CHAPTER 19

13.8K 372 4
                                    

Nixy's Pov.

Nandito na kaming lahat ngayon sa gate kasama si HM. Nagbibigay na lang siya ngayon ng mga paalala.

"Dapat bumalik kayo ng kompleto. Walang labis walang kulang kaya't mag iingat kayo" huling paalala sa amin ni HM

"Opo" sagot namin

Bago kami umalis ay binigyan kami ni HM ng portal para mapabilis ang pagbalik namin sa Academy.
Lumabas na kami ng gate at nakita ko ang maganda na tanawin ng labas ng academy. At dahil sa mount lycus ang punta namin na ang direksyon ay nasa likod na bahagi ng academy kaya umikot kami at tinahak ang daan pupuntang mount lycus.
Habang naglalakad kami ay iba iba ang pwesto namin.parang ganito

          
Nathan--Erica Jean--Allan--Lovely


Flame -- Marina -- Ayra -- Nate

    Ice -- Marnelyn -- Rose -- Frost

Ako -- Firen

Katabi ko pala si Firen? Napansin ko rin na nagbabangayan si Nathan at Erica.

"Bakit maganda ka ba?" Tanong ni Nathan

"May sinabi ba ako?" Sagot na tanong ni Erica

"Oo sabi mo kanina" Nathan

"Wala kaya" Erica

"Meron" Nathan

"Wala" Erica

"Meron" Nathan

"Wala nga" Erica

"Meron" Nathan

"Wala"Erica

"Meron"Nathan

"Wala nga ang kulit mo. GRRRR" Erica

Natawa na lang ako sa kakulitan nila. Nakita ko naman si Marina at Flame na nag uusap ganun din si Ayra at Nate.

Samantalang walang kibuan si Ice, Marnelyn , Rose at  Frost. Kami naman dito ni Firen ay wala ding kibuan. Sana bumalik na siya sa dati . Siguro masaya pagbumalik siya sa dati kasi his fun to be with and also I enjoying his presence. Pero ewan ko ba, kapag malapit kasi siya saakin ay kinakabahan ako na naeexcite na natutuwa. I don't know pero gusto ko na yata siya...

"Nixy!" Sigaw ng mga babae

"Ay! Gusto  ko siya!" Naisigaw ko bigla..

"Uyyyy!!! Sinu gusto mo?" Mapanuksong tanong saakin ni Lovely

"H-huh, m-may s-sinabi ba akong g-gusto?" Tanong ko

Shet! Nakakahiya!!!!!!

"Aysus!!! Oh siya sige na. Wala ka nang sinabe. Nga pala, nandito na tayo sa ibaba ng Mount Lycus." Sabi ni Ayra na may pangasar na ngiti. Hindi lang pala si Ayra kundi silang lahat except kay Firen na nakatingin lang saakin.

"Oh sige tara na pero bago muna tayo pumasok ay papaalala ko muna sa inyo na kailangan nating mag ingat dahil maraming masasama at mababangis na hayop sa loob kaya sama sama tayong pumasok dapat sama sama tayong lumabas" sabi saamin ni Nate.

Tumango na lang kami at nagsimula nang pumasok sa loob. Ilang minuto ng paglalakad ay nakasalubong namin ang 7 drazards.

(A/N: gawa gawa ko lang po yan!!)

Ang drazards ay pinaghalong dragon at lizard. May roon kasi itong pakpak na parang dragon.

"Mag iingat kayo! Wag kayong titingin sa kanya dahil maaari kayong mahipnotize! " sigaw saamin ni  Nate.

Isang drazard para sa dalawang tao kaya pumunta saamin ni Firen ang isang drazard since kami ang magkatabi.
Nilabanan ko ang drazard ng hindi tinitignan sa mata. Tinapunan ni Firen ang drazard ng red orange fire pero hindi ito natablan. Gumawa ulit siya ng blue fire pero hindi pa rin ito tumalab. At dahil busy pa siya sa pagmumura doon ay nagpalabas ako ng ice spheres pero nababasag lang ito. Gumawa ulit ako ng ice rain pero kagawa kanina ay nabasag lang din ito. Nakita ko si Firen  na gumawa ng violet fire. Itinapun niya ito sa halimaw at nasunog ang parte ng katawan ng halimaw kung saan tumama ang violet fire. Magsasaya na sana ako ng biglang unti unti itong bumalik sa dati. At dahil sa inis ko ay nakagawa na ako ng crystal ice daggers na kasing tigas ng semento at kasing talas ng isang samurai. Tumama ito sa kanya at nagkaroon naman siya ng sugat at bigla na lang din itong gumaling.

Naiinis na din si Firen kaya gumawa siya ng Fire sword  na gawa sa violet na apoy niya at sinugod ang halimaw.

"Firen!"sigaw ko ng matamaan siya ng buntot ng halimaw

Dahil sa inis ko ay gumawa ako ng double crystal ice sword at sinugod ang halimaw. Hahampasin na sana ako ng buntot nito ng  sinangga ko ito gamit ang dalawang espada ko.
Nagulat ako ng biglang may fire sword ang biglang tumusok sa may ulo nito kaya parang nanghina ang halimaw at ang akala ko ay mamamatay na ito ngunit bigla na lang itong nabuhay muli..

"Hanapin mo ang kahinaan niya"

Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa isip ko.
Pero teka? Kahinaan? Ibig sabihin kaya hindi ito namamatay ay hindi pa namin nakikita o natatamaan ang kahinaan niya?

Habang nakikipaglaban si Firen sa halimaw ay pinagmasdan ko ng mabuti ito (halimaw),nang tumama ang halimaw sa sinag ng araw ay may nakita akong kuminang sa may noo niya. Hindi kasi ito masyadong klaro dahil sa kulay tim ito na kulay din ng balat ng halimaw. Atsaka maliit din ito. Napangiti ako ng maalala na yun pala ang kahinaan nito. Gumawa ako ng Bow na made of ice.

Ipinusisyon ko ito at hinila ang string nito atsaka naglagay ng  enerhiya na siyang magsisilbing arrow. Tinignan ko muna ng mabuti ang target at binitawan ang arrow at mabuti na lang ay naturuan ako ni Ace sa paggamit nito kaya natamaan ko. Ilang sandali lang ay umilaw ito at unti unting naging abo.

Nakita ko naman si Firen na napaupo sa lupa dahil sa pagod. Hay salamat naman at natapos na. Maglalakad na sana ako papunta sa kinaroroonan ni Firen ng makaramdam ako ng hilo at hindi ko alam pero natumba na ako at habang may kaunting ulirat pa ako ay naramdaman ko na may bisig na yumakap sa akin.

"Salamat" sabi ko dito at.  Blackout...

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Huh! Okay lang po ba???? So, anong mangyayari sa susunod? May idea na ba kayo?

THE LEGENDARY PRINCESS (Completed)Where stories live. Discover now