44. Game

2.3K 114 83
                                    

"In the game of love, there is no loser or winner. Because in the end, a game is always a game. And love conquers it all."

🌻🌻🌻

Inayos ko na ang gamit ko at nagmadaling lumabas sa school. Ganyan lagi ang ginagawa ko ni'tong mga nakaraang araw. Simula kasi nang maging malapit sila kay Fretzie, umiwas na ako sa kanila.

Hindi nga sila nakakahalata na nagtatampo ako sa kanila.

Bumili ako ng packed lunch sa cafeteria at nang makita ko sila papasok, agad na akong nagtago. Balak ko kasi ngayon na pumuntang garden. Wala naman kasing masyadong tao do'n.

Nang makarating ako sa garden, sumandal ako sa puno at kumain na. Hindi ko maiwasang isipin na bakit gano'n?

May dumating lang na bago, nakalimutan ka na nila.

At ang pinakamasakit? Malapit pa naman ang birthday ko. Wala nga'ng nakakaalala sa kanila e. Pati na ang bestfriend kong si Haley na hanggang ngayon, 'di ko pa din pinapansin.

Sa totoo lang, gusto ko nang makipagbati sa kanya. Ang hirap din kasing magpanggap, lalo na kung miss mo na ang isang tao. Pero wala e, mataas ang pride ko.

Malalim akong bumuntong hininga. Magiging kagaya na naman ba ako ng dati? 'Yong Agatha na walang kaibigan? Loner lang at nasa isang sulok?

Napalunok ako ngunit 'di ko na napigilang lumuha. Malapit lang sa kinaroroonan ko ang cafeteria, at nakikita ko sila kung gaano kasaya.

Tawa sila ng tawa kasama ang Fretzie na 'yon.

Tapos sina Haley at Angela? Ngayon ko lang sila nakita na sobrang masaya na halos mapunit na ang labi. Samantalang kapag ako ang kasama nila, wala lang.

Ewan ko ba, nasasaktan talaga ako.

Nakatingin pa din ako sa kanila. Si Fretzie naman, umalis na do'n. Lumabas siya mula sa cafeteria at nagulat naman ako nang habulin siya ni Kite na may dalang payong.

Pinayungan niya si Fretzie.

Ang lapit nila masyado sa isa't isa. Tapos kung makatawa si Kite kapag kasama ang babaeng 'yon. Argh! Naiinis talaga ako! Ako 'tong tinutulak siya sa ibang babae tapos ganito ang inaasal ko?

Shemay, hindi na talaga ako 'to.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa'kin at naglakad papunta sa kanila. Kung nakakamatay nga lang ang tingin, matagal na silang pinaglalamayan ngayon.

Nakasalubong ko sila. At sa sobra kong inis kay Fretzie, sinadya kong matapon sa damit niya ang chocolate shake na kasama sa binili kong packed lunch. Kita sa mukha niya ang inis sa'kin. Pero dahil plastik siya, ngumiti siya sa'kin na halata namang pilit lang.

Landi mo kasi masyado, takte ka.

"Aww, I'm so sorry. I didn't mean to hurt you. Are you okay Fretzie?" plastik din na tanong ko sa kanya. Sana naintindihan niya ang gusto kong iparating- note the sarcasm.

"I'm fine, Agatha. Just be careful next time okay? You made my boyfriend concern for what you did. Right babe?"

Napataas ako ng kanan kong kilay. Aba, marunong din pala maging bitch ang Fretzie na 'to. Takte, nananadya ba siya! Buset, nakakabadtrip na ha.

Heaven's Last Cry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon