Chapter 9

13 2 0
                                    

"After someone hurts you, you're not the same anymore."

---

Mabait? Well, sometimes. Pero kapag badtrip ako, ihanda mo na ang sarili mo.

Umagang-umaga binuwisit ako ng ama ko. Paksyet. Uuwi daw dito 'yung mga err—kapatid ko 'daw' para magbakasyon. At dito pa talaga sa mansyon!? Pwede namang sa rest house o sa condo namin eh.

Bwisit.

Makikita ko nanaman ang pagmumukha ng mga pinaka-susuklaman kong tao.

"Yaya! Dalan mo ko pagkain dito!" Sigaw ko. Bad trip talaga ako. Ngayong araw talaga ang uwi nila ah?

Let's see kung makakatagal kayo dito.

Minutes passed, dumating na din si Yaya dala ang almusal ko. Ayoko munang kumain sa dinning room. Baka malagyan pa ng alikabok ang pagkain ko. Naglilinis at naghahanda pa naman 'yung mga katulong sa pagdating nila.

Hays. Kailangan talagang paghandaan?

"Yaya" tawag ko. Napatingin siya sa akin.

"Sabihin mo nga dun sa mga maids, 'wag na kamo nila ituloy 'yung pag-aayos. Mas gusto ko 'yung dating Gothic Style ng mansyon" utos ko.

"Pero Young Mas—"

"I DON'T CARE. Basta ibalik niyo 'yung dating style. Alisin niyo 'yung mga Hello Kitty, Barbie etchetera na 'yan. Basta pagbalik kong galing school mamaya, dapat naibalik niyo na ah!? Pag hindi niyo nagawa, sesesantihin ko kayo" utos ko.

Napatungo siya. "Masusunod po" sagot niya.

"Good" sabi ko. Tahimik siyang umalis ng kwarto.

Mabilis kong inubos ang pagkain at agad naligo. Gusto ko ng pumasok agad. Nabubwisit ako dito eh. Ayokong makita ang pagmumukha nila.

Pumili ako ng magandang dress sa walk-in closet ko. Isa pa 'to. Naalala ko dati, nagulat ako dahil nadatnan kong gulo-gulo ang kwarto ko dahil dun sa mga kapatid ko 'daw'. Pinagkukuha 'yung mga damit kong magaganda at 'yung mga gamit na  pinaka-iingatan ko. Taena. Ang kakapal ng mukha.

*ting*

Binaba ko 'yung hawak kong hanger sa may lamesa para tingnan 'yung Iphone 8s ko. Nag-message si Althea.

Althea Miaco:

Hurry up. May pahihirapan pa tayo.

Napangiti ako. Meron na akong pangpalipas ng bad trip. Hays, nae-excite ako.

--

Nakarating ako sa school ng maaga. Taas-noo akong naglakad sa may corridor. As usual, nakuha ko nanaman ang atensyon ng mga estudyante. Sanay na ako.

Mayroon pang tatlong lalaki na humarang sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay.

"Problem?" I asked.

Ngumiti sa akin 'yung isa. "This is crazy" natatawang sabi nung isa.

Lalong tumaas ang kilay ko. "Can I have your number?" He asked.

Hindi ako sumagot. I saw Bryan a far. Nakatingin siya sa amin. His eyes is full of sad emotions. But I don't care, pinagpalit niya ko kay KC-lantod kaya wala na akong pake.

I smirked at them.

Binuksan ko ang pouch ko. "Here's my number" inabot ko sa kanya 'yung calling card ko.

Nagulat 'yung tatlo sa ginawa ko. "Woaah. Totoo ba 'to?"

I winked. "So, call me maybe?" tumango lang 'yung isa habang tuwang-tuwa.

Remember What You Told Me Donde viven las historias. Descúbrelo ahora