Chapter 6: Protect

1 0 0
                                    

CHAPTER 6✔
Protect

Jailey Montez

"Be my Girl Jailey Montez." Sambit nya na ikinagulat ko.

"A-ano?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Sh*t tumaas balahibo ko dun ah.

"You heard me." Sagot nya at humarap sakin. Wala akong mabasang kahit anong expression sa mukha nya.

"Anong ibig mong sabihin? Maglolokohan tayo?" Naiinis na sambit ko. I heard him chuckle dahil sa sinabi ko. Anong nakakatawa dun?! Ang bipolar nya. Kanina lang sinasaktan ako ngayon naman paganyan ganyan na.

"Silly. Be my girlfriend at makakaalis ka na dito. Walang mangyayaring masama, tapos." Sagot nya habang nakatitig sa mga mata ko.

"Ayoko!" Matigas na sagot ko. Tila ba nawala lahat ng takot ko at napalitan ng pagkainis sa sinabi nya. Babae din ako na nangangarap na magkaroon ng isang perfect prince at hindi sa katulad nya lang.

"Then you cant leave here." Naka-smirk nyang sabi. Mas lalo akong nainis sa mga pinagsasabi nya.

"Alam mo, kung magkakaroon man ako ng boyfriend hindi yung kagaya mong masama, walang awa, at...mamamatay tao." Walang nagbago sa expression nya pagkasabi ko nyan pero sumama ang tingin nya sakin.

"Alam ko na lahat yan." Cold nyang Sabi.

"Yun pala eh! Paalisin mo na ko dito." Sigaw ko sa kanya sabay tayo. Tumakbo ako sa may pinto para lumabas pero sa kasamaang palad ay naka-lock iyon.

"Arrggh!! Ano ba palabasin nyo ko dito!!" kinalampag ko ang pinto ng napakalakas, wala akong pakialam kung mabalian man ako ng buto. Shit! Ayokong maging boyfriend yang Mafia Heir na yan.

"Kahit anong gawin mo walang tutulong sayo. Nasa lungga kita baka nakakalimutan mo." Sabi nya. Hinarap ko sya at nadatnan kong naka cross arms pa ang gago.

"Pwede ba?! Marami namang ibang babae dyan bakit ako pa ang bina-blackmail mo?! Maghanap ka nalang ng ibang magiging girlfriend mo!" Sigaw ko.

"Ikaw ang gusto ko." Sagot nya sakin. Taeeee!!! Feeling ko sasabog na ko sa pula ng...kamay ko. Masyado atang napalakas ang pagpalo ko sa pinto.

"Ayoko sabi! A-YO-KO. AYOKO. GETS MO?!!" pinanlakihan ko pa sya ng mata pero wala lang yun sa kanya. Argh! Nakakabwiset na talaga!

"Okay sabi mo eh." Walang gana nyang sabi. Kinuha nya yung phone nya at may tinawagan habang nakatingin lang sakin. Salamat naman at naintindihan nya din ang ayoko!.

"Palibutan nyo ang mansyon ng babaeng to." Sabi nya sa kausap nya sa cellphone habang nakatingin sakin. Kinabahan naman agad ako. Anong binabalak nya sa masyon namin???

"Yes ngayon na. Bring Gas, ibuhos nyo sa bawat sulok ng bahay at sunugin nyo. Siguraduhin nyong mamamatay lahat na nando---"

"Anong binabalak mo?!!! Damn you jerk! Wag mong gagalawin ang bahay namin at ang tito ko!!" Sigaw ko sa kanya. Hindi naman nya ko pinansin, tinalikuran nya ko at pinagpatuloy ang pakikipag usap sa katawagan nya.

"Nothing. Siguraduhin nyong wala kayong ititirang buhay sa mga nandoon." Sabi nya sa kausap nya. Tangina wala talaga syang awa! Sobrang kinakabahan ako sa ginagawa nya. Tao ba talaga to?!

"Ano ba?! Wag kang mandamay ng ibang tao! Tigilan mo na yan! Wag ang tito ko!" Sigaw ko sa kanya. Mukha namang nairita sya kaya hinarap nya ko.

"What? Diba sabi ko sayo be my girl. Kapag pumayag ka, walang masasaktan at walang mawawala." Nakangising sabi nya sakin. Puta talaga. Grabe syang mang-blackmail! Hindi ko sya sinagot kaya binalikan ulit nya yung kausap nya sa phone.

"Ready na?..

Ok Good.

Ngayon, simulan nyo ng ibuhos ang mga gas na dala ny---" hindi ko na sya pinatapos na magsalita. Sa lahat ng ginawa at gagawin nya sakin, ito ang pinaka hindi ko gusto.

"Tama na!! Oo na pumapayag na ko." Galit kong sabi sa kanya. Tumingin sya sakin saglit at binalikan ang kausap nya sa phone.

"Stop it already. Bumalik na kayo wag nyo ng ituloy." Sabi nya sabay patay nito at hinagis sa may kama. Timitig sya sakin at nilapitan ako. Damn. Kung kaya ko lang pumatay kanina ka pa nawalan ng hininga..

"Good girl." Sabi nya.

"Pakawalan mo na ko pumayag na ako!" Sigaw ko.

"Not now girlfriend." Sagot nya.

"What?! Ano pa bang gusto mo?? Pumayag na nga ako diba?!" Inis na binato ko sa kanya yung unan na nasa tabi ko pero sinalo nya lang.

"We have something to discuss about ngayon na pumayag ka na."

Hinawakan nya ko sa kamay at hinila. Gusto kong alisin ang kamay nya pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit. Binuksan nya ang kwarto at dinala nya ko kung saan naroon sina Kent at Ashley.

"Hey. Pumayag na sya." Sabi nya kila Kent.

"Light. Alam mo ang mangyayari dyan sa ginagawa mo." Makahulugang sabi ni Kent.

"Hindi ko makakalimutan yun. Now, palilipatin natin sya ng school at be sure na babantayan nyo sya." Sabi nya.

"Siguraduhin mo lang Kuya L. Okay kami na ang bahala." Sagot ni Ashley. Nagkatinginan silang tatlo. Nagpalipat lipat naman ang tingin ko sa kanila. Tama ba ang pagkakarinig ko?!

"Excuse me. Anong lilipat ako? Wala naman sa usapan yan ah?! Wala kang sinabing ganyan!" inis na sabi ko kay Light at tinusok ang dibdib nya gamit ang hintuturo ko.

"Ngayon alam mo na." Cold na sabi nya sabay alis ng kamay ko sa dibdib nya. Tae, madugas sya. Sasapakin ko na sana sya pero sumama ang kamay nyang nakahawak sa kamay ko kaya nabitin sa ere ang kamay naming dalawa.

"Oh. Ang bilis mo naman ata Light." Sabi ni Kent na nakatingin sa kamay namin, si Ashley naman pasimpleng ngumisi. Feeling ko namumula na ko sa sobrang hiya pero si Light naka-ngisi lang.

Pinilit kong tanggalin ang kamay nya pero ayaw nya kong bitawan. Nakakainis na talaga sumusobra na sya! Inapakan ko ng pagkalakas lakas ang paa nya kaya nabitiwan nya ko. Inirapan ko sya nang tinignan nya ko ng masama at dire-diretsyo akong nagmartsya palayo.

"Aalis na ko!" Sabi ko.

"Alam mo talaga ang daan palabas noh?" Sabi ni Ashley na ikinatigil ko. Nagmartsya ako pabalik sa kanila at tinignan ng masama ang natatawang si Kent.

"Aalis na ko!" Sabi ko ulit sabay tingin kay Light.

Napailing sya at hinawakan ang kamay ko sabay hatak sakin. Rinig ko pa ang pang aasar ni Kent sa amin bago kami tuluyang makalayo.

"Sakay." Utos nya nang huminto kami sa tapat ng isang kotse sabay sakay nya sa driver's seat. Wow! What a Gentleman!

"Ano? Sasakay ka ba o hindi??" Naiinip na sabi nya. Sya pa tong may ganang mainip ah? Inirapan ko nalang sya. Tae parang walang nangyari kanina ah.

Inirapan ko ulit sya at umikot para sumakay sa passenger seat. Padabog na isinara ko yung pinto na ikinalingon nya. Tinignan nya ko ng masama kaya ginaya ko sya, matagal kaming nagtitigan ng masama

"Wag kang magpakakampante Jai. Hindi porket girlfriend na kita hindi kana masasaktan." Seryosong sabi nya. Parang kinabahan naman ako dahil feeling ko may iba pa syang tinutukoy sa sinabi nya.

"Wag kang mag-alala Light, alam ko naman yun. Sa sama mong yan imposibleng hindi ako masaktan." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil ayokong makita ang reaction nya. Rinig ko ang lalim ng paghinga nya pero ayoko syang lingunin.

Ilang minuto na ang nakalipas ay hindi parin kami umalis. Hindi ko na din tinangka pang magsalita dahil baka kung ano pang masabi ko.

"I will protect you." biglang sabi nya sabay paandar at maneho paalis ng kotse.



The Heir's Chosen QueenDonde viven las historias. Descúbrelo ahora