Chapter 7: Visitor

1 0 0
                                    

CHAPTER 7✔
Visitor

Jailey Montez

"I will protect you." biglang sabi nya sabay paandar at maneho paalis ng kotse.

Hindi maalis sa isip ko yan. Nalilito ako, hindi ko alam kung anong ibig nyang sabihin. Kanina pa ko nasa mansyon at inulan talaga ako ng tanong kay tito kaya sinabi ko nalang na kila Lira ako nag-stay, mabuti naman at naniwala.

Minsan talaga hindi ko maintindihan ang Light na yun. Lagi nya kong tinatakot at tinututukan ng kung ano anong patalim at baril tapos kania poprotektahan nya daw ako? Baliw ang adik na yun.

Katatapos ko lang mag-tanghalian. Nagpasya akong manood ng Camp Rock kaya nag-stay ako dito sa sala. Wala naman kasi akong kasama dito dahil Saturday palang, ayoko ding lumabas baka harangin ulit ako.

Busy akong nanonood nang biglang tumunog yung phone ko.

~I always needed time on my own
I never thought I need you there when I cry~

Agad ko iyong kinuha at tinignan kung sino yung caller, unregistered number. Sino naman kaya to?

~the days feel like years when I'm alone--

Wala na kong nagawa kundi sagutin ito baka kasi importante.

"Hello?" Pagsagot ko sa tawag. Tahimik lang sa kabilang linya at wala atang balak magsalita kung sino man sya.

"Hello? Sino po sila?" Magalang kong tanong kahit sa loob loob ko gusto ko ng magmura. Hindi parin sya sumasagot.

"Hello?. Magsasalita ka o bababaan kita?!" Inis kong sabi.

"Tsss." Sagot nya. Aba matinde! Kayganda gandang sagot ah. Pers taym kong makarinig ng ganto katinong sagot.

"What?! Sino ka nga? Alam mo kung wala kan---"

"Shut the fvck up little brat." Putol nya sa sinasabi ko. Agad namang nagsitaasan ang balahibo ko sa sinabi nya. Isa lang ang tumatawag sakin nyan.

"Anong kelangan mo?!" Sigaw ko. Hanggang dito ba naman hindi nya ko tatantanan?

"Ikaw." Sagot nya. Taeng ikaw yan.

"Ano ba seryoso ako?! Ikawin ko yang mukha mo eh." Inis na sabi ko. Narinig ko pa syang nag-chuckle, ewan kung sya yun or may kantaw lang sa kabilang linya.

"Easy." Sagot nya. Bwiset talaga syang kausap kahit kelan. Alam mo yung imbes na matakot ako eh naiinis nalang talaga ako sa ugali nya. Grrr!

"EWAN KO SAYO!" Sigaw ko at binabaan sya. Nakakahigh blood bwiset. Ang lakas nyang mang-asar!

~I always needed time on my own
I never thought I---

Inis na sinagot ko ulit yung phone at sinigawan sya.

"Isa pa talaga sasapakin na kita from left to right!" Sigaw ko.

"What?" Painosenteng sagot nya. Aargh!

"At back to back! Tae. Wag na wag ka ng tatawag dito kahit k---"

"Subukan mong babaan ako papalibutan ko talaga ng bomba yang mansyon nyo." Sagot nya. Pano nya nalamang bababaan ko sya??

"Mangkukulam ba sya?" di makapaniwalang BULONG ko.

"Psh." rinig ko sa kabilang linya. Teka narinig nya ba ako?

"Sabihin mo na kung ano man yang kelangan mo. BUSY ako! Dalian mo naghihintay ako!!" Talagang nilakasan ko yung word na busy para maintindihan nya.

"Starting from Monday, sa school KO kana papasok. Maliwanag?" Sagot nya.

"ANOOOO??--- "

*TOTOTOOOTT*

Tae. Binabaan nya ba ko?!!! Aaaah! Ano ba nakakababa sya ng pride ha? Lalaki ba talaga yun??

Inis na tinawagan ko sya. Oo ako ang tumatawag. Bwiset na dalaga yun. Nakakailang ring na pero hindi parin na sinasagot. Halos manginig nginig na ang kamay ko sa inis. Tae talaga sya.

*DING DONG*

Napatigil ako, sino nanaman kaya yan??
Inis na naglakad ako papuntang gate habang hinihintay na sagutin ng dalagang si Light ang tawag ko.

*DING DONG*

*DING DONG*

Halos ibato ko na sa gate tong phone ko, hindi makapaghintay? Eto na nga bubuksan na eh.

Pagkabukas ko ng gate kalahating katawan ko lang ang nilabas ko at nakatago yung kalahati sa pinto ng gate. Naka-PJ pa kasi ako.

"Yes? Ano pong ke---" pumikit pikit ako para masigurado kung si Light ba talaga tong nakikita ko. Nanlaki ang mata ko. Si Light???? Nag-smirk sya sakin na ikinainis ko.

Mabilis kong isirana ulit yung pinto ng Gate. Baliw ba sya? Anong ginagawa nya dito?

"Pagbubuksan mo ko o sisirain ko tong gate nyo?" Dahil sa gulat ay nahulog ko yung pinakaiingat-ingatan ko phone nang sagutin nya ang tawag ko na nakalimutan ko na dahil sa doorbell na yan.

Nag-uusok ang ilong at tenga na pinulot ko yung phone at binuksan ulit yung gate sabay labas ng kalahating katawan ko.

"Bakit ka nandito?!" Sigaw ko sa kanya. Inisnob nya naman ako at tinulak ang ulo ko papasok sa gate. Sapilitan naman nyang binukas yung pinto ng gate kaya napaatras ako. Nang magtagumpay syang makapasok ay sya pa mismo ang nag-lock nito at dire-diretsyong pumasok sa mansyon. WTH?! Ano ginagawa nya dito?!

The Heir's Chosen QueenWhere stories live. Discover now