Niyakap nila ulit ako. At no'ng mga oras na 'yon, naramdaman kong ako ang pinakamaswerteng tao sa mundo.

"Kinakabahan ka ba anak? Don't worry, nasa mental ospital na si Mr. M, wala ng gugulo sa'yo," pagbibiro ni mommy. Dahil do'n, pansamantalang nawala ang kaba ko.

"Grabe ka sa jowa ni Yamashita ha," dagdag pa ni mama.

Mga baliw talaga ang mga nanay ko. Oo, mga nanay kasi itinuring ko naman silang ina e. Ang hilig kasi nilang pagtripan si Mr. M at si Ms. Fugita. Hindi ko nga din akalain na magjowa pala 'yong dalawang 'yon noong kapanahunan nila. Kaso, naghiwalay dahil sa finixed marriage pala si Mr. M.

Somehow, inaamin kong naiinis ako kay Mr. M na 'yan. Pero pinipilit ko namang unti-unti siyang patawarin.

Gusto ko siyang patawarin hindi dahil sa tanggap ko ang ginawa niya sa'kin at sa mga kaibigan ko.

I want to forgive him to have a peace of mind.

"Paano na 'yan? Hatid ka na namin? Baka ma-late ka."

"Tama! Mukha pa namang baliw si Kite kakahintay sa'yo. Baka daw umurong ka kasi sa kasal, hahaha!"

Napatawa na lamang ako. Kahit kailan talaga ang saranggola na 'yon, ang paranoid. Pero kahit gano'n 'yon sobra ko siyang mahal.

And there is one thing I learned in the past years.

All my life, I believe that I am unlucky. But I was wrong.

It was just a challenge. A challenge that can make me stronger and mold me to be braver person.

🌸🌸🌸

My heart beats fast. Ang lamig sobra ng kamay ko, pero 'di maalis sa akin ang pagiging masaya.

"Ma'am, magbibigay po ako ng signal kapag pwede na kayong pumasok okay? Kapag nagbukas na ang pintuan, maglalakad po kayo sa red carpet," paliwanag niya sa'kin. Tanging tango na lamang ang sinagot ko.

Basilica Minore Nuestra Señiora de Piat- sa simbahan na 'yan kami ikakasal. Nagsimulang magbukas ang malalaking pintuan.

Nakatingin sa'kin ang lahat ng tao. Nakasuot ako ng gown na kulay puti. Kita ang likod ko sa style ng gown. Nakasuot din ako ng belo. Nakaayos ang buhok ko ng chignon bun.

~You're the one that never lets me sleep
To my mind, down to my soul you touch my lips~

Dahan-dahan akong naglalakad. Bawat nadadaanan ko ay nginingitian ako ng mga tao. I smiled back to them.

~You're the one that I can't wait to see
With you here by my side I'm in ecstasy~

Hindi ko mapigilang hindi ngumiti. Sa bawat paglakad ko ay nagfa-flashback sa'kin ang mga nangyari. Mula sa pagiging inggitera ko kay Angela, sa pagiging magbestfriend namin ni Haley, kay Red na ex ko, kung paano ko naging kaibigan si Mau at kung paano ko minahal ang isang Kite Astrid Fuerte.

~I am all alone without you
My days are dark without a glimpse of you~

Todo suporta naman si mommy at beshie sa pag-aayos ng gown ko. Naalala ko tuloy ang nakalagay sa sulat ni Kite. Na suotin ko ang gown sa taong mahal ko talaga.

Heaven's Last Cry (COMPLETED)Where stories live. Discover now