An Overlooked Blessing

4.2K 79 3
                                    

*nyahahahahahahahah*

From: Bestfriend.Nash

Message: Shar, I just wanna scream some more!!!!!!!!! What have I done to deserve this fate? Wish I am numb, but every second I feel the throbbing pain.

Umagang umaga pa lang nang mabasa ko yung text ni Nash. I tried to call on their land line pero si Chloe ang sumagot.

“Baby, where is kuya?”

“Umalis na po ate. Ate Shar, kelan tayo mamasyal? Malapit na po ang birthday mo.”

Nakaka touched naman tong si mini me. Napaka sweet na bata, di tulad ng kapatid nya na napaka sutil!!!

“Over the weekend baby. Susunduin kita ha?”

“Yehey!!!!!!!!!” masayang masaya si Chloe. Sana ok lang sya at di naapektuhan sa nangyayari sa kanila. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan nila ngayon.

Pagdating ko sa school, hinanap ko agad si Nash. Pumunta ko sa gym, wala sya, sa cafeteria wala rin, sa classroom wala rin, bumaba ako sa library wala pa rin.

I tried to call him on his phone pero out of coverage. I tried to call Alexa pero out of coverage din.

Nagstart na yung klase pero di sya dumating.

Absent minded ako ngayon, nag-aalala na ko kay Nash.

“Alexa, bakit di pumasok si Nash?” nag-aalalang tanong ko.

“Shar, you need to know... Suspended siya!” malungkot si Alexa.

“What happened to him?”

“Natanggal kasi sya sa basketball team, kaya bigla niyang pinagsisira yung mga tanim sa garden sa sobrang anxiety. Dun nya binaling yung galit niya. Sinuspend sya ni Principal Spencer for one week.”

Bigla akong natameme sa sinabi ni Alexa. Hindi pwedeng matanggal si Nash sa basketball team!! All his life pinangarap na niyang maging MVP! Kaya nga kahit na mali yung pag gawa ko ng mga assignments niya at project noon ay ginawa ko parin para makapag focus sya sa game.

Hindi ko alam pero gustong gusto kong hanapin si Nash ngayon pero may klase pa kami sa hapon.

May naisip akong paraan para tulungan siya pero kailangan ko muna syang makausap.

“Shar, ok ka lang ba?” tanong ni Jai.

Tumango lang ako pero di pa rin nagsalita. Hindi na to part ng pagtatampo ko sa kanya, medyo occupied lang ako sa pag-iisip kung pano gagawan ng paraan ang lahat.

Pagka dismiss na pagka dismiss samin ng teacher namin sa last subject nagpaalam na ko sa kanila at nagsimula nang maghanap kay Nash.

I tried to call him again on his phone and this time nagring na! Thank God!

“Shar...” sagot ni Nash. Narinig ko lang ang boses niya at alam kong hindi sya ok.

“Where are you?”

Narinig ko sa background ang tawanan ng mga kasama ni Nash at may nagcomment ng ‘alak pa!!’

Hindi pa rin sumasagot si Nash kung nasaan siya.

“Nash utang na loob sagutin mo ko kung nasaan ka?”

“Shar, I am the definition of FAILURE...”

Kinakabahan na ko sa mga sinasabi niya. Bigla namang may umagaw sa phone at kinausap ako.

“Sharlene, si Basty to! Puntahan mo na nga si Nash dito sa bar namin, kaninang umaga pa to umiinom eh. Lango na sa alak!”

Let Me Love You **Under Editing**Where stories live. Discover now