Chapter 10: First Day

0 0 0
                                    

CHAPTER 10✔
1st Day

Jailey Montez

Maaga akong gumising ngayon. Monday na at ngayon ang unang araw ko sa school nila Light. Inaantok pa nga ako eh. Hindi ako pinatulog ng abnormal na liwanag na yun dahil sa nangyari kagabi. Tae talaga.

"Young Lady may naghahanap po sainyo sa labas." Sabi ng isa sa mga maids dito. Agad naman akong tumayo at kinuha ang bag ko. Baka yun na yung maghahatid sakin sa school.

Pagkalabas ko tama nga ang hinala ko. Nadatnan ko Si Ashley na nakasandal sa Kotse nya.

"Ang tagal." Reklamo nya at tinignan ako ng masama. Pumasok na sya sa sasakyan at ibinaba ang windshiled ng driverseat.

"Sasakay ka ba o hindi?" Naiinip na tanong nya. Psh. Bipolar din tong babaeng to ah parang si Light lang. Umikot ako at sumakay na din.

Wala ng nagsalita samin habang nasa biyahe kaya naisipan kong magtanong.

"Bakit ikaw ang sumundo sakin?" Tanong ko.

"Nagtanong ka pa eh nakasakay ka na." Sagot nya. Nilingon ko naman sya. Abat sumosobra na sya ah wala naman akong ginagawang masama. On the other side comfortable naman ako sa kanya at sa pagiging masungit nya.

"Alam mo parehas kayo ng abnormal na liwanag na yun. BIPOLAR." Sabi ko sa kanya. Saglit na napalingon sya sakin at natawa. Oh kita nyo? Kita nyo??? Pigilan nyo ko.

"Malamang. Pinsan ko sya." Sabi nya sabay irap. Yung totoo? May problema ba silang dalawa sa facial expression?? Kaya pala parehas sila magpinsan naman pala.



Huminto sya sa tapat ng isang napakalaki at mamahaling gate. Srsly? Ito yung school nila? Parang Harvard University lang ang peg ah. Kusang bumukas ang gate at pinasok nya ang kotse. Nakita kong sa may VIP parking lot kami dumiretsyo at hininto sa number 2 ang kotse. Bumababa sya kaya bumaba na rin ako.

"Bakit nasa VIP ka nag-park? Ano ka ba dito?" Tanong ko dahil kating kati na ang dila ko.

"Lolo namin ang owner at Rank 4 ako dito." Walang ganang sagot nya. Weh?? Yang mukhang yan matalino?? Nagsimula na syang maglakad kaya sinundan ko sya. Maraming students ang nagkalat sa maluwang na campus nila. Yung mga iba nagtitinginan pa samin.

"Bakit tinitignan tayo?" Tanong ko ulit.

"Kasi maganda ako." Sagot nya. Tae magkakasundo kami nito ah.

Sumakay kami sa elevator at pinindot nya ang number 7. Lah. Sosyal talaga. Pati elevator na sinakyan namin may VIP pang naka-label sa pinto. Bigtime! Kakami nga lang dalawa ang andito eh.

"Ilan kayong VIP dito?" Tanong ko ulit. Tinignan naman nya ko na parang naiirita.

"44. Wag mo nga akong kulitin!" Sita nya. Hahaha!

"Easy. Mukha kang witch." asar ko. Pfft!

"Wahaaat??" Di makapaniwalang sabi nya with matching laki mata and butas ng ilong effect.

Hindi ko na sya sinagot nang bumukas ang elevator. Pagkalabas namin Bumungad sakin ang mala-dyosa at dyosong ganda ng mga studyante sa floor nato pero kakaunti sila kumpara sa baba. Nagsimula na syang maglakad kaya sumunod ako.

Medyo dumikit ako sa kanya dahil tinitignan nila ako. Ano ba nakakailang ah?

"Oy ba---" sinamaan nya ko ng tingin kaya iniba ko ang sinasabi ko.

"Ash bakit ganyan sila makatingin at kakaunti lang sila sa ganto kalawak na hall. Halos solo na ang buong 7th floor ah." Mangha kong sabi. Medyo lumayo naman sya sakin. Arti arti nemen.

"Kasi bago ka. Kasi VIP lang ang mga andito at solo talaga ang buong 7th floor." Masungit nyang sagot. Ewan ko ba kung bakit di ko masapak sapak tong Ashley na to. Kanina pa sya ah.

Huminto kami sa tapat ng isang kulay gintong pinto. Pagkabukas nya ay akala ko napakaayos na classroom ang madadatnan ko pero hindi. Nagkalat ang mga papel at napakagulo ng mga upuan. Yung totoo??

Umupo sya sa bandang harap at ako naman naupo sa tabi nya.

"Ano ba. May nakaupo dyan." Sita nya sakin. Kami palang dalawa ang nandito kaya malay ko ba.

"Sarreh okay? Sungit. Psh. San ako uupo?" Tanong ko. Hindi na sya nakasagot dahil nagring na ang bell kaya nasipasukan na ang mga studyante. At ngayon ko lang napansin na ako lang ang hindi naka-uniform.

Ilang sandali pa ay pumasok na din ang teacher kaya binalot ako ng hiya dahil nakatayo parin ako sa harap. Hindi ko lang pinapahalata kasi kahit papano maldita ako noh.

"I guess ikaw yung new student. Please introduce yourself." Sabi nung teacher na babae. Pa-humble naman akong pumunta sa harap.

"I'm Jailey Montez. 17." maikling sabi ko. Okay? Sakin lahat ng mata ah. Di naman sila nangangain diba??

"Thank you. You may na take your seat. Sa may bandang dulo nalang...--Ashley lumipat  ka na din doon tutal kaibigan mo naman." Sabi ni Ms.i-dont-know-who.

Tumayo si Ashley at pasimpleng inirapan ako. Tss. Pasalamat sya maldita din ako. -_-

Pangatlong upuan sa dulo sya umupo kaya tumabi ako sa kanya. Anim kasi lahat ng upuan dito  at may apat pang Vacant.

Nag-umpisa ng magdadada si Ms.i-dont-know-who pero hindi ako nakinig. Nangalumbaba lang ako at humarap sa bintana sa gilid ko. Hanep ganda ng view.

Ilang sandali pa ang lumipas ay pabagsak na bumukas ang pinto ng room kaya napalingon ako. Bumungad sakin ang mukha ni Kent kasunod ang isang babaeng mukhang familiar sakin kasunod ang isang lalaking mukhang nerd at ang expressionless na mukha ni Light na nakaheadphone at diretsyo ang tingin.

Bumalik sa isip ko lahat ng nangyari kagabi. Galit sya sakin diba? Bumilis ang tibok ng puso ko nang umupo sya sa tabi ko at hindi manlang ako tinapunan ng tingin. Para namang nadismaya ako sa kinilos nya. Tae feels!!

The Heir's Chosen QueenWhere stories live. Discover now