Almost is Never Enough

4.7K 91 2
                                    

Author's note: Pasensya na po sa mga typo. God bless!

===================================================================

JAIRUS' POV


We're on our way home from a very tiring but fulfilling day! I've never seen Shar as happy as she was this day. I always see her emotional, fragile, hesitant and very weak. I'm glad she is learning to accept the drastic changes in her life.

Natutuwa ako kasi yung makulit na side ni Shar ang nangibabaw kanina.

Honestly, pinakiusapan ko ang mga girls na tulungan syang yakapin ang mga pagbabago sa buhay niya, nasasaktan kasi akong makita syang nahihirapan dahil kay Nash. Buti na lang nagawan nila ng paraan! Fan na fan kasi sila ni Shar eh. Sino ba naman ang hindi?

Smooth driving talaga pag si Mang Ariel nagda-drive eh! Kaya eto si Shar, naka headset at nakatulog na sa sobrang pagod.

Pagkakataon ko na syang titigan.

Ang ganda naman ng prinsesa ko kahit tulog. Grabe! Namumula na ko. Nabibingi pa 'ko sa lakas ng tibok ng puso ko.

Shar, I am amazed how your mere presence gives chill to my body. Wala ka pa ngang ginagawa pero ganito na ang epekto mo sa akin. Pano pa kaya kung mahalin mo na ko?

Para kong tanga! Napapangiti mag-isa.

"Baka matunaw yan! Tutok na tutok ka Jai." Biglang sabi ni Mang Ariel.

Nahiya naman ako. Pero natuwa kasi kahit pano masosolo ko si Sharlene.

Sa sobrang lalim ng tulog niya gumegewang gewang na ulo nya, di pa rin sya nagigising.

So I pulled her and let her head rest upon my chest. I removed her headset and put my right arms around her and I feel like I wanna marry her right now! Oh goodness! It feels so great to have her in my arms.

Sinadya kong iwanan sya sa mga girls, kahit kilig na kilig ako dahil konting kibot nakasiksik sakin si Shar. Gusto niya kung nasaan ako, dun din sya. Eh kaya ko nga pina-push kay Mika tong Hot Air Balloon Fest Bonding na to dahil gusto ko syang makipagkaibigan sa iba, para marinig niya sa ibang girls kung gaano sya nakaka-ispired. Na maganda ang perception sa kanya ng mga classmates.

Ang sweet niya kanina. Nung nasa Clark field kami, she's checking on me from time to time. Text ng text kung ano nang nangyayari. Tapos nung kumakain naman kami, pinaghihimay nya si Alexa ng hipon, nainggit talaga ko. Buti pinaghimay din niya ko ng hipon. Sweet niya talaga!

Sana narealize na ni Shar na masyado syang precious para lang balewalain ng ibang tao!

Sa totoo lang, di ko maintindihan kung bakit sa loob ng 3 years na magkasama sila Nash at Sharlene, bakit hindi nya ito nagawang mahalin?

Kung ako lang ang nabigyan ng pagkakataon na mahalin ng isang Sharlene San Pedro, baka natutulog na ko nakangiti pa ko.

At unti unti, nakakatulog na nga ako...





SHARLENE'S POV


I can hear a melody. Pero hindi na ito mula sa ipod ko. Much more than songs on my playlist, I can hear a heartbeat.

Ha? Heartbeat?

I opened my eyes and felt Jai's right arms wrapping around my waist, at ang malupit pa nito, nakasubsob na ko sa chest nitong lalaking to!

Oh my gesh! Nakakahiya! Nakatulog ako sa dibdib ni Jai. Kaya pala comfortable ako. I lifted my eyes and looked at his face.

May kakaiba akong naramdaman. Ang gwapo niya pala sa malapitan!!!!

Ano ba tong sinasabi ko.

Kumalas ako sa pagkakayakap sakin ni Jai, halos daganan ko na sya, nakakahiya... ambigat ko pa naman!

When I moved, nagising din siya.

"Nasan na tayo?" disoriented na tanong niya sakin.

"Malapit na!" sagot ko. Ang gulo ko diba? Tinatanong kung nasaan daw, hindi kung malayo pa!

Hahahah!

"Jai, I just want to take this chance to thank you for doing all of this for me."

I touched his shoulder to connect with him.

"I'm starting to learn a lot of great things kaya thank you talaga!"

He grabbed my hands. "Shar, You're more than welcome!"

Tapos binitawan niya agad.

"Teka, anong oras na ba?" nag aalalang tanong ni Jai.

"9:46 pm" sabi ko.

"Naku, bilisan natin! Baka magalit ang mama't papa mo! Dapat by 10pm nasa inyo ka na! Baka pag na-late tayo eh hindi ka na payagan sa susunod!"

Natawa naman ako sa sinabi niya. Napaka trust worthy naman pala nitong batang to!

"ANu ka ba! Wag OA! Nagtext na ko kay mama."

"Kahit na, basta gusto kong tuparin yung sinabi natin na by 10pm, nasa bahay ka na.... Mang Ariel pakibilisan naman po natin!"



Haaaaaaayyyyy Jairus Reuel Aquino! Napakaswerte ko at dumating ka sa buhay ko. Salamat talaga sa friendship!

Si ate ang nagbukas ng gate for me. Tulog na daw kasi sila mama at papa at maaga pa bukas dahil may work sila kaya di na nila na-meet si Jai, maybe next time.

Nagkukulitan pa sila ate at Jai pero nagpaalam na rin ito agad kasi gabi na. Baka naman sya ang hindi payagan next time pag umuwi sya ng super late!

Pagka alis ng bmw ni Jai, umakyat na kami ni ate sa kwarto ko at kinwento ko lahat lahat ng nangyari sakin. From the excitement, to my new circle of friends, to the super food trip, to the moment I wake up in Jai's chest.

"Di ko sure kung paanong nangyari ate. Pagkagising ko bigla na lang akong nakakulong sa bisig ng lalaking yon!" nakangiting sabi ko.

Nagtakip naman ng unan si ate tsaka sumigaw dahil kinikilig. Dapat nyang gawin yun kundi papagalitan kami nila mama.

"Shocks sis! Tapatin mo nga ako! Nanliligaw na ba si Jai sayo?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya.

Nanliligaw???

"Hindi ah! Anu ka ba ate! Walang malisya yun noh!" pagkasabi ko nun, biglang nagflashback lahat sakin ng moments namin.

Mga simpleng kiligan, sweetness, exchanging of messages at halos di ako makahinga ng marealize ko na tama!!! POSIBLENG NANLILIGAW SI JAI. Grabe ang tanga ko! Bakit di ko napansin agad?

"Ah, eh.. Ate sa tingin mo nanliligaw kaya si Jai?"

"Sis, nakakabanas yang tanong mo ha! Ikaw lang nakaka-alam niyan! Osya! Magbeauty rest na rin ako. Goodnight ms. In love!" she kissed me. Binatukan ko naman sya.


"Ms. In love ka dyan!"

Binalik naman niya yung papanakit ko sa kanya! "Aray ha! Walang galang!" nakangiting sabi niya.

Sweet namin noh? Nagsasapakan talaga kami ni ate minsan eh! :-) heheheheh JOKE.

<3

Let Me Love You **Under Editing**On viuen les histories. Descobreix ara