CHAPTER 11

14.1K 366 3
                                    


Nixy's Pov.

"Ngayon ang pag aaralan naman natin ay tungkol sa magicue kingdom, the long lost legendary princess" sabi ni Ms.

Pagkasabi ni Ms. Rodelene non ay nakaramdam ako ng kaba pero mas lamang ang curiosity kaya nakinig ako ng mabuti.

"Okay ito na, ang magicue kingdom, ito ay matatagpuan sa pinakahilaga na bahagi ng fantasia . Ito ay pinamumunuan ni Haring Edgar Legein at Reyna Eliza Legein. May kaisa isa silang anak na si Princess Edelle Nicole Legein na ngayon ay nawawala pero bago natin tuklasin kung paano siya nawala ay uunahin muna natin ang tungkol sa kaharian nila. Ang mga mamamayan ng magicue kingdom ay mga taong may mga rare na kakayahan kaya kakaunti lamang ang mamamayan doon. Pero marami na ngayon dahil doon na din naninirahan ang mga healers, witch, at casters kaya dumami ang population doon.

Ang Reyna Eliza ay nagtataglay ng kapangyarihang fire, air, water, earth, nature, ice, light, electric at snow. Ang ability niya lang ay ang pagbasa at makipag usap gamit ang isip dahil isa din naman siyang royalties.

Ang hari naman ay walang kapangyarihang elemento ngunit lahat naman ng mga ability ay nasa sakanya. Kahit na ang ability na pinakamalakas ay nasa sakanya.

Ang prinsesa naman ang tinatawag na pinakamalakas hindi lang sa kaharian nila kundi sa buong fantasia dahil namana niya ang kanyang kapangyarihan sakanyang ama at ina kaya siya ay tinawag na Legendary Princess." Ms. Rodelene

Ewan ko pero may nagtutulak sa akin na makinig sa kwento.

"Ngayon ay ang history kung paano nasakop ang tatlong kingdoms at paano nawala ang prinsesa.

45 taon na ang nakalilipas, may lumabas na propesiya na ang dating Reyna ng Magicue Kingdom ay manganganak ng kambal.

Ang isa sakanila ay walang taglay na elemento ngunit ibinigay ng mga gods and goddesses sakanya ang lahat ng mga ability, malakas man o mahina.

Ang isa naman ay magtataglay ng kapangyarihang fire, air, water at earth. Ang apat na pangunahing elemento.

Isinilang nga ng dating mahal na Reyna ERina Legein ang kanyang kambal na prinsipe.
Ito ay kanyang pinangalanan ng Edward Legein o Prince Edward Legein na kilala natin ngayon bilang hari ng kasamaan o kadiliman, at Edgar Legein o Prince Edgar Legein na kilala natin ngayon bilang Hari ng Magicue Kingdom.

Si Prince Edward Legein ang isa sa sanggol na nagtataglay ng kapangyarihan na Fire, air, water at earth samantalang si Prince o haring Edgar Legein ang nagtataglay ng lahat na ability.

Lumaki silang dalawa ng puno ng pagmamahal. Ngunit kahit kambal sila ay may kaibahan sila.
Si Prince Edward ay palaging masama sa mamamayan ng kingdom nila. Parati niyang inaapi ang lahat doon lalo na ang mga matatanda. Inaapi rin niya ang kanyang kapatid.

Samantalang si Prince O Haring Edgar naman ay mabait. Kung sino ang inaapi ng kanyang kapatid ay papagalingin niya ito gamit ang kanyang healing ability. Kaya lahat ay humahanga sakanya.

Hanggang sa may lumabas na naman na propesiya na nagsasabing ang batang nagtataglay ng apat na uri ng elemento  ay magiging masama samantalang ang batang nagtataglay ng lahat na uri ng ability ay mabait. Makakakita pa siya ng isang tao na kanyang magiging kabiyak sa buhay. Inilabas ng propesiya ay ang babaeng ito ay nagtataglay ng lahat na uri ng elemento at pati ang white magic o light magic.

Nabahala naman ang sinaunang Hari at Reyna sa kanilang natuklasan kaya't trinato nila ang dalawa ng pantay at walang lumalamang.

Kapag dumating naman ang prinsile Edward ay lahat ay nagtatakbuhan o kaya ay tatahimik.
Kaya naiinis siya dahil walang pumupuri o namamansin lang sakanya.

Isang araw ay nakita ni Prince Edward si Prince Edgar na papuntang bayan kaya nagpalit siya ng anyo na tulad ng mga ordinaryong mamamayan nila at sinundan ito.

Malaki ang ngiti nito dahil alam niyang matutulad sakanya ang kanyang kakambal at walang papansin dito ngunit nagkamali siya. Pagkarating kasi sa bayan nila.ay imbes na magtago o yumuko na lamang at manahimik ay kabaligtaran ito. Lahat ng madadanan ng prince Edgar ay binabati siya na may malaking ngiti at binabati naman ng prinsipe ito pabalik. Lahat ay masaya ng makita nila ang Prinsipe Edgar. Sa isip ni Prince Edward ay gustong gusto ng mga tao ang kanyang kakambal. Nadinig pa niya na may nag uusap na ang Prinsipe Edgar daw ang susunod na maghahari.

Labis ang kanyang inggit dahil halos lahat ng mamamayan ay sang ayon na ito ang susunod na magiging hari ngunit may pag asa pa siya. Inisip niya na siya ang pipiliin ng kanyang magulang dahil nagtataglay ito ng elemento na kapangyarihan na wala naman sa kakambal nito.

Pag uwi niyo sa palasyo ay nadatnan niya ang kanyang mga magulang na may kausap na isang napakagandang babae na nakita niya sa buong buhay niya, ito ay si Eliza Mige o mas kilala natin ngayon bilang Queen Eliza Legein. Si Queen Eliza ay anak lang ng isang normal na mga magic user kaya nabigla ang mga magulang nito ng malaman nila na nagtataglay ito ng kapangyarihan na malakas dahil natataglay o nakokokontrol nito ang lahat ng elemento.

′°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Itutuloy..........

THE LEGENDARY PRINCESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon