Chapter 13

16 3 3
                                    


"When world's watching you like a nightmare in their eyes but a daydream to an eye of someone special"

----

Monday.

Ito na ang pangalawang araw na hindi nagpaparamdam sa akin si Althea. I never thought na mamasamain niya 'yung sinabi ko sa kanya that night. Tss. Ang sensitive naman pala niya.

Pagkagising ko noong umaga, si Bryan na lang ang nadatnan ko sa condo ko. Nagpaalam daw sa kanya si Althea pero hindi naman sinabing aalis ito kasama si Athan. Tss. Bakit hindi niya pa naisipang isama si Bryan? Nag-iwan pa siya ng kalat sa condo ko.

But something happened that day.

Nagkaayos na kami ni Bryan. At first, medyo naiilang pa ako dahil kami lang ang naiwan sa condo pero kalauna'y nagawa na din naming makapag-usap ng maayos na parang katulad lang ng dati. Ang saya lang isipin na akala ko hindi na namin maibabalik 'yung friendship namin pero ngayon, nagagawa na naming mag-asaran na parang walang nangyari.

But seems, nagkaroon pa rin ng gap sa pagitan namin. Mahirap na talagang maibalik ang dati. I admit na ako rin ang may kasalanan. Masyado akong naging selfish. Hindi ko inisip na may damdamin din pala si Bryan dahil puro pansarili lang ang iniisip ko.

Fvck. Regrets.

Still, talagang mahal niya si KC. Inamin niya rin na hanggang kapatid lang talaga ang turing niya sa akin na kailanma'y hindi magbabago. Ouch.

Reality is bullshit.

Masaya man ako na nagkabati kami, pero hindi ko pa rin magawang itago na nasasaktan pa rin ako dahil kay Bryan. Fuck this one sided love of mine. Pero naiisip ko rin minsan, nagkagusto rin kaya sa akin si Bryan kahit kaunti lang? Kahit 1 week, 3 days, 1 hour or even seconds? Aish. Umaasa nanaman ako.

"Young master, hindi po ba kayo magbe-breakfast kasama ang Daddy niyo?" Tanong sa akin ni Butler.

Oo may butler ako. Bakit? Inggit ka? Tss. Kapatid siya ni Mang Ben na driver ko. Tapos si Mang Ben asawa ni Yaya. Okay, awat na. Wala sa vocubolary ko magdiscuss ng family history ng mga katulong.

"Tss. Let them. Ayoko munang makisabay sa kasiyahan nila. Hahayaan ko munang mag-enjoy sila dito sa mansion dahil bukas bilang na dito ang masasayang araw nila" I said.

Nag-bow siya sa akin. "Masusunod po Young Master" sagot niya tsaka umalis ng kwarto ko.

Nagtataka siguro kayo na 'Young Master' ang tawag nila sa akin? Well, ayokong tinatawag akong ma'am, milady, or miss. Feeling ko tumatanda ako ng isang taon. Tss. Mas formal pakinggan sa tenga ko ang ganong tawag. Si yaya lang ang may karapatang tawagin akong 'baby' kase nga yaya ko siya. Tch.

Isinuot ko ang pink channel dress na binigay sa akin ni Tita na mommy nila Bryan at Althea. Simula noong nag-away at nilayuan ako ni Bryan, hindi ko na nagagawang dumalaw kay Tita kahit naging best friend ko na noon si Althea. Ewan ko lang. Hindi ko feel pumunta sa kanila lalo na kung hindi si Bryan ang nagyayaya sa akin.

Nasanay na kase ako...

Lumabas ako ng kwarto. Nadaanan kong nagtatawanan 'yung mag-aama na akala mo mga tawa ng mangkukulam. Tsk. May pinag-uusapan silang isang bagay eh, I can't hear it clearly. Tapos akala mo 'yung putres na Magdalena 'yung may ari ng bahay. Makapag-utos sa mga katulong wagas isama mo pa 'yung isa kong illegimate bastard sibling na si Margareth na feel na feel at inaangkin 'yung mga gamit ko. Lalo na 'yung P*TANGINA na nagpapanggap kong tatay.

Remember What You Told Me Where stories live. Discover now