Chapter 10

12 2 0
                                    

"Sick of crying. Tired of trying. Yeah I'm smiling,
But inside I'm dying."

----

Kasalukuyan kaming bumibyahe papunta sa NAIA. Nasa backseat kaming dalawa ni Athan. Magkalayo kami ng pwesto, halatang hindi talaga kami close dahil nasa magkabilang dulo kami kung saan malapit sa bintana.

Potek.

Dala ko pa rin 'tong box na binigay ni Althea. Ano bang laman nito? Kasora, halatang hindi marunong magbalot 'yung nagbigay. Hindi pantay-pantay ang pagkakabalot. Isama pa 'yung tape na halatang packing tape ang ginamit.

Bwisit. Hindi ako nanglalait, nagsasabi lang ng totoo.

Ako si Kristalyn, ang laiterang pretty. Chos! Basahin niyo 'yung story ni OwwSIC na Lala Laitera (Ang laiterang hindi naman pretty). Laughtrip ang kwentong 'yon. [A/N: Hi! Promote ko lang story ni idol xD]

Tinignan ko si Athan. As usual, nakapoker face at mukhang seryoso habang nakatingin sa bintana. Ano pa bang nagbago? Buti na lang hindi siya katulad ni Bryan. Mukha siyang pinaglihi sa sama ng loob.

May pagkakahawig sila ni Althea. Malamang kambal. Pero hindi sila mukhang magkapatid. Sa first impression, aakalain mong may relasyon 'yung dalawa dahil sobra silang close. Pero natural lang 'yon sa kanila.

Tinuon ko ang pansin sa box. Wala manlang from? O kahit anong pangalan o code name kung kanino galing. Naiinis ako. Duwag siguro 'yung nagbigay. Sarap itapon eh. Pero dahil ako si Kristalyn, ang laiterang pretty, hindi ko na pala itatapon. Lalaitin ko na lang.

Sinimulan kong tanggalin 'yung takip ng box na parang lagayan ng sapatos. Ang daming crumpled paper, halos puro papel lang ang laman. Lokohan ba 'to?

"Ano 'to basura?" Reklamo ko.

Napatingin si Athan sa gawi ko. Nakakunot ang noo. Hindi ako nagpatalo sa kanya.

"Problema mo?" Mataray kong tanong.

Inagaw niya 'yung box saken tsaka ako inirapan. Aba!? Amput— nako! Basta-basta na lang nangunguha ng gamit. Bastusan eh.

"Akina nga 'yan!" Pilit kong inagaw sa kanya 'yung box pero ayaw niyang ibigay. Para siyang virtual robot. Still, poker faced.

"Bwisit." Inis kong sabi.

"Sabi mo basura 'to" sagot niya. Nanlaki ang mata ko. Wow. Buti nagsalita siya, kahiya naman eh. Baka bumaho ang bunganga niya kung forever siyang hindi magsalita.

"Oo basura 'yan. Paksyet 'yung nagbigay. Taghirap ata" I grunted.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Oh bakit?" Mataray kong tanong.

"Matuto kang mag-appreciate ng mga bagay-bagay. Pasalamat ka binigyan ka." Walang gana niyang sabi.

Inihagis niya pabalik sa akin 'yung box kaya sumabog 'yung mga papel. Shutangina. Namumuro na siya sa akin. Sayang ang pogi pa naman niya kaso masama ugali. Hmp! Kay Bryan na nga lang ko. Leche.

Buti na lang nasa loob kami ng kotse. Hindi na siya nagsalita. Nagsalpak na lang siya ng earphone sa tenga at nag-shades. Grabe nasaan ang araw?

Remember What You Told Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon