Sorrowful Summer Ba Ulit Ito?

4K 70 4
                                    

Author's Note: Hello! Salamat po sa lahat ng nagmessage at bumati sakin sa araw na to!

Tumanda na naman ako ng isang taon! Pero dahil sa JaiLene feeling teenager ako.

Happy ng LUV U kanina diba? Puro DrakeLey. Nawala ako saglit sa sarili kong birthday party dahil nanuod ako sa room ng LUV U.

Regalo ko po sa inyo itong Chapter na to..

=============================================================

Sharlene

Hinintay ko sya buong araw pero hindi sya dumating.

Pero kausap ko sya sa skype ngayon.

“Prinsesa ko, galit ka pa ba? Sorry na....” he is giving me his breathtaking smile. Naku porque alam niyang nadadaan ako sa mga paganto ganto niya. Hmp!

Di pwede to! Kailangan kong makabawi sa ginawa nya. Hehehhe!

“Wag mo kong maprinse-prinsesa dyan! Marami kang kasalanan at marami ka pang kailangang ipaliwanag!” mataray na sagot ko sa kanya.

“Shar, wag ka na magalit please! Sorryyyy pooo!” sabi niya pa.

“That Gabriella girl... bakit never mo syang nabanggit sakin?” I started.

Natawa sya..

“Nagseselos ba ang prinsesa ko?” nanunuyang sabi niya. Kung kasama ko lang sya ngayon sasapakin ko to eh! Pasalamat sya at di sya nasasaktan kinukurot ko ang pisngi niya sa screen ng laptop ni ate.

“Shar, kaibigan ko lang si Ella!” sabi niya.

“But she is your first love Jairus! And she kissed you in front of me!” now my voice betrayed me kasi nagbreakdown na ko. And bigla na nga akong naiyak. Bwiset!

“Hey! My princess, please don’t cry. Wala ako dyan to hug you.” Nag-aalalang sabi niya.

“Ikaw lately puro kunsomisyon ang binibigay mo sakin!”

“Shar, please magtiwala ka lang sakin. Mahalaga ka sakin. Mahal kita! Kaibigan ko lang si Ella. Yung samin tapos na yun! Nilinaw ko na sa kanya na in love na ko sa iba. Magkaibigan na lang kami ngayon. Posible naman maging magkaibigan ang past lovers diba? ....Parang kayo ni Nash!” You can sense the sarcasm in his last sentence. Tingnan mo tong tao na to! Lakas mambaliktad eh! Sya ang issue dito. Sila ni Ella hindi kami ni bestfriend!

Pinahid ko ang luha ko.

“Hoy ikaw! Ito na ang huling beses na iiyak ako sa harap mo ng ganito. Sige na goodbye!”

Let Me Love You **Under Editing**Where stories live. Discover now