Chapter 5: Be my Girl

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sumama ka nalang samin kung ayaw mong masaktan." Sabi nung babae.

"Ano bang kelangan nyo?!" Buong tapang kong sabi na ikinatawa nung lalaki.

"Ikaw." Sagot ng babae sabay sabunot sakin. Napa-aray ako kaya inawat na sya ng lalaking kasama nya.

"Ashly! Malalagot ka sa pinsan mo dyan sa ginagawa mo." Sabi nung lalaki.

"Manahimik ka Kent." inis na sabi ni Ashly. Kinaladkad ako nung Ashley papasok sa Van na ngayon ko lang napansin. Tinulak nya ko papasok sabay sara ng pinto. Nagsipasukan na din ang mga kasamahan nila sa iba pang Van. Sa tabi ko naupo si Ashley habang si Kent naman ang nagmaneho.

"San nyo ba ko dadal---" humarap sakin si Ashley at itinapal sa ilong ko ang isang panyo. Agad nanlabo ang paningin ko dahil sa amoy.

"Kay Boss." Huli kong narinig bago ako nawalan ng malay.


Fast forward

"Dont let him escape." Naalimpungatan ako dahil sa isang boses.

"Kill him now." Pagbukas ko ng mata ko ay mukha agad ni Light ang nakita ko. Boses nya yung narinig ko at may kausap sya sa phone.

"Yes. Wala kayong ititirang buhay." Sabi nya bago patayin ang tawag. Napaharap sya sakin kaya agad nabuo ang kaba sa dibdib ko.

"We meet again little brat." Cold nyang sabi habang palapit sakin. Napaupo naman ako ng wala sa oras mula sa pagkakahiga sa isang maliit na kama. Madilim dito sa loob at iisa lang ang bintana na syang pinagmumulan ng liwanag mula sa buwan.

Kahit madilim ay kitang kita ko parin ang mukha nya. No signs of expression. Just a fierce face. Lumakas ang tibok ng puso ko nang lumuhod sya para magkatapat kami.

"Napaaga nga lang." Dagdag nya sabay smirk. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Damn you." Sambit ko.

"I miss you too." Sagot nya. Nang init ang ulo ko sa sinabi nya kaya itinulak ko sya.

"Ano bang kelangan mo sakin?!" sigaw ko. Tinitigan nya lang ako habang pinaglalaruan ang baril sa kanang kamay nya.

"Ikaw." Sagot nya. Taena. Lalapitan ko sana sya para sugurin pero mabilis nyang itinutok sakin ang hawak nyang baril kaya natigilan ako. Nanginig ako sa ginawa nya. Ngayon, mas feel ko ng mamamatay ako sa isang maling galaw lang. Ramdam ko ang panginginig ko at anytime, pwedeng magbrake down ang tuhod ko.

Bigla akong nakaramdam ng awa para sa sarili ko. Wala akong kalaban laban dito.

"Please. Pakawalan mo na ko. Gusto ko ng umuwi." Naiiyak na sabi ko. Medyo napatigil sya nang makita ako pero bumalik din sa dati.

"Not that fast." Sambit nya sabay tapon sa sulok ng hawak ng baril.

"Ano ba kasing kelangan mo sakin?!" Sigaw ko pero wala lang sa kanya. Lalapitan nya sana ako pero dala ng takot ko ay nasipa ko sya sa alam-nyo-na.

"AARRGHH!" Napasigaw sya dahil doon. Napaatras ako nang biglang may pumasok na mga armadong lalaki sa silid na kinalalagyan namin.

"Anong nangyari Master?" Tanong ng isa sa kanila.

"DAMN! Sinong nagsabing pumasok kayo?! LABAS!!" Sigaw ni Light, walang gumalaw sa kanila kaya mas nainis si Light.

"NOW!!!" Dagdag nya.. agad namang nagsilabasan ang lahat at kami nalang ulit ang naiwan. Kitang kita kong nagtitimpi syang saktan ako. Pumikit sya ng mariin at muli akong hinarap.

"Ulitin mo pa yun Jailey Montez, malilintikan ka na talaga sakin." Banta nya. Nagsitaasan lahat ng balahibo ko at tumindi ang kaba ko sa way ng pagsasalita nya. Ginalit ko talaga sya.

Tumayo sya ng maayos at nilapitan ako, hindi ako gumalaw dahil sa takot dahil may hawak ulit syang kutsilyo.

"Hanggang kelan mo ba balak manlaban?" cold na sambit nya. Umikot sya sakin at huminto sa may likod ko.

"Hanggat di ako nakakalabas dito!" Sagot ko. Mabilis pa sa kidlat ay naramdaman ko ang kamay nyang pumaikot sa may bewang ko at ang malamig na bagay na tumutusok sa leeg ko. Gustong gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko lang.

"Makakaalis ka din, hindi nga lang ngayon." Bulong nya sa tenga ko. Ramdam ko ang hininga nya sa may leeg ko at Rinig na rinig ko din ang tibok ng puso ko.

Dahan dahan kong hinawakan ang kamay nyang may hawak na kutsilyo at hindi ko alam kung tama ba yung rinig kong napasinghap sya. Guni guni ko lang siguro, imposible iyon dahil walang pakiramdam ang Light na to.

"Please, Light.. S-Sabihin mo sakin kung anong kelangan mo. Natatakot na ko. Gusto ko ng umuwi." Mahinang bulong ko habang nakahawak sa kamay nya. Ramdam kong lumuwang ang pagkakatutok nya ng kutsilyo sakin hanggang sa tuluyan na nya akong bitawan.

Nanghina ang tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig at nayuko. Pumunta sya sa harap ko at lumuhod hanggang sa maging kapantay ko sya.

"Look at me." Utos nya. Hindi ko sya sinunod kaya hinawakan nya ang baba ko at pinaharap sa kanya. Nakita ko sa mukha nya ang pagkagulat nang makitang lumuluha ako. Ayoko namang isipin na naaawa sya sakin dahil napaka imposible nun.

Tinitigan nya ko, hindi ko alam kung ilang minuto. Basta ang alam ko matagal. Mas lalo akong naiyak dahil sa mga mata nya, nakikita kong tila gusto nya kong yakapin gaya ng mga mata ni Mommy noon bago sya malagutan ng hininga sa harap ko.

Pumikit sya ng mariin at pinunasan ang mga luha ko gamit ang thumb nya. Tinitigan nya akong muli bago sya tumayo at talikuran ako.

"Be my Girl Jailey Montez." Sambit nya na ikinagulat ko.

The Heir's Chosen QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon