Sabotaging The Plan

3.3K 89 25
                                    

SHARLENE’S POV

“Baby! Bilisan mo! Matra-traffic tayo!!!” nakakabwisit si Jai! Kung kelang flight nya, tsaka tinanghali naman ng gising.

Nandito ko sa mansion ng mga Aquino, kami ni Sheree ang maghahatid kay Jai sa airport.

Masayang masaya ang mommy at daddy ni Jai kasi finally kami na.

“I’ve never seen him as happy as this Sharlene. I’m glad that you’re back in each other’s arms anak!” sabi ni Tita Claire.

“Thanks tita! Miss na miss ko na po kayo. One of these days mag-bake po tayo ng cupcakes ha!”

Niyakap ako ng mommy at daddy ni Jairus. Nauna na sila dahil kailangan na nilang pumunta sa office, may mahalaga daw silang meeting.

Naiwan kami ni Sheree sa sala nila at nahihiwagaan talaga ko kay Sheree. Kakaiba ang mga ngiti at ningning ng mata nya.

“Anak, are you ok?” nagtatakang tanong ko.

“Ok na ok mommy attorney!”

“Ano nga pala yung secret na sasabihin mo sakin.” Naalala ko kasi kahapon tawag ng tawag si Sheree habang may court hearing ako, hindi ko naman nasagot mga tawag nya dahil nga nasa trabaho ako.

“Wag kang maingay mommy! Mamaya ko sasabihin pag naka-alis na si Daddy Sims. Pero wag mong ipapahalata sa kanya na may sekreto akong sasabihin sayo ha!”

Tumango lang ako sa kanya tapos yumakap sya sakin.

After 3 minutes, finally bumaba na rin si Jairus.

“Ang tagal mo! Baka ma-late ka sa flight mo!” Pinagalitan ko ang nagkukumahog na boyfriend ko. He double checked kung kumpleto na ba yung documents nya.

“Naisakay na ba ni Mang Ariel yung mga gamit ko sa kotse mo Baby?” tanong niya habang hinahanap yung passport nya.

“Oo. Tara na!”

Nakasakay si Jai sa passenger seat at si Sheree sa likod. Ako yung nagda-drive, si Jai naman bad trip dahil na-traffic kami.

“Wag kang sumimangot! Kasalanan mo yan!” sabi ko sa kanya.

“Kaya nga daddy sims ang tawag ko sa kanya mommy. Expertise nya yun eh!” biglang singit ni Sheree at pinagtawanan namin sya.

“Bakit ba kasi tinanghali ka ng gising? San ka nagpunta kagabi at 12midnight ka na daw nakauwi?” pang-uusisa ko. Di na kasi ako tinext nitong lokong to.

“Secret.” Sabi niya naman at dahil sa tanong ko, bigla naman syang napangiti. Bakit kaya?

“Secret ha?” tsaka ko sya kinurot sa tagiliran.

“Malalaman mo rin pag balik ko, may dalawang importanteng tao lang akong kinausap kagabi.” Nakangiting sagot nya. “Ang hassle naman ng commercial flight Baby! Si Kuya Marco kasi hiniram yung private plane ko eh. Magbabakasyon daw sila ni Ate Miles sa Italy. Kung ako ang tatanungin, ayoko nang umalis kaya lang nagkataon naman na kinailangan para sa expansion ng business namin ni Kobi.”

“Basta bumalik ka after 3 weeks! Kundi lagot ka sakin!”

Bigla naman syang tumitig ng matagal sakin at ngumiti dahilan para magwala ang vital organs ko.

“Don’t give me that breathtaking smile!” umirap ako sa kanya at pinipigilang ko ang sariling kiligin.

“I love you Baby!” sagot nya.

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon