na to.

"Si Jailey kasi napakabagal maglakad." Paninisi ni Carl. Inirapan ko lang sya.

"Baka HINATAK mo ko Carl?" Sarcastic kong sabi.

"Aba ewan. Lira may pagkain ba dyan?" Sagot ni Carl sabay baling sa nagcecellphone na si Lira. Hindi naman sumagot ang babaita.

"Lira may pagkain ba sa loob??" Ulit kong tanong dahil di ata nya narinig si Carl. Pero di parin sumasagot ang babaita. Nilapitan ko sya para sana sigawan pero na realize kong nakaheadset pala ang loka.

Binalingan ko si Carl na mukhang lantang petchay. Gutumin kasi sya. Hahaha!

"Tara tignan nalang natin." Sabi ko. Sabay kaming pumasok sa loob at sa kabutihang palad ay marami namang pagkain. Agad na pumwesto si Carl at ready to eat na. Ganyan yan eh.

"Swerte ko naman." Masayang bulong nya. Pinagmasdan ko sya. Wala sa itsura nya kung mafia man sya. Hindi masamang tao si Carl, pero kelangan ko talagang umisip ng paraan para makita kung may tattoo sya dahil hindi matatahimik ang isip ko.

"Jailey matunaw ako ah." sabi nya sabay ngisi. Wow.

"Yung pagkain ang tinitignan ko. Na-murder nanaman." Sagot ko. Hindi naman na sya sumagot. Biglang may pumasok sa isip ko para malaman ko kung meron nga syang logo/tattoo.

"LIRA! HALIKA DITO SA LOOB. MAGLARO ULIT TAYO." Sigaw ko. Ilang saglit pa ay Pumasok naman na siya at bagsak ang balikat nang makita nya si Carl at sa mga kawawang pagkain.

"Carl?!" Inis nyang sigaw.

"What?" Painosenteng sagot ni Carl habang ngumunguya. Nagsukatan sila ng tingin kaya napailing nalang ako.

"Laro tayo. Truth or Dare." Sabi ko. Tumingin naman sila sakin with a bored look.

"Boring nyan Jailey." Sabi ni Lira.

"May twist. DARE GAME lang. Magi-spin tayo ng bottle at kung sino ang matatapatan ng nguso ng bottle ay magtatanggal ng kahit anong nakasuot sa katawan nya." ngumisi ako nang makita ang reaction nila. Hahaha! Im not naughty ok? Sadyang ganito lang talaga kami.

"Ow. I like that!" Pang-aasar ni Carl kay Lira.

"Pwede ba? Yung iba nalang." Reklamo ni Lira sabay padyak pa.

"Bakit Lira? Ayaw mo bang ipakita yung hello kitty na underw-- ARAY!!!" di na natapos ni Carl ang sinasabi nya dahil lumipad sa noo nya yung tsinelas na kanina ay nasa sulok lang.

"Hindi ah. Tara game na ako." Hamon ni Lira. Lihim naman akong napangisi. This is it.

Sana hindi si Carl yun. Hay. Kinakabahan ako. Teka. Ano ba sakin kung sya nga yon? Argh! shitness. Whatever! anggulo ko!

Kumuha ako ng empty bottle at nagform kami ng circle. Ako na ang unang nagpaikot ng bottle. Tumapat yun kay Lira.

"Ang daya naman nyan!" Nakabusangot na sabi nya. Tinanggal nya yung singsing nya at pinaikot na ang bote. Tumapat iyon kay Carl.

"Aww." Sambit nya. Tinanggal niya yung suot nyang relo.

"Walang dayaan ha!" sigaw ni Lira.

"What? Porket ako ang magi-spin dayaan agad?" Sabi ni Carl. Natawa naman ako kaya sinamaan nya ko ng tingin. Pagka-spin ng bottle ay sa kanya ulit tumapat iyon.

"Hahahahah!!" tawa namin. Lumukot naman ang mukha nya habang nakatingin sa bintana. Baliw.

"Parang nadadaya ako ah." Sabi nya. Pfft!

"Dali spin mo na ulit." Masayang sabi ni Lira. Pansin ko naman ang pasimpleng pagtingin ni Carl sa bintana. Diko nalang pinansin. Pinaikot nya ulit ang bote at sa kasamaang palad ay sakanya ulit tumapat.

"ANOO?! Nananadya na tong bote ah! Isa pa talaga di na ko sasali." Sabi nya. Hahaha! Ang kulit lang. Naghanap sya ng pwedeng tanggalin sa suot nya pero napanguso sya, inis na tinanggal nya ang Tshirt nya habang nakatingin sa bintana.

Tawa ng tawa si Lira at tila hindi napapansin ang ikinikilos ni Carl. Parang may mali eh. Pagkatanggal nya ng Tshirt ay agad tumambad sakin ang tattoo na nasa kaliwang braso nya. Lumakas ang tibok ng puso ko. Sh*t! Parehong pareho nung logo ng mga Rank 3. At nasa kaliwang braso din katulad nung kay tito. WTH?! Pasimple kong pinicturan sya habang kunyare tumatawa.

"Dali spin na ulit!" Excited na sabi ni Lira. Tinignan ko si Carl at nasa bintana ulit ang tingin nya. Siguro normal lang yan kay Lira kasi parang naiinis lang si Carl pero ako hindi. May iba talaga. Palihim akong tumingin sa bintana. To my surprise, may Dalawang lalaki at isang babae ang nakatayo sa may puno at nakatingin kay Carl.

Hindi studyante dito ang mga yun. Ngayon ko lang sila nakita. Pinaikot ulit ni Carl yung bottle at this time nilakasan na nya. Natatawa parin si Lira dahil napipikon na daw si Carl pero hindi talaga. Tinignan ko ulit yung mga nasa labas ng bintana at nagsitaasan ang balahibo ko nang sakin na nakatingin yung nasa gitna.

Ang lakas ng appeal at fierce ang mukha nya kumpara sa dalawang kasamahan nya. Pero bakit sya sakin nakatingin?

"WHAHAHAHA! Sayo ulit Carl!" Tawa ni Lira na nakapagpabalik sa katinuan ko. Inis na tumayo si Carl at pasimpleng isinara ang bintana.

"Wala na. Ayoko na. May daya yang bote na yan!" Maktol nya. Dali dali nyang isinuot ang Tshirt nya at lumabas ng tree house na kunyari nainis. Si Lira naman tawa parin ng tawa habang ako, paulit ulit lang sa isip ko yung logo at yung mga tao sa labas ng treehouse.

CONFIRM. Totoo ang nasa private website at si Carl nga yung heir ng Rank 3. Napailing ako ang ulo.

"Jai ayos lang yan nainis lang si Carl." Natatawang sambit ni Lira. Nginitian ko lang sya. Wala talaga syang nahahalata.

The Heir's Chosen QueenWhere stories live. Discover now