Silly Sharlene

4.7K 86 3
                                    

"Hi Jai!" Kinakabahan ako habang umuupo sa tabi ni Jairus. Ewan ko ba kung bakit natatakot akong magalit sya sakin. I finally allowed myself to  feel the urge to explain pero naunahan ako ng hiya eh.

Ngumiti naman sya.

Haaaaaaayyyy! Nakahinga naman ako ng maluwag!

"Akala ko galit ka sakin eh!"

"Bakit naman ako magagalit sayo?"

"Eh kasi diba sabi mo, dapat mag-move on na ko kay Nash, nag aagree pa ko kunwari pero heto sya, isang sabi lang niya ng sorry tiklop agad ako." Naiinis ako sa sarili ko.

Tumahimik lang si Jai.

"Hay naku, mr. Tocino!" pang-iiba ko ng topic.

Bigla na ulit syang ngumiti na may sounds pa.

At bigla naman niyang kinanta yung knock knock niya kagabi.

"Tocino sino pang tinatawagan mo nandito lang naman ako! Ako na lang Sharlene."

"Hahahahha sira ka Jai!"

Binatukan ko sya ng sobrang hina, yung hindi sya masasaktan.

Pero sya, tinignan na naman ako sa mga mata ko.

"Sobrang swerte ni Nash noh? Mula nung 1st year tayo puro sa kanya napupunta ang atensyon mo! Binuhos mo yung panahon mo, suporta, tulong, pagmamahal, A for effort!" sabi niya sakin na may tono ng pagdaramdam.

Hala! Anong problema nito!

"Buti nga ikaw napansin mo yun eh! Pero sya, wala!!!!! ZERO!!! Ewan ko ba sa lalaking yun. Umikot na buong buhay ko sa kanya pero di pa rin ako nagawang mahalin!"

Naramdaman ko na naman ang sakit. Pero di ko lang alam kung bakit ang sarap maramdamang merong Jairus na nakakaintindi ng mga pinagdadaanan ko ngayon.

"Hindi naman kailangan umikot ang buhay mo sa isang tao dahil mahal mo sya. Mali yun. Pwede naman na magmahal kahit na nae-enjoy mo ang mga nangyayari sa paligid mo. Shar, possible namang mahalin ka ng isang tao without stealing your joy and freedom to be yourself."

Hinawakan ni Jai ang kamay ko at parang nag slow motion ang paligid ko. ANO TO?

Lakas ng kabog ng dibdib ko! Kinabog ang feelings ko para kay Nash.

Binawi ko ang kamay ko. Teka! Mukhang nagiging seryoso na tong usapang to ha!

"Aysus! Jairus Reuel Aquino!!!! Siguro nagugutom ka na naman. Food trip tayo mamaya, libre ko!"

"Talaga? Nuod ka na lang ng game namin."

"Jai, as much as possible kasi umiiwas muna kong magkita kami ni Nash. Kung pupunta kasi ko sa practice, baka..."

"Pssshhh.." hinawakan niya ang bibig ko to stop me from talking. Kumindat lang sya.

"I get it. I understand."

Kinuha ko ang kamay niya at nakaisip ako ng idea para madistract ako sa kakiligan na dinudulot ng gwapong nilalang na to.

"Nanay tatay tayo! Dali!"  Sabi ko habang hawak ko ang kamay niya. Natawa naman ako sa expression ng mukha niya na subrang nagdi-disagree.

"Ha? Ayoko nga! Pambata lang yun! Sharlene naman eh, ano na lang sasabihin ng mga die hard fans ko kapag nakita nila ko nakikipaglaro ng nanay tatay?"

Binitawan ko sya at kunwari nagtatampo ako at inirapan ko sya.

"Huy! Bakit nang-iirap ka dyan?"

"Dali na kasi..." Tapos nag puppy eye pa ko to convince him.

Huminga muna sya nga malalim tsaka nag gesture na makikipag laro na sya sakin.

"Fine! One round lang!"

Simpleng napangiti ako sa kanya.

"Nanay, tatay gusto kong tinapay, ate kuya gusto kong kape......."

Hiyang hiya sya sa ginagawa namin dahil pinagtitinginan sya ng mga girl classmates namin.

Yung iba naman nag cocomment.

'Uy ang sweet nila Sharlene and Jai..Sila naba?'

'Bagay sila'

"One, two, three, four, five, six, seven..."

At nataya si Jai dahil kulang sya ng palakpak. Nasa 7 na kami pero 6 na palakpak lang ginawa niya. Kaya piningot ko sya dahil yun ang rule ng game. Little did I know na may kiliti pala sya sa tenga.

"Ikaw ha! Sobra ka na! Lagot ka sakin..." Sabi niya at nangiliti rin sya sa tagiliran ko kung saan napakalakas ng kiliti ko.

So naghahabulan kaming dalawa at tinutulungan kami ng mga classmates naman para di makaganti sa isa't isa.. Nagtatago sya sa likod ng mga girls at ako naman sa mga boys naming classmate.

Hanggang sa maabutan nya ko at halos maiyak na ko kakatawa.

"Noooooo... Tama na please!!!"

Pero etong si Jairus ayaw tumigil kaya naiyak na ko .

"Anong nangyayari dito???????"

Biglang may sumigaw..

Si Nash..

"Jairus, bitawan mo si Sharlene!" lumapit sya samin at hinila niya ko.

"Ano ba Nash!" kumawala ako sa pagkakahawak nya sa braso ko.

"He's making you cry!" galit nag alit na sagot niya.

"Naglalaro lang kami ni Jai. Bat ang OA mo?"

Nawala ang kaninang nakangiting expression ni Jai. Tinignan lang niya ng matalim si Nash at bumalik na sa upuan.

Tahimik ang lahat ng classmates namin.

Naupo ako sa tabi ni Jai.

"Shar, tabi tayo." Sabi ni Nash na nasa likod namin.

Tiningnan ko si Jai at tinanong kung ok lang ba?

Umiling sya.

Anubeyen!

"Oo, lilipat ako dyan sa second subject."

Tumingin na din ng matalim sakin si Jai.

At maya maya pa ay pumasok na si Ms. Garcia.

"Jai.." bulong ko sa kanya..

"Makinig ka kay Ma'am!"

Ang sungit naman nito. Natapos ang buong klase at hindi na rin ako lumipat ng upuan. Sa tabi lang ako ni Jairus naupo.

Let Me Love You **Under Editing**Where stories live. Discover now