Unchained

4.8K 97 7
                                    

Matatapos na ang school year. Mainam na rin at nang makapag pahinga na ang puso ko. Lagi na lang kasi akong nasasaktan sa araw araw na nakikita ko sila Nash at Angeli. Sa hallway, sa court, sa canteen, sa mall, even sa terminal magkasama silang umuuwi.

Naisip ko ang pathetic ko naman! Wala man lang akong friend to console how I feel! Puro kasi si Nash ang kinaibigan ko eh! Pero ngayon, wala na syang puwang sa buhay ko, talong talo pala ko.

"Lalim ng iniisip natin ah?" Isang gwapong lalaki ang naupo sa tabi ko dito sa classroom.

"Ha?" Hindi ako sure kung ako nga ba ang kausap niya. Di naman kami close eh

"Nasasaktan ka pa rin noh?"  nanunuksong sabi niya.

It was Jairus Reuel Aquino. He is one the varsity players at katulad ni Nash, sobrang daming girls ang nagpapatayan makakuha lang ng atensyon mula sa kanya. Syempre hindi ako kasama sa mga nakikipagpatayan para sa kanya, si Nash lang kasi ang maha... Oo nga pala.. Hindi ko na sya dapat pang iniisip.

Nakatitig lang si Jairus sakin, ang gwapo niyang ngumiti.

"Sharlene! Huy! Ok ka lang? Bakit natulala ka na dyan?" nag-snap pa sya sa harap ko...

"Ha?" Ano nga ba yung tanong nya, nawala ako sa sarili ko!

"Wala ka na bang ibang sasabihin kundi 'ha'?" nakangiti pa rin sya...

 Ngayon ko lang napansin, hindi lang pala si Nash ang gwapo... Meron din naman palang ibang nilalang na pwedeng maging gwapo..

"Ha? Eh ano nga ba yun?" na-a-out of focus kasi ko sa ngiti nito eh!

"Ang sabi ko, ang ganda mo kaya lang sayang natulala ka sa kagwapuhan ko, akala ko pa naman iba ka sa lahat, katulad ka rin pala nilang gwapong gwapo sakin."

"Hahahahahahahahahaha"

Siraulo tong si Jairus. It's been a while since I laugh like that. Yung genuine laughter talaga.

"Thank you Jai!" tinapik ko sya sa balikat

"Ha?" sya naman ang nagsabi ng HA?

"Ang galing mo!" at patuloy akong tumawa ng malakas

"Di ko gets!" sabi niya habang kinakamot ang ulo nya sa pagtataka.

"Joke yun diba? Na naga-gwapuhan ako sayo!"

"Grabe ka! Ang harsh mo magsalita ah. So ano? Kain tayo? Hindi na daw dadating si Ma'am. May meeting daw lahat ng faculty." plastered na ba ngiti nitong taong to?

"Eh, nagda-diet ako eh!" 

"Sayang naman, nakita ko kasi sa cafeteria na may siopao, pancit, fried chicken, siomai, avocado shake at hopiang ube!!!"

Nanlaki ang mata ko. "Seriously? Favorite ko lahat yun!" 

"Alam ko. Kaya nga ano? Tara na kasi! Wag ka nang magdiet! Kumain na tayo!"

"Anong pang hinihintay mo? Tara na!"

Bumaba kami ni Jairus papuntang canteen. Yung mga nakakita samin na magkasama kami naguluhan bigla. Sa expression ng mga mukha nila, paranging hindi sila makapaniwala na magkasama kami.

"Ako na ang magbabayad."     sabi niya habang pinipigil nya kong maglabas ng wallet.

"Bakit? Birthday mo ba?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi. Bakit? Twing birthday lang ba pwedeng manlibre?" 

Wow ah! Namimiss ko yung mga panlilibre sakin ni Na.. Ahhhhh Tama na SHARLENE!

"Jai.. Baka magalit ang girl friend mo ah!"

"Wala akong girl friend no!"

Napangiti ako sa sinabi niya. Ewan ko ba kung bakit! Hala! Haaaayyyy..

"Grabe, ang sarap nitong pancit..... Uy grabe tikman mo tong siopao nila, ang sarap!... Ay Jai tikman mo tong siomai...." Pinatikim ko lahat sa kanya ang mga pagkaing binili namin.

"Ano ba yan Shar, nabubulunan na ko. Ang dami nito. Akala ko ba diet ka?"

"OO nga. Pero favorite ko lahat to eh! Nagbago na ang isip ko. Mas masarap kumain." Patuloy kong sunod sunod na tinikman lahat ng order namin.

"Pwede rin kayang magbago ang damdamin mo?" Tinitignan niya ko sa mata at bigla akong natahimik.

Saglit akong napatigil sa tanong niya. May kakaiba akong pakiramdam kay Jairus, parang ang gaan ng loob ko. Ano ba to! Di naman kami close pero nilibre nya ko tapos kasama ko sya ngayon para bang ang tagal tagal na naming magkaibigan.

"What do you mean?"

"Sana Sharlene, makalimutan mo na si Nash."

"Ha?"

Ano daw sabi ni Jai? Bakit alam nya ang tungkol samin ni Nash... May nasabi kaya si Nash about us sa basketball team. Hay ano ba yan.

"Yan ka na naman sa pa-ha? ha? mo na yan? May diprensya ka ba sa pandinig?" Bigla naman syang nayamot at kumain ng siomai.

"Eh kasi naman po yung mga tanong mo ayusin mo." I sipped avocado shake.

"Sharlene, let's talk it over para maka-move on ka na kay Nash. Hindi lang sya ang lalaki sa mundo. Wag mong hayaan na yung mga bagay sana na nakakapagpasaya sayo ay nananakaw sayo dahil sa pagka-broken hearted mo. Pano naman yung iba na gustong maging parte ng buhay mo. Ehem!" seryosong sabi ni Jairus.

Naiiyak tuloy ako.

Let Me Love You **Under Editing**Where stories live. Discover now