Nothing But the Truth

3.6K 70 10
                                    

Sharlene’s POV

Mabilis na lumipas ang panahon.

I can’t believe na isang taon na rin mula nang maganap ang aksidente.

And guess what? Anniversary na rin namin ni Nash. Binilhan ko sya ng G shock watch. Parang déjà vu nga eh. Parang nangyari na talaga to eh. Ewan!

Papunta na nga ako sa kanila ngayon para i-surprise sya.

Sinalubong ako nila tita Neth at Chloe sa gate.

“Tita nasaan po si Nash?”

“Nandun sa room niya! Puntahan mo na lang!” sabi niya.

Umakyat ako papuntang room niya, but when I get there nakita ko nakatalikod sya at may kausap sya sa skype.

“Kelan mo ba sasabihin ang totoo kay Sharlene? Mahal mo na ba sya kaya hindi mo masabi sabi ha Nash?” sabi nung babaeng nagsasalita sa video.

“Match, I’m sorry...Naduduwag na kong saktan si Sharlene eh. Ikaw ang totoong mahal ko, alam mo yan! Lagi kong pinapa-alala sayo yan! Si Jairus ang totoong mahal ni Shar. Pero hindi ko na alam ang gagawin eh. Mahal ko rin sya at ayokong saktan an gang bestfriend ko.” Sabi ni Nash.

Napaluha ako sa mga narinig ko.

Sinong Jairus?

“Nash, sabi mo noon bigyan kita ng isang Linggo para sabihin ang totoo kay Shar, my god isang taon na ang lumipas!! Alam mo ba kung gano kasakit sakin to? Malayo tayo sa isa’t isa, halos mabaliw ako sa sakit! Nash mas makakabuti kung ititigil na lang natin to!” sabi nung girl na nagsasalita at umiyak na sya.

“Alexa. Please nagmamakaawa ako. Wag mo naman akong iiwan please. Please Match I’m sorry for hurting you!” tapos biglang lumuhod si Nash at patuloy pa rin sa pag iyak yung dalawa. Actually kaming tatlo.

I am the reason of someone’s misery. Ang sakit!

“Nash hypothetical question. Kung tatlo tayong nasa Bangka nila Shar at lumubog ito, ikaw lang ang marunong lumangoy, sino ang sasagipin mo sa aming dalawa? Ang bestfriend mo o ang girlfriend mo?”

Umiiyak lang si Nash.

Hindi sya nagsasalita.

“Alexa please. Sasabihin ko na ang totoo kay Shar.”

“Hindi mo sinagot ang tanong ko Nash.” Mahinahon pero umiiyak na tanong ni Alexa.

“Dahil mahalaga kayo pareho...”

“Nash, ako ang sasagot para sayo... Piliin mo ang best friend mo! She has been there all your life. Because of her kaya ka naka-graduate, because of her you have come to your senses! Ang bestfriend hindi napapalitan pero ang girlfriend....anytime maaring mawala sayo..”

Bumabaha na ng luha.

“Mahal na mahal kita Nash pero di kita kayang i-share. I’m so sorry but I have to let you go.”

Bigla akong bumaba sa hagdan.

Tapos na déjà vu na naman ako parang nangyari na naman to.

“Ate anong nangyari sayo?” tanong ni Chloe pero tuloy tuloy lang akong tumakbo palabas.

Dahil umiiyak ako hindi ko napansin na may tricycle na paparating at sigaw na lang ni Chloe ang huling narinig ko.

“Mommy!!!! Si ate Shar nasagasaan!” sabi ni Chloe.

Let Me Love You **Under Editing**Where stories live. Discover now