Chapter 3

19 3 1
                                    

"And now i'm telling you. You're the greatest gift I've ever had."

---

Pagkatapos ng maraming pighati, nagkaroon din ako ng kaibigang handang makinig sa akin. Inilabas ko lahat ng hinanakit ko sa buhay, pamilya at sa sarili ko. Matyaga siyang nakinig at nagbigay ng payo.

Hindi niya daw akalain na sa ganitong edad namin ay mararanasan ko na ang ganito.

"Every people tend to love, but what makes it special? Is the best person you want to have, one of a kind" he said. Alam kong bata pa ako noon para kumuha ng mga hugot sa buhay pero parang mas may pinanghuhugutan siya eh.

"What do you mean?" Nakakunot-noo kong tanong. Masyado siyang deep. Ugh.

Binigyan niya ako ng isang ngiti. Ngiting nagpapabilis ng puso ko kapag ginagawa niya 'yon.

"Alam mo Kristalyn? Kung iniisip mong lahat ng tao sa mundo iiwan ka, lagi mong tatandaan na God never leave you. He'll be always on your side even in troubles in your life. Hindi ka niya pababayaan, basta manalig ka lang sa kanya. Syempre nandito rin ako, I promise I'll never leave you too. Lagi lang akong nasa tabi mo, as you friend. Poprotekatahan at ipagtatanggol kita kahit ano man ang mangyari" He said and I fluttered. He gave a genuine smile. His eyes was full of joy and hopes.

Naramdaman kong tutulo nanaman ang luha ko. Niyakap ko siya ng mahigpit na ikinabigla niya. "T-thank you Bryan. Salamat dahil naging kaibigan kita. I don't have any idea kung gaano kita pasasalamatan. Thank you so much" hinagod niya ang likod ko.

Humiwalay ako sa pagkakayakap. Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko. "Hindi mo ko kailangang pasalamatan. Friends na tayo di ba?"

"Oo friends na tayo" masayang sabi ko.

"Promise?"

"Promise" I said cheerfully. Ginulo-gulo niya ang buhok ko at nagtawanan kami.

And we made our promises that we won't leave each other no matter what happen.

--

Time past, hindi ako nagkamali na naging kaibigan ko siya. Parang kapatid na nga ang turingan namin. We're became best of best friends. Higit pa 'to sa pagkakaibigang naudlot namin ni Marithe. God, ganto pala ang pakiramdam na maging masaya ka.

Kung dati ako ang nagtatanggol sa kanya, ngayon siya naman ang nagtatanggol sa akin. Tinulungan niya ako kung paano maging totoo sa sarili ko. Natutunan ko rin na huwag ng magpanggap sa totoong nararamdaman ko.

He made me realized that life is not all about living for survival, we just need believe and be yourself.

Dumating din ang christmas party namin, it's my mom 1st Death Anniversary. Dapat hindi ako pupunta sa party dahil mag-i-stay ako sa cementary maghapon at magmumukmok pero hindi siya pumayag. Sabi niya kung hindi daw ako pupunta hindi din siya aattend. Hindi ako pumayag sa gusto niya pero wala din akong nagawa.

Ang ending, sumama na lang siya sa akin sa sementeryo. Hindi rin naman daw kase siya mag-eenjoy sa party kung wala ako. Natawa ako noong sinabi niya 'yun pero mayroon sa loob ko na gustong-gustong marinig mula sa kanya ang ganyang mga salita.

Attracted ako sa kanya...

Noong una, sinubukan kong pigilan dahil alam kong maaring mailang siya sakin o layuan niya ako kapag nalaman niya. Hindi ko kayang mawala pa siya sa akin. God knows kung gaano ko siya pinahahalagahan kaya ipinagpasawalang bahala ko na lang ang nararamdaman ko sa kanya.

But everything went wrong. Kung gaano mo pala pigilan doon pa lumalala. Kung dati attracted lang ako sa kanya but now it turn into crush. Masyado akong nafa-fall sa mga sweet gestures niya, yung mga pangangaral at pagtatanggol niya. Lalo na kapag sobrang nag-aalala siya sakin.

Remember What You Told Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon