40. Pain

2.6K 104 47
                                    

"Goodbye with reasons is painful. But the most painful one is when the reasons you heard came from the one you love."

🌻🌻🌻

Hanggang ngayon, hindi pa din maalis ang mukha niya sa isipan ko. Nakikita ko pa din 'yong mukha niya na nasasaktan. 'Yong mga lumalabas na luha mula sa mga mata niya.

Sabi nila, masakit daw maiwan ng taong minamahal nila. Pero sa sitwasyon ko ngayon, napatunayan kong mas masakit ang mang-iwan. Masakit kasi ang hirap na kailangan ko pang pigilan ang nararamdaman ko. Na kailangan pang masaktan ko siya. Na masaktan namin ang isa't isa.

Pero wala e. Ito kasi ang dapat. Ngayon, naiintindihan ko na si Ms. Fugita tungkol sa sinasabi niyang may sumpa ang libro na 'yon. Pakiramdam ko, 'yon ang dahilan ng lahat. Ang propesiya na ang gumawa ng paraan para magkalayo kami.

At 'yon na nga ang nangyari.

Sana kasi hindi ko nalang nakuha ang diary ni Cora! Sana kasi ibang libro nalang ang ginawan ko ng book report. Edi sana hindi ito mangyayari sa amin.

It's not fair! And it fuckin' hurts cause I'm still affected! At kahit ilang araw pa ang lumipas, hindi ko siya makakalimutan. Siya pa din ang gusto ng puso ko kahit alam kong mali kasi pinsan ko siya.

Handa akong maging makasalanan basta tungkol sa kanya.

Bumangon ako sa aking kinahihigaan. Wala na ako sa bahay namin ni Kite. Sinabi ko naman na sa kanya ang dahilan kung bakit ako aalis. Ibigsabihin, alam na niya na pinsan ko si Red.

Nakakapagtaka nga lang kasi ang lawak ng ngiti niya. Tapos ngumingisi din na mag-isa. Kahit kailan, ang abnormal ng saranggola na 'yon.

Isang linggo na ako namamalagi sa mansyon ni Violet. Ang awkward nga lang kasi minsan, nakakasalubong ko siya. Paano ba naman, magkatapat ang kwarto naming dalawa dito sa second floor.

Pinihit ko ang door knob para makalabas sa kwarto. At laking gulat ko naman nang makita ang bubungad sa umaga ko. Siya na naman ang nakita ko.

Totoo sa'yo tadhana? Hanggang kailan mo ipapamukha na hindi kami pwedeng dalawa?

Isa, dalawa, tatlo. Tatlong segundo kaming nagtitigan na dalawa. Isa, dalawa, tatlo. Tatlong segundo muli bago ako makapagsalita para hindi kami maging awkward.

"Goodmorning?"

Sinubukan kong ngumiti pero kusang sumimangot ako nang tinignan niya lang ako. At pagkatapos, hindi man lang nag-iwan ng salita sa'kin bago man umalis.

Napailing naman ako dahil sa ginawa ko. Ang tanga ko talaga! Sinabi kong hindi ko siya mahal, tapos ngayon aasa ako na sasagutin niya ang tanong ko? Na babalik kaming dalawa sa dati?

Asa ka, Agatha.

Ginawa ko na ang morning rituals ko. Medyo nasanay na din ako na gumising ng maaga para makasabay sa almusal namin. Oo namin kasi parte ako ng pamilya.

Inusog ko ang upuan at pagkatapos ay umupo. Pambihira nga naman, magkatapat pa kami ni Red. Seryoso lang siyang kumakain kaya gano'n nalang din ang ginawa ko.

Heaven's Last Cry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon