CHAPTER 27

11.8K 342 10
                                    

Nixy's Pov.

Pabalik na kami ngayon sa fantasia. 1 week din kaming nag stay sa Mortal world. Sa buong one week na yun ay nag enjoy kami. Minsan nagshoshopping kami, namamasyal, pumupunta sa amusement park. Pero ang hindi ko makakalimutan ay ang pagpunta naming dalawa ni Ren sa EK. Nasa kanya pala ang dalawang picture samantalang isa lang ang saakin. Ang daya nga eh. *pout*

"Stop pouting, you look like a duck" sabi ni Ren saakin.

Simula din nung nagpunta kami sa EK ay naging kaclose  ko na siya.

Palagi niya na rin akong kinakausap pero minsan lang ngumiti.

"Eh kasi naman eh, na sayo ang dalawang pictures samantalang isa lang saakin" sagot ko na ikinatawa niya

"Atleast may isa ka" sabi niya saakin

Napasimangot na lang ako sa sinabe niya. Nakapag paalam na din ako ng maayos sa mga magulang ko.

Nasa hulihan na bahagi din kami ni Ren kaya hindi nila nakita na tumawa ang mokong. Ayaw kasi niya na may makakita sa kanya na tumatawa maliban saakin.

"Nandito na pala kayo mga bata"

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa meeting place na sinasabi ni HM. Sinusundo na din kami ni HM.

"Good morning po HM" sabay na sabi namin maliban kay Ren.

Tumango lang si HM at nagsimula ng gumawa ng portal.
Pumasok na kami ng portal at iniluwa kami sa loob ng HM's Office.

"Maupo muna kayo, may importante  akong sasabihin. Alam kung matutuwa kayo sa malalaman niyo" sabi ni  HM.

"Ano yun?" Tanong ni Marina na halatang excited

Ngumiti muna si HM bago sumagot.

"Princess Edelle Nicole Legein is...........




Back" sabi ni HM na ikinalaki ng mata naming lahat.

Labis ang saya ko dahil nakita na muli ang tagapagligtas pero nawala dahil naalala ko ang sinabe saakin ni Erica.

*flashback*

"Alam mo, curios ako sa long lost princess" sabi ko kay erica

"Bakit naman?" Tanong niya

"Kasi kung prinsesa siya ,ibig sabihin ay prinsipe ang makakatuluyan niya" sabi ko na nakangiti.

"Hindi naman ganun, kahit sino ay maaaring maging kasintahan ng mga prinsipe at prinsesa pero ang alam ko, ang makakatuluyan daw ng long lost princess ay si Prince Firen" sabi ni Erica na parang kinikilig

"A-ah g-ganun b-ba? P-paano m-mo n-nalaman?" Nauutal na tanong ko.

Ewan ko ba pero nasasaktan ako ng malaman ko na si Ren ang makakatuluyan ng lost princess.

"Well, kalat na kalat yun, ang sabi nga nila na kung makita na daw ang prinsesa ay ipapa-engage  na sila agad agad" sabi ni Erica

*flashback end*

Ewan ko pero parang sinaksak ng milyong milyong kutsilyo ang puso ko.

"Nixy" tawag saakin ni Rose na katabi ko

"H-ha, b-bakit?" Tanong ko

"Okay ka lang?" Tanong niya

Tumango lang ako at ngumiti ng pilit.

"Ngayon ay inaatasan ko kayong lahat para magbantay sa mahal na prinsesa" sabi ni HM

Tumango naman kaming lahat.

"Maaari na kayong umalis para makapag pahinga kayo at bukas ay susunduin  niyo ang mahal na prinsesa sa Magicue Kingdom" sabi ni HM

"Opo HM" sabi namin at nagtungo na sa kanya kanyang dorm.

Habang naglalakad kami ay tiningnan ko si Ren. Halata sa kanya na excited na excited na siya. Nakikita ko di sakanya ang maganda niyang ngiti at pagkasabik.

Nang makarating kami sa dorm ay nagpaalam na kami sa kanila. Dumiretso ako sa kwarto at humiga sa kama. Hindi ko alam pero ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko alam na umiiyak na ako. Hindi ko mapigilan ang luha ko. At ilang sandali lang ay nakatulog na ako.

Firen's POV.

Nang ibinalita saamin ni HM na nakabalik na ang prinsesa ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Masaya ako dahil nakabalik siya, excited at pagkasabik na makita soya pero may side na nalulungkot ako dahil nakita na ang prinsesa. Nalulungkot ako dahil hindi ko na makakasama at makakausap ng maayos si Nixy. Hindi ko alam pero nasanay na ako sa presensiya niya. Siya lang kasi ang nakapagpatawa at nakapagpangiti saakin simula ng araw na namatay ang friend ko, ang unang mahal ko.

Hindi ko alam pero may gusto na yata ako kay nixy simula nung kinwento ko sakanya ang tungkol sa childhood friend.

Aish! Makatulog na lang.

Zzzzzzzzzzzz!!!!!


Someone's POV.

"Mahal na hari" sabi ng aking alagad

"Anong balita?" tanong ko

"Nakapasok na po siya at ginagampanan na ang misyon na ibinigay niyo po sakanya" sabi niya saakin na ikinangisi ko

"Maaari ka nang umalis" sabi ko sakanya

Hahahahaha, maghanda kayo mga fantasian. Ngayon ay unti unti ng natutupad ang mga plano ko. Hahahahahahahaha.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Opppssss! Short update.

Okay lang po ba?

Maganda ba? Pangit ba?

Don't forget to vote and comment.

THE LEGENDARY PRINCESS (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora