Emotionally Refuelled

5.2K 87 6
                                    

3:30 am pa lang gising na ko. DI AKO EXCITED!

Maglalakwatsa kasi kami ng mga classmates ko eh! Pupunta kami kila Mika sa Pampanga. Fiesta kasi sa kanila and may Hot Air Balloon Fest kaya pumayag na kong sumama sa gala namin ni Jai. Nandun naman sya eh kaya kampante ako, tsaka nagpromise sya kagabi na ihahatid nya ko bago mag 10pm dito sa bahay.

Nagbe-breakfast kami ngayon nila mama, papa at ate.

"Ma, Pa, aalis po kami ng mga kaibigan ko. Pupunta po kami sa Pampanga, may hot air balloon fest po kasi. Pero bago naman po mag 10pm nandito na po ako sa bahay."

"Ok nak! Buti naman naisipan mo na ring lumabas? Napapansin ko kasi lagi ka lang sa kwarto eh! Kasama ba si Nash?" Tanong niya na may halong kakiligan. Akala niya yata I'm dating him. Kung alam lang niya!

"Hindi po eh. Yung mga iba ko lang po na kaibigan." Kaswal na sagot k okay Mama.

"Shar, may maghahatid ba sa inyo sa Pampanga? Malayo yun ah!" tanong ni Papa.

"Naku 'Pa! Kilala ko po yung maghahatid kay Shar. Si Jairus Aquino po. Kaibigan ko po yun at mapagkakatiwalaan!" biglang singit ni ate na may halong kakiligan din katulad ni mama.

"Meron naman pong sasakyan pa! Ihahatid po kami ng driver nila Jai."

"Kung nandun lang si Nash eh di sana mapapalagay ako. Pero sige mukha namang makakatulong sayo ang pag pasyal mo dun. Basta mag text Sharlene ha!" sabi ni Mama.

"Naku ma! Ok na ok lang kahit wala si Nash dun! Basta ako, panatag ako dahil alam kong nandun si Jai." Sabi naman ni ate tapos kumindat pa sakin.

*nyahahahahahaha*

From: NewFriend.Jairus

Message: Shar, dito na kami sa tapat ng bahay nyo.

"Ma, Pa, ate... Sige po aalis na po ako!"

"Oh sige! Mag-ingat ha!"

"Opo!" I kissed the three of them.

"Enjoy sis!"

 Nag wave lang ako kay ate.

Pinagbuksan ako ni Jai ng pinto at pag pasok ko sa bmw ni Jai, I greeted Mang Ariel, yung driver niya.

"Good morning mang Ariel!"

"Good morning din! Ikaw pala si Sharlene, maganda ka pala talaga."

"Po?"

"Hi!" nakangiting sabi ni Jai sakin.

I smiled at him sweetly! Parang nahihiya akong kausapin siya.

"You look good!" sabi ulit niya.

Ngumiti lang ulit ako.

"They are there. Hinihintay nila tayo!"

"Ahm, Jai.. sino sino pala tayong magbo-bonding ngayon?"

"Tayo tayo lang, sila Mika, Paul, Kobi, Sophia and Alexa..."

Nyay! Yung barkada pala ni Jai, kumpleto silang lahat. Baka ma-OP lang ako!

"Jai, hindi ba nakakahiya sa kanila?"

"Nakakahiya saan?" kunot noong tanong niya.

"EH parang bonding ng barkada nyo to eh!"

Let Me Love You **Under Editing**Where stories live. Discover now