Chapter 19

11 0 0
                                    

"Wish it could be easy, why is life so messy?"

---

Hindi ako mapakali habang papunta kami sa ospital ni Bryan. Nakailang tawag at text na ako kay Althea pero hindi ko siya ma-contact at wala ni isang reply akong natanggap.

What the hell is happening?

Dapat talaga noong una pa lang, hindi ko na tinanggap ang offer ni Tita na tulungan ako sa nagbabalatkayo kong ama-amahan. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda kay Tita. Ako ang may kasalanan dahil nadamay pa ang pamilya nila sa problema ko.

"Bryan, tinawagan mo na ba si Althea?" Nag-aalala kong tanong.

Hindi na niya ako nagawang sagutin. Bakas sa kanya ang panginginig habang may tinatype siya sa cellphone niya.

I sighed.

Walang mangyayari kung parehas lang kaming matataranta. It's better to chillax muna. Well, buti na lang at may judge akong stock sa bag ko. Kumuha ako ng tatlo tsaka inabot ito kay Bryan at sa driver nila.

Walang angal na kinuha ito ni Manong driver at ningitian ako. Samantalang kinunutan ako ng noo ni Bryan.

"What?" I said innocently. Pagkatapos ay pinalobo ko ang bubble gum sa bibig ko.

He glared at me.

"Look Kristalyn. Can't you be serious? Alam mo namang nag-aagaw buhay na sila sa ospital, nakukuha mo pang magpa-easy easy?"

Pinutok ko ng malakas 'yung bubble gum malapit sa mukha niya. I rolled my eyes at him.

"Binibigyan kita ng judge para bumaba 'yang adrenalin mo. Mamaya pagdating sa ospital bigla ka na lang himatayin sa sobrang taranta at kaba. Edi tatlo na kayo nila KC sa emergency room" I said sarcastically.

"That's not funny" walang gana niyang sabi.

Oo! Alam kong hindi funny. Kaya nga sarcastic e.

Inis kong hinablot sa kamay niya 'yung judge. "Alam mo kanina pa nakakunot 'yang noo at nagtatangis 'yang bagang mo e" binalatan ko 'yung judge saka ko sinubo sa bibig niya ng biglaan. Hindi siya nakaimik sa ginawa ko. "Dude, mag-judge ka muna para naman ma-relax na 'yang panga mo. Tss"

Tse! Daming arte nitong ulupong na 'to. Imbis na tanggapin na lang, andami pang reklamo. Tch.


Mukhang hindi nag-work out 'yung judge sa kanya. I mean, dapat pala inubos ko na 'yung stock ng judge sa bag ko para ipakain sa kanya lahat. Hindi kinaya nung judge na pakalmahin siya. Pagkarating pa lang namin sa ospital ay naghi-histerical na siya. Akala mo sasapian ng kung anong engkanto e, konting kembot na lang baka mapasama na siya sa mga pasyenteng may epilepsy.

OKay? Back to story.

"Miss, saan pong room si Brianna Newborn and Kristine Christine Santos?" Aniya sa nurse.

"Kaaano-ano niyo po ang pasyente?" tanong ng nurse kay Bryan.

Napagmasdan ko ang pagyukom kamay niya kaya lumapit ako sa may counter.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Remember What You Told Me Where stories live. Discover now