Chapter 3: LIGHT GREY

3 2 0
                                    

CHAPTER 3✔
LIGHT GREY

Jailey Montez

After ng laro umuwi din agad ako. Hindi maalis sa isip ko yung logo at yung mga nakasilip sa bintana kanina. Lalo na yung lalaking tumingin sakin, sa tuwing naalala ko yung mukha nya tumataas balahibo ko. Sino ba sila?

Malalim na ang gabi at malapit ng mag-11:30pm kaya nag ayos na ko ng sarili ko para magtresspass sa kwarto ni Tito. Hindi ako makapaniwalang myembro sya ng mafia. Na-access nya yung website kaya positive ako na miyembro sya nito. Napahilamos ako ng mukha.

Tumayo na ko at naglakad-pusang pumasok sa room ni tito. Pinuslit ko yung laptop na nakabukas ulit. Natulugan nya siguro. Pagkapasok ko sa room ay inilock ko yung pinto. Mabilis kong iniscroll down yung panibagong website na naka-open. Nanginig ang mga kamay ko nang tumambad sakin ang profiles ng mga Heirs ng lahat ng nasa Rank.

"Carl Alexis Hitler. 17 years old. Heir of Hitlers Family." Siya nga. Mukha nya ang nasa profile. Pumasok sa isip ko si Carl. Isa syang mafia. Hindi lang mafia kundi tagapagmana din. WTH?! Hindi ko lubos maisip na isa syang Mafia.

"LIGHT GREY. 17 years old. Heir of Grey Family." bumilis ang tibok ng puso ko. Light Grey. Siya yung nakatingin sakin sa may treehouse kanina. Ang mukhang iyon. Mahirap kalimutan. Nagsisitaasan parin ang balahibo ko pag naaalala ko sya. Kaya pala ganun ang pakiramdam ko sa kanya. Nakakatakot sya, tagapagmana pala sya ng current Rank 1 ng Dark org.

Hinilot ko ang sentido ko dahil sa dami ng pumapasok sa isip ko.

May mga iba pang profiles akong nakita pero silang dalawa lang ang natandaan ko. Damn this! Pinicturan ko ulit lahat ng nasa website kahit nanginginig ang kamay ko. Napansin kong may isa pang tab ang naka-open. Binuksan ko iyon, Latest Updates about the Heirs ang nakapaloob.

Lahat daw ng Heirs ay sinisiguradong tiniTRAIN para sa nalalapit na pagpasa ng trono.

Sa mga miyembro naman ng Lakeins mafia, may mga inilabas na pictures ang grupong ito na puro nakatalikod na pictures ng Heiress nila. Kumunot naman ang noo ko, bakit parang damit ko tong mga nasa picture? Pati yung pagsakay ko sa kotse ko at yung outfit ko kanina nandito. Tila kuryenteng bumalot sakin ang kaba. Mali naman sana ang iniisip ko. This can't be me.

Dala ng kaba ay dali dali kong pinicturan lahat ng nandito, mamaya ko na babasahin ang iba. Palihim at tahimik kong ibinalik sa room ni tito ang laptop nya. Inilock ko ang pinto ng room ko pagkapasok ko.

Isa isa ko ulit tinignan ang mga pictures. Tinitigan kong mabuti yung picture kong pumapasok sa kotse. Hindi ako pwedeng magkamali, ako talaga ito. Papanong napunta doon to? Kaya ba tinitignan ako nung Light Grey na yun? Tae naguguluhan ako.

Inilipat ko yung picture..
Teka, may general meeting lahat ng Mafia, at..Bukas ito magaganap, exactly 4am. Tinignan ko yung wall clock ko, 11:50 na. So 4hrs and 10minutes from now. Ibig sabihin kasama si Tito. Napatigil ako sandali at napaisip.

Isa lang ang gusto kong mangyari. Kelangan kong malaman ang totoo.


FASTFORWARD

Kasalukuyan kong sinusundan si tito na papasok sa underground chuchu sa liblib na lugar na 'to. Nagsuot ako ng black high waisted short at white fitted shirt na pinatungan ko ng black jacket. Nagrubber shoes din ako na black dahil komportable ako dito. Sinuot ko ang hood ng jacket baka kasi malaman nilang hindi ako kabilang dito.

Taena kinakabahan ako sa ginagawa ko. Pagkarating ko sa main entrance ng hall na pinasukan ni tito napakarami na nila. Nagtago lang muna ako sa leftside ng double door at sinilip sila.

Nakita kong nasa harap ng stage nakaupo si Tito, maging sila Carl nandito, pati si Light Grey. Maraming mga bata pa sa lugar na to. May mangilan ngilan din akong namumukhaan. Naramdaman kong may parating kaya nagtago ako sa kumpulang mga basurahan malapit sa main door. Nakita kong pumasok yung dalawang kasama ni Light kahapon at isinara ang pinto. Mukhang mag-uumpisa na ang meeting.

Tumingin ako sa paligid, mabuti naman at walang tao. Dahan dahan ulit akong sumilip sa main door. Pagtingin ko sa stage may nagsasalita na.

Mas lumapit pa ako para marinig ko, nang ihahakbang ko na sana palapit ang paa ko ay biglang may humatak sa braso ko at kinaladkad ako sa gilid. Grabe ang kabang nararamdaman ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Feeling ko anytime mamamatay ako dito.

Kinorner nya ko sa may pader at mahigpit na hinawakan ang mga braso ko. Nakayuko lang ako dahil ayokong makita nya ang mukha ko kung sino man sya.

"Who.are.you?." Malamig nyang tanong. Dumaloy ang kaba sa buong katawan ko dahil sa boses nya. Damn this feeling. Magtatangka sana akong atakihin sya pero mabilis pa sa kidlat na naitutok nya sa leeg ko ang isang kutsilyo.

"Answer me." Sambit nya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Napakalapit nya sakin at hindi ako makagalaw ng maayos.

"Bitiwan mo ko!" Matapang kong sabi. Medyo gumalaw sya ng marinig ang boses ko pero hinayaan ko lang. Nakayuko lang ako at pinipilit na kumawala sa kanya.

"Dont move. Or else gigilitan talaga kita." Hindi ako nakagalaw sa sinabi nya. Hindi imposible sa isang mafia na gawin iyon.

Ramdam na ramdam ko ang titig nya sakin at hindi ako komportable doon. Mas lalo lang bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Look at me." Utos nya. Hindi ko sya sinunod kaya mas lalo nyang idinikit sa leeg ko ang kutsilyo.

"I said, look.at.me." ulit nya. Dahil sa takot na baka gilitan nya ko ay inangat ko ang tingin ko sa mukha nya. Salamat sa hood ko at natakpan parin ang mukha ko. T-teka. Parang familiar ang ilong at lips nya. Tinitigan ko iyong mabuti. Saan ko nga ba nakita ito?

Ilang sandali pa ay dahan dahan nyang inalis ang nakatutok na kutsilyo sakin at tinanggal ang hood ko. Halos lumabas na ang puso ko dahil sa lakas ng tibok nito nang makita kung sino ang kaharap ko ngayon. Light Grey. Sambit ko sa isip ko.




Author's Note: Hehez. Thanks for reading! :)

The Heir's Chosen QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon