Chapter 9: Mad Light

0 0 0
                                    

CHAPTER 9✔
Mad Light

Jailey Montez

Tanghali na ng magising ako. Boset kasi yung abnormal na liwanag na yun eh. Halos buong gabing sumisingit sa isip ko yung unggoy nyang mukha. Psh.

After ko kumain ng Lunch, naligo na ko. Plano kong pumuntang Mall bibili ako ng pamalit sa basag kong CP.

Medyo haggard ang pagsakay ko nag-commute kasi ako ngayon. Wala para maiba lang. Hehez

Pagkarating ko ng Mall cellphone agad ang hinanap ko. Nang makapili na ko agad kong isinalpak yung sim ko. Baka kasi may importanteng magtext diba? Pero hindi si Light yung tinutukoy ko.

Habang naglalakad, napadaan ako sa Ice Cream house. Tutal maaga pa naman magtatambay nalang muna ako dito. Umorder ako ng isang chocolate at strawberry flavor. Walang arte arteng nilantakan ko iyon.

"Hi Jailey." Sambit ng isang pamilyar na boses sa likod ko. Pagtingin ko si Calvin lang pala. Nagtwinkle twinkle ang mata ko sa itsura nya. My ghaad. Ang pogi nya *_*

"Hello." Pabebe kong sagot. Syempre joke lang. Maria Clara tayo hindi pato.

"Paupo ha? Wala na kasing vacant chair." Sabi nya. Syempre tumango ako, hirap nyang tanggihan noh. Hahaha.

"Favorite mo yan?" Tanong nya sakin sabay turo sa ice cream ko.

"Uhm. Yeah. Choco and strawberry." nakangiti kong sabi. Napangiti naman sya.

"Parehas kayo ng kapatid ko." sabi nya.

"Ganun ba? Babae o lalaki sya?" Tanong ko.

"Babae sya. Teka, san ka nga pala nag-aaral?" Tanong nya. Nangangapa naman ako ng isasagot ko dahil hindi ko naman alam kung saan yung tinutukoy ni Light na  papasukan ko.

"Hehe. Di ko alam?" Patanong kong sagot.

"Pfft. Seriously Jailey??" Pigil tawa nyang sabi.

"Kasi itatransfer ako ng school, hindi ko lang alam kung saan." Sagot ko.

"Weh? Second quarter na ah? Late ka na nyan." Sabi nya.

"Kaya nga eh. Bahala na." Sagot ko at nangalumbaba. Nakatingin sya sakin habang sumusubo.

"Hahaha. Alam mo ang cute mo." Bigla nyang sabi. Bigla naman akong napasubo ng ice cream sa sinabi nya. Cute ako?

"Kaya nga eh." Wala sa sariling sabi ko na ikinatawa nya. Bigla naman akong naubo sa sinabi ko. Nakakahiya to.

Lumapit sya sakin at binigyan ako ng bottled water habang natatawa.

"Easy lang Jailey." Sita nya pero halatang nag-eenjoy naman sa nakikita nya. Trip nya ko ah. >_< Nang makarecover ako ay tumahimik na ko. Baka kung ano pang masabi ko eh.

"Salamat." Tanging sabi ko. Nginitian naman nya ko at sumubo ulit sya ng Ice Cream.

"May kapatid ka ba?" Tanong nya.

"Oo, kuya. Nasa New York sya ngayon." Sagot ko.

"Talaga? Bakit andito ka? Ayaw mo ba dun?" Tanong nya na tila na ba interesado sya sa buhay ko.

"Hindi naman. Sabi kasi ni Kuya dito nalang daw ako mag-stay para may kasama si Tito Pau. Umuuwi naman sya dito tuwing summer eh." Sagot ko. Tumango tango naman sya. "Ikaw. Anong pangalan ng kapatid mo?" Tanong ko.

"Ah.. She's Gabriella. Siguro kaedad mo na din sya." sagot nya.

"Nice name. Bakit ilang taon na ba nya? Kung magsalita naman to parang hindi tayo magkaedad ah. Hahaha"

"Pfft. Hindi naman talaga. Diba 17 ka lang? 18 na ko at yung kapatid ko naman 17 din." Sabi nya.

"Wait. Pano mo nalaman na 17 lang ako?" Tanong ko.

"Sa facebook. Inistalk kasi kita." Natatawa nyang sagot. Ako naman parang kinikiti sa narinig ko. Inistalk nya ko? Ang ganda ko naman hahahaha.

"Hahaha. Stalker ka pala ha." Asar ko sa kanya. Medyo namula naman yung tenga nya. Hihi. Ang kyut. ^_^

"Hindi naman. Minsan lang." sagot nya.

Ilang minuto pa kaming nagtagal doon. Nalibang din ako dahil sa kakatanong nya. Hindi sya boring kasama.

"Tara Jailey. Hatid na kita." Sabi nya nang makalabas kami sa Ice Cream Parlor. Tumingin ako sa relo ko 7pm na din pala. Ganun ba sya kagandang kasama at pati oras hindi ko na napansin?? :D

"Hmm. Sige." Sagot ko. Naglakad kaming dalawa hanggang sa kotse nya at pinagbuksan nya ko ng pinto. Hayy! Ang bait talaga nya. Di tulad ng Light na yun, mukha syang paa! Psh. -_-

Marami pang naikwento sakin si Calvin habang nasa biyahe kami, hanggang sa pinahinto ko sya sa tapat ng mansyon namin. Bumaba ako ng sasakyan at bumaba din sya.

"Dito na ko Calvin. Salamat.." Sabi ko at kiniss sya sa cheeks. Natigilan sya sa ginawa ko pero kalaunan ay ngumiti din sya.

"Uhm. Sorry? Ganito kasi talaga ako.." Paumanhin ko sa kanya. Umiling iling naman sya.

"Hahaha. Ano ka ba okay lang. Medyo di ko lang inaasahan yun hahah." Sabi nya sabay kamot ng ulo. Nginitian ko naman sya.

"Sige.. Salamat ha? Mag-iingat ka." Sabi ko nang papasok na sya sa kotse. Nginitian naman nya ko at kumaway tapos nagpalaam ulit kami sa isat isa.

Nung nakaalis na ang sinasakyan nya, doon ko lang napansin na may isa pang kotse sa tapat ng mansyon. Tinitigan ko kung kanino ito at lumabas doon si Light na madilim ang mukha. Kinabahan ako nang naglakad sya palapit sakin. Buti naman at walang katao tao ngayon dito kundi mapagkakamalan syang masamang tao sa itsura nya. Although masama naman talaga sya.

"Bakit kasama mo sya?" Seryoso nyang tanong at madilim talaga ang mukha nya.

"Sya? Sinong sya?" Tanong ko.

"Si Calvin! Bakit kasama mo sya?!" sigaw nya. Nagulat naman ako. Bakit ba sya sumisigaw?

"Bakit mo kilala si Calvin?" Gulat na tanong ko.

"Wag mo kong sagutin ng tanong Jailey Montez." Sagot nya. Bakit ba ganito to? Binalot ako ng kaba nang banggitin nya ng buo ang pangalan ko hindi ko lang pinahalata.

"Kaibigan ko sya Light. Anong masama doon?" Tanong ko.

"Wag ka ng lalapit sa kanya. Masama syang tao." Sabi nya. Nainis naman ako sa sinabi nya.

"Si Calvin masama? Eh mas mabait pa nga sya sayo eh!" Sigaw ko. Bakit ba bigla bigla nalang syang nagagalit? Para namang natigilan sya sa sinabi ko. Tumitig sya sakin at hindi ko alam kung bakit parang may nakita akong kirot sa mga mata nya.

"Girlfriend kit---"

"Napilitan lang ako Light! Binlackmail mo ko." putol ko sa sinasabi nya. Hanggang ngayon naiinis parin ako sa tuwing naaalala ko kung paano nya ko takutin para lang pumayag akong maging girlfriend nya.

Ilang minutong hindi sya nagsalita. Tinignan nya lang ako at ayoko ng feeling na ganito kasi parang nagsisisi ako sa mga sinabi ko sa kanya sa tuwing tinitignan ko sya sa mata.

"Ayoko sa lahat yung kinukompara ako Jailey. Alam kong masama ako pero parang hindi mo pa ata sya kilala." sagot nya sakin at Tinalikuran na ako. Parang may pumitik sa puso ko sa nakita ko sa kanya. Masyado bang harsh yung sinabi ko?

Pinanood ko syang maglakad at pabagsak nyang isinara ang pinto ng kotse nya. Pagkasarang pagkasara nya ay pinaharurot nya ito hanggang sa tuluyan ng mawala sa paningin ko .

Napahawak ako sa puso ko. Bakit ganito ang tibok nito? Nahawa na din ba ng kaabnormalan ni Light?

The Heir's Chosen QueenWhere stories live. Discover now