CHAPTER 35

13.6K 349 4
                                    


Third Person POV

Lahat ay handa na. Nakabihis na sila ng damit pangdigma. Mga Hari at Reyna na walang bakas ng takot ang mukha. Lahat ng mga may kakayahang lumaban ay nagsama sama at nagtipon tipon sa Disert. Ang lugar kung saan magaganap ang digmaan. Hanggang sa natanaw na ng lahat ang kanilang pinakahihintay. Kung gaano karami ang kabutihan ay ganoon din karami ang mga masasama. Lalo pa at may mga kasama itong mga malalaking halimaw.

Samantalang ang misteryosang babae ay taimtim lang na nakatingin sa mga paparating.

Nangunguna ang mga hari at reyna sa labanan. Pati na rin ang mga prinsipe at prinsesa. Lingid sa kaalaman ng lahat ay nakangisi ang isa sa prinsesa nila na si Princess Nicole"DAW"

Ilang sandali lang ay kaharap na nila ang napakaraming deorc fantasian pati na ang hari nito.

"Kumusta KAPATID" may pang aasar na tanong ni Haring Edward

"Edward, itigil mo ito" nakikiusap na sabi ni Haring Edgar

"Hahahaha. Ano ako hangal" sabi ni haring Edward

"Sumuko ka na para hindi ka mapatay ng anak ko" sabi ng reyna na halatang pinipigilan ang galit

Napangisi nalang ang hari ng kadiliman

"Anak mo? Hmmmm, halika nga PRINCESS" sabi ni Haring Edward na parang nang aasar

"Ano siya hangal? Sasama siya sa katulad mo?" tanong naman ng Reyna

Ngumisi lang ang hari ng kadiliman. Nagulat ang lahat ng magsimulang maglakad ang kanilang PRINSESA patungo sa hari ng kadiliman.
.
"Ano ang ginagawa mo princess ?" takang tanong ng mahal na reyna

Humarap sa kanila si PRINCESS na nakangisi

"Well, dont you get it?" tanong ng princess na ikinagulo ng lahat

"Hahahaha, slow poke. I am not your princess. So now, do you get it?" sabi naman ng prinsesa na ikinagalit ng lahat

"Ang ibig sabihin ay binilog mo kaming lahat! Walang hiya ka" sabi ng reyna na nanggagalaiti.

"Yup totoo yun kasi mga uto uto kayo. At binigay niyo pa saakin ang corona ng prinsesa" sabi niya at isinuot ang silver na corona.

Magsasalita pa sana ang reyna ng biglang sumiksik sa unahan sina Rose, Marnelyn at Erica.

"You know what? Ang corona ay parang ikaw" sabi ni Rose

"Anong ibig mong sabihin?" tanong naman ng babae

"Akala ko ba kami ang slow poke eh pati ka rin pala eh" sabi naman ni Erica na halatang namimilosopo

"How dare you!" nagagalit na sigaw ng babae na inirapan lang ni Erica

"Can you please shut up !ang ingay mo" sabi naman ni Marnelyn na naiirita

"Sabihin niyo na kasi kung anong gusto niyong iparating?" sagot naman ng babae

"That crown is fake!" sabay na sigaw ng tatlo

"H-how?" tanong niya sa tatlo

"Nahh! Hindi ko na ikwekwento kasi may digmaan diba. Hindi naman siguro story telling time ngayon" sabi naman ni Rose

Dahil sa galit ng babae ay binato niya ng dark spheres si Rose na hudyat na magsisimula na ang digmaan. Ang hari ng kadiliman naman ay lumipad paitaas at pinanood ang paglalaban.

Samantalang napagdesisyonan na ng babae na lumabas. Pumunta siya sa gawi ng dark king. Tiningnan siya ng dark king ng matiim.

"Sino ka?" tanong ni King Edward sa babae na nakatakip pa rin ang mukha

"Ako? Ako, ang papatay sayo" sabi ni Nixy sa malamig na boses. Oo si nixy nga. Siya ang misteryosang babae.

"Hahahahaha, nagbibiro ka ba?" tanong ni king edward

Tiningnan lang siya ni Nixy at binato niya ito ng Water ball na may kasamang lightning.

Nabigla si King Edward sa ginawa ni Nixy at mabilis naman nitong inilagan ang water lightning ball.

Binato ulit ni nixy ang dark king ng Ice ball ngunit tinapatan ito ni King Edward ng fire ball. Gumawa naman si nixy ng maraming earth ball. Na iniilagan ni King Edward .

Samantalang kakaunti na lang ang kalaban sa baba. Marami na rin ang namatay na mga mababait na fantasian. May ilan na wala ng kalaban dahil sa naubos na ito at kasali ang mga royalties. Tiningala nila ang kinaroroonan ni King Edward ngunit nagulat sila ng may makitang kalaban ito.

"Siya yung kanina diba?" tanong ni rose

Tanging tango lang ang isinagot ng iba

"Sino ka ba?!" napasigaw na sa galit si King Edward
.

Ngunit nanatiling tahimik si Nixy. Natapos na ang labanan sa baba maliban sa dalawang tao na nasa himpapawid na naglalaban.

Lahat ay nakatingala pa rin sa babae na nakahood pa at may iisang katanungan silang lahat

"Sinu ang babaeng yan?"

Nagpapalitan pa din ng kapangyarihan ang hari at si Nixy. Ang hari ay halatang galit na kaya tinira niya ng dark spheres si nixy. Gumawa naman si Nixy ng shield

Gumawa ang hari ng dark sword kaya gumawa din si Nixy ng Elemental sword. Ito ay gawa sa lahat ng elemento kaya nasagot na ang katanungan ng lahat. Naiiyak naman ang hari at reyna ng magicue kingdom ng malaman nila na ito pala ay ang kanilang anak.

Naglaban ang dalawa gamit ang espada. Kaybilis ng kanilang mga kilos na halos hindi na ito makita ng mga nanonood. Ilang sandali lang ay natutukan ng babae si King Edward ng espada sa leeg. Bigla na lang nawala ang hari at napunta ito sa likod ni Nixy. Sasaksakin na dapat ni King Edward si Nixy ng bigla itong nawala. Sumulpot muli si Nixy na may 5 metro ang layo kay King Edward. Nagbatuhan muli sila ng kapangyarihan. Ang hari ng kadiliman ay pagod na pagod na samantalang pa easy easy lang si nixy. May sugat na din ang hari.

Nagbatuhan muli sila ng kapangyarihan ng matamaan si nixy sa kaliwang balikat sanhi ng pagkahulog ng cloak niya. Nainis si Nixy kaya humarap siya sa direksiyon ng hari ng kadiliman na kaharap ng mga nanonood na fantasian. Nagulat silang lahat na ang kanilang prinsesa pala ay si....

"N-nixy?" pasigaw na sabi nila

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

THE LEGENDARY PRINCESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon