Chapter 15

12 2 0
                                    

"You shouldn't let other people affect what you do in life."

---

Hakot. Hakot. Hakot.

"Bryan, pakidala mo naman 'tong dalawang balikbayan box sa kotse oh. Kailangan ko ang mga 'yan eh" utos ko kay Bryan habang inaayos ang tatlong maleta na dadalin ko.

"Kung dalin ko na kaya 'tong buong mansyon para wala ka ng iutos" he grumbled.

Agad ko siyang nilingon at pinanliitan ng mata. "Nagrereklamo ka? Akala ko ba babawi ka sa akin?" Mataray kong tanong.

Hindi na siya nakaimik at hinila na rin niya palabas 'yung dalawang balikbayan box gamit 'yung trolley. Tss. Rerekla-reklamo pa, gagawin din naman. Subukan niya lang tumanggi, magwa-war uli kaming dalawa.

"Hindi ka naman siguro maglalayas noh?"

Napalingon ako dun sa isang asungot na nakatayo sa may pintuan ng kwarto ko habang nakapamulsa. Inirapan ko lang siya.

"Tss. Lilipat ka lang naman pansamantala pero 'yung mga gamit mo parang pamhabang-buhay na" muli niyang sambit.

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Anong ipinalalabas mo?" I asked.

"Mahiya ka naman. Makikitira ka na nga lang sa amin, ganyan pa ang ugali mo" insulto niya sa akin.

Literal na tumaas ang kilay ko. Asdfghjkl! Namumuro na talaga 'tong Danalle na 'to sa akin. Ang sarap talagang ihampas sa pagmumukha niya 'tong hawak kong powerbank. Wala na akong pakialam kung kapatid pa siya ni Bryan, Althea at Athan, basta maturuan ko lang siya ng leksyon.

He smirked at me. "Palagi ka bang ganyan? Palagi mo na lang dinadaan sa init ng ulo ang lahat?" muli niyang sabi.

May balak na sana akong ituloy 'yung plano ko kanina pero biglang dumating si Athan. Dire-diretso siyang lumapit sa akin at nilampasan lang si Danalle. Nakita ko pa kung paano kumunot 'yung noo niya dahil kay Athan. Nabigla ako ng basta na lang niya ako hinalikan sa pisngi.

"Babe, kailangan na nating bilisan. Baka maabutan pa tayo dito ng peke mong ama. Alam mo namang hindi na ako makapapayag na saktan ka niya ulit" he smiled at me.

Napatulala ako sa kanya. Wtf. Ngayon ko lang uli siyang nakitang ngumiti. Anong masamang espiritu ang sumapi dito sa Athan na 'to? Paksyet. Bakit mas lalo siyang gumawapo kapag ngumingiti siya?

"H-ha?"

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

Automatic na natauhan ako. Asdfghjkl! Bakit ko ba pinagpapantasyahan 'tong Athan na 'to? Takte. Anong kapokpokan 'to Kristalyn? Tumatakbi ang oras kaya kailangan mo ng bilisan.

"A-ahh. I mean tara na" nag-aalangan kong sabi tsaka hinila 'yung isang maleta palabas.

Iniwn ko na siya dahil alam kong kaya na niya 'yung dalawang maleta. Tss. Kabayaran 'yon dahil basta-basta na lang siya nanghahalik. Pero napahawak ako sa pisngi ko na hinalikan niya. Wtf. Bakit ako kinikilig sa kanya?

"Kristal, halika na" natauhan nanaman ako ng kalabitin ako ni Bryan.

Napansin kong may nawawala sa paligid. "Nasaan si Danalle?" Tanong ko sa kanya.

"Si kuya? Ewan ko dun eh, basta-basta na lang umalis. Bad trip ata" sagot niya.

Nagkibit balikat na lang ako at tuluyan ng umalis. Binilinan ko 'yung ibang katulong kasama na si Yaya na sabihin sa peke kong ama na nagbakasyon lang ako. Pati na din sila Mang Ben, si Butler, mga security at ilan pang mga alipin ko sa mansyon. Charr! Takot lang nila sa akin na isumbong ako sa peke kong ama. Ililibing ko sila ng buhay.

Remember What You Told Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon