She Played Her Part ♡ Chapter 31 & 32

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagkarating ko sa kabilang bahay, saktong kalalabas lang ni Mark ng bahay nila. Sinalubong ko siya ng ngiting hindi na maalis sa mga labi ko simula kanina. Ang saya ko lang talaga kasi.

"Ang ganda ng ngiti ng Babe ko, ah," puna ni Mark pagkalapit ko at ngumiti rin siya.

Lalo naman akong napangiti. "Siyempre, bawal sumimangot ang magaganda," pabiro kong sabi.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse kaya sumakay na ako. Umikot naman siya sa kabila para sumakay na rin.

"Wala ba akong kiss na pamsuwerte ngayong araw?" sabi niya pagkasakay niya.

Natawa naman ako. Ambisyosong froglet. Makita niya pa nga lang ako, pamsuwerte na, 'no?! Kiss pa ang gusto! Char! Ako yata ang ambisyosang froglet. Pero dahil maganda ako at napakasaya ko ngayong araw, pagbibigyan ko siya.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi. Parang hindi naman siya nakuntento dahil sumimangot siya.

"Bakit sa cheek lang? Dapat dito." 'Tapos tinuro niya ang nguso niyang naka-pout.

Ambisyosong froglet talaga!

Inambahan ko siya ng kamao ko. "Ito gusto mo? Mag-drive ka na, male-late na ako!"

Wala naman na siyang nagawa kundi ang sundin ako. Takot lang niyan na maging amasona ang kagandahan ng girlfriend niya.

Habang nasa daan, pumikit ako. Medyo nakakapagod din pala ang pagiging masaya. Sa sobrang hype ko yata simula paggising ko, napagod na agad ako. But it's not an unwanted tiredness. Ito iyong tipo ng pagod na gustong maramdaman ng tao.

Ang sarap mabuhay ng kinikilig sa lahat ng bagay. Parang hindi na ako makapaghintay sa mga susunod na araw na puno rin ng saya. Sa mga susunod na araw na pupunuin namin ng magagandang ala-ala para matakpan ang mga masasakit na nangyari. Ayoko nang may masayang pa na mga sandali.

Pag-uwi ko sa bahay, magre-request ako kay Daddy ng outing. Iyong kaming buong pamilya lang. Pero puwede ring kasama ang mga Lopez dahil pamilya na rin naman sila. Siguradong magiging masaya iyon. Mas masaya pa sa mga outing namin dati dahil may nadagdag sa amin.

Maganda rin iyon kay ate Hannah. Makakapag-relax siya sa fresh na lugar. Makakatulong sa health niya.

Hay... sana lang, gumaling na siya.

"We're here, Babe."

Nang marinig ko ang sinabi ni Mark, nagmulat agad ako ng mata. Nasa school na nga kami. Parang ang bilis naman niya mag-drive? Lumipad ba kami o ang utak ko ang lumilipad kaya hindi ko napansin ang mga minuto?

"Thanks, Babe! See you later!" nakangiti kong paalam sa kanya.

Bubuksan ko na lang sana ang pinto nang hawakan niya ako sa braso.

"Sunduin kita mamayang lunch, ha?" sabi niya at lumapit siya sa akin para hinalikan ako sa pisngi.

"Bakit?" tanong ko naman.

I know, he wanted to date me for lunch. Pero wala ba siyang pasok ngayon?

"Date..." tipid niyang sagot.

"Don't you have work today?"

"I'm on leave today."

"Uhmm..." Tumango-tango ako. "Hindi pa ako nagpa-sched sa secretary mo. I forgot!" Nag-act pa ako na parang ang big deal talagang nakalimutan ko iyon.

Natawa naman siya. "Okay lang. I'll give you VIP pass now." At kinindatan niya pa ako.

"Alright, it's a lunch date then..." Natawa ko na ring sabi with kilig bells pa na nagri-ring sa pandinig ko.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon