CHAPTER 34

12.6K 323 0
                                    


Days Pass.........

Someone's POV.

"Arah!" tawag ko

"Mahal na hari," sabi ni Arah at yumuko

"Simulan niyo na ngayon. Sugurin niyo na ang academy" sabi ko dito

"Opo mahal na hari" Sabi niya at umalis

Maghanda ka Edgar. Mapapasailalim kayo ng kadiliman. Hahahahahahaha.

Another Someone POV

"This is the right time. Kailangan mo ng bumalik" sabi ng babaeng may kulay yellow gold na pangdyosang damit

"Maraming salamat sainyong lahat" sabi ko sa kanila

Pumasok ako sa portal at inilabas ako sa harap ng academy. Pumasok ako sa gate gamit ang teleportation at may nakita akong puno kaya doon muna ako magtatambay.

Maghintay lang sila. I will show myself if the dark king came. Alam kung susugod sila ngayon pero hindi pa ito ang tamang oras.

Marina's POV

Busy kami ngayon sa pagtraitrain sa prinsesa. Hindi namin alam kung bakit hindi pa rin siya umiimprove lalo nat bukas ng gabi ang digmaan....

Naalerto kami ng may narinig kaming malakas na pagsabog. Mabilis akong tumakbo sa pinanggalingan ng pagsabog at nadatnan ko ang napakaraming deorc fantasian.

"The hell! Akala ko bukas pa ang digmaan! Bakit nandito na sila" narinig kung sigaw ni Ice

"Shit" nasabi ko nalang ng sumugod sa amin ang mga kalaban.

Third Person POV

Napakaraming Deorc Fantasian ang nagsisulputan sa kung saan. Lahat ng mga estudyante ay napilitang lumaban. Kahit pagod dahil galing pa sa pagtratraining ay pilit pa rin silang lumalaban.

Sa isang puno naman ay may isang babae na nakaupo at minamasdan ang lahat na makipaglaban. Hindi muna siya magpapakita hanggat hindi nagpapakita ang kanilang hari.

Samantala ay patuloy pa rin sa pakikipaglaban ang lahat ng estudyante. Marami na ang namatay sa mga deorc fantasian ngunit marami pa rin ang kanilang kalaban. Halos hindi ito nauubos. Naabutan ang paglalaban ng umaga. Lahat ay pagod na pagod na ngunit nadaragdagan pa ri ang kalaban. Marami na din ang namatay na mga estudyante. Ang mga powerful naman ay hirap na hirap na.

Napapalibutan si Rose ng 10 mga kalaban at kahit pagod na pagod ay pilit niya itong nilalabanan.
Si Erica na panay ang pagcast ng spell. Marami na siyang napatay pero hanggang ngayon ay maraming kalaban pa rin ang nakapalibot sakanya.
Si Marnelyn na patuloy sa paggawa ng mga halaman na kumakain ng tao pero kahit ganun ay nakikipag espadahan pa rin siya sa iba pang kalaban. Kahit labis ang pagod ay kinakaya niya.

Napatingin ang babae kay Rose na malapit ng matumba. Napamura na lang siya at sinuot ang kulay dark pink na cloak. Nagteleport siya pupunta kay rose. Nagulat si Rose ng may sumulpot na babae sa gilid niya. Pero nabaling ang atensiyon niya sa kalaban na papasugod sakanya. Susugurin niya sana ito ng bigla na lamang namatay ang lahat ng nakapalibot sa kanya. Nilapitan si Rose ng misteryosang babae at hinawakan. Nakaramdam si Rose ng ginhawa at nawala ang sugat niya. Pati ang kanyang pagod. Para bang kagigising lang niya. Magpapasalamat sana siya sa babae ng bigla itong nawala.

Samantalang nahihirapan na ang lahat dahil wala silang tulog at kain. Ang babae naman ay itinabi niya ang mga mababait na fantasian at nilagyan ng shield. Kaya siya ang mag isang kumalaban sa mga deorc fantasian. Papasaugod na sakanya ang napakaraming mga kalaban kaya nagpaulan siya ng meteor at lahat ng mga kalaban ay patay. Itinapat niya ang kanyang mga kamay sa mga studyante ng academy at ilang sandali lang ay nawala ang pananakit ng katawan ng mga ito at nawala ang kanilang mga sugat. Magpapasalamat pa sana sila dito pero bigla na lamang itong nawala.

Firen's POV.

Nakita ko ang isang babaeng nakacloak ng dark pink. Ang masasabi ko lang ay malakas siya. She defeated the thousand of deorc fantasian in a second and also she heal us. I dont know but when I saw her, my heart beats fast. Her aura, irs familiar. A powerful aura but familiar to me. Sino kaya siya? I hope na makilala ko siya

Lalapitan na sana namin siya ng bigla itong nawala. Wierd.

Pabalik na kami ngayon sa academy para makapagpahinga man lang at makakain. Walang hiyang King Edward na yan. I will make sure that he will die tonight.

"May nasaktan ba?" tanong ni HM

Hindi ko na pinakinggan ang usapan nila bagkus ay nagtungo na lang ako sa dorm at natulog.

Tonight is the war....

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

THE LEGENDARY PRINCESS (Completed)Where stories live. Discover now