Napabuntonghininga na lang uli ako at ginulo yung buhok ko. Ang bigat sa pakiramdam kapag hindi mo talaga kakilala yung katabi mo and worse, nakakakilabot pa.

Biglang napadako yung paningin ko sa gate nitong resthouse. Dyan kami kamuntik-muntikan nang mamatay kahapon, hindi ko na lang talaga alam kung bakit at paano kami nabuhay.

Madaming zombies sa labas ng gate, oras na makapasok yang mga yan sigurado pa sa sigurado na mamamatay kaming lahat. Kukulangin kami sa sandata, hindi naman kami pwedeng gumamit nang gumamit ng mga baril dahil kakaunti lang yung may silencer. Hindi kami pwedeng makatawag ng atensyon.

Sa muli, sumipat ako ng tingin kay Seri. Tumama yung paningin ko sa tattoo nanaman niya, hindi ko alam kung ano yung ibig sabihin nyan pero ayan yung pinakanakakakuha ng atensyon ko. Siguro dahil ngayon ko lang ito nakita..

Teka, ano bang paki ko?

"Hyung!"

Napapapikit ako nang nakarinig ako ng bagyong paparating. Hindi ko alam kung ano bang meron sakin at nagiging magnet ako ng mga human version ng sakit ng ulo. Kahit saan ba naman kasi ako pumunta ay nakasunod sakin yang mga yan.

Haharap na sana ako nang makarinig nanaman ako ng isa pang asungot na padating. Yung bigat pa lang ng paa habang naglalakad eh, sigurado akong siya 'yon.

"Anong ginagawa niyong dalawa dito, aber?" Inis na sabi ko.

Paano ba naman kasi? Itong dalawang ugok na 'to, mukhang galing pa sa pool... Ay hindi, talagang d'on sila galing! Hindi man lang muna nagbanlaw bago umakyat dito. May kinakain pa silang kung ano na mukhang si Alex hyung din naman yung nagluto.

"Tatambay lang, bakit? Masama?" Ngumunguyang tanong ni Nathan. Tumatalsik pa yung laman ng bibig niya habang nagsasalita, bastos pwe!

"Oo, masama. Ang sama ng mukha mo." Sagot ko. Hindi naman siya sumagot at kumain na lang. Basta talaga may nilalamon, wala siyang pake sa sasabihin ng iba.

Tinignan ko naman si Timothy na nakatingin din sakin. "Ano? May sasabihin ka?" Agad naman siyang umiling-iling.

Inirapan ko na lang sila dahil wala akong ganang makipag-usap sa mga taong lutang. Tumalikod na lang ako at muling napatingin kay Seri na walang pake sa dalawang kakarating lang.

"May regla ata yang lolo natin, kaya pala hindi sumama sa swimming."

"Oo, baka walang pambili ng napkin."

"Baka nga tissue lang ginagamit nyan kapag nireregla siya. Kaya siguro ang sama ng timpla ng mukha."

"Pinaglihi yan sa sama ng loob ni auntie kaya ganyan."

Agad akong humarap sa kanila at dali-daling hinagis yung tsinelas ko pero sadyang mga bulate yung mga loko, nakatakas pa rin.

Magsasalita na sana ako nang biglang dahan-dahang naglakad si Seri, agad namang napahinto yung dalawang ugok dahil nakaharang sila sa dadaanan niya. Nang mukhang nahimasmasan na sila ay wala pang isang segundo eh umiwas na sila.

"Hyuuung!"

Homaygad.

Napanganga ako nang bigla na lang sumalampak si Seri kay Theo nang hindi inaasahan. Sumakto pa kasing papalabas na siya at papasok na si ilong. Hindi talaga maiiwasan na magkabangaan, sa laki ba naman ng ilong-este ng katawan ni Theo eh. Akala mo tinubuan ng pandesal.

Agad na humalagpak ng tawa yung dalawa dahil sa hitsura ni Theo. And worse, kakagaling lang din niya sa pool. At may mas malala pa! Topless si kuya mo Theo. Sumakto yung mukha ni Seri sa dibdib niyang akala mo tinaniman ng mga bato. May abs pa!

Train to Daegu | bts m.ygWhere stories live. Discover now