Kabanata 19

10 2 0
                                    

Kabanata 19. People from the past

Gelhyka

Namagitan ang katahimikan sa aming dalawa ni Karl. Hindi siya pinakawalan ng mga mata ko na galit na galit na nakatingin sa kanya.

"Gelhyka, are you out of your mind? Mas papaniwalaan mo ang  gagong iyon?" binasag niya ang katahimikan.

"Karl, hindi mo ba naririnig ang sinasabi ko kanina? How could I trust you again after you lied? And, do you think that I will believe you? Enough! You and my mother ruined my life. Bakit hindi niyo sinabi sa akin ang totoong nangyari noon? Mas pinili ninyong tanggalan ng karapatan na makilala ng anak ko ang ama niya?!" tila sumasabog ang dibdib ko sa galit.

"Gelhyka, sinusunod ko lang ang sinabi sa akin ng mama mo. Sana naman maiintindihan mo ako, kami, pinoprotektahan ka lang namin. Hindi lang ikaw ang nasaktan, kami rin naman. Hindi biro ang aksidenting nangyari sayo noon. Nasa bingit ka ng kamatayan noon, Gel." paliwanag niya sa akin. I can see the senserity of his eyes.

Tinalikuran ko siya. Habang pumasok ako sa loob ng bahay, sinundan niya ako. Natigilan ako nang makita ko si mama na tila alam na ang nangyari. Mukhang alam na niya na alam ko na.

"Why did you lied to me, ma? Pinagkatiwalaan kita dahil ikaw ang ina ko. Pero bakit? Ma, nawala man ang alaala ko pero naramdaman ng puso ko ang sobrang sakit." sabi ko na hindi ko kinaya. I burst of tears. Sobrang sakit ng nararamdaman ko.

"Anak, patawarin mo kami. Mas pinili ko lang noon kung ano ang nararapat. Magulo noon, ang pamilya ni Geyb, ang mama ni Geyb, ang kasal ni Geyb. Alam kong hindi makakabuti sayo na doon ka sa kanila. Oo, totoo lahat ng nalalaman mo. I'm so sorry, Gelhyka. Ginawa ko lang ang tingin ko ay tama. Hindi mo ako masisisi, duguan ka noon, masakit sa isang ina ang makita kang halos nakipaglaban sa buhay. Mas pinili kong ilayo kita kaysa sa lubusang masasaktan. Buntis ka noon, mas iniisip ko lang ang kapakanan mo. Sana mapatawad at maintindihan mo ako." humahagulgol na kwento ng ina ko.

Bumuhos ang luha ko sa narinig. Parang sinaksak ang dibdib ko. Yes, I'm super thankful na hindi niya ako pinabayaan pero mali pa rin na pinaniwala nila ako sa mali. Nakita kong umiyak rin si Karl, tumulo ang mga luha niya.

"Huwag mong ibunton ang galit kay Karl. Anak, kaibigan mong totoo si Karl. Hindi ka niya iniwan alam mo iyan. Dahil mahal na mahal ka namin." dagdag pa niya.

Pinahiran ko ang mga luha ko at iniwan ko sila sa sala. Ayokong marinig ang mga paliwanag nila. Galit ang puso ko kaya mabilis ang mga hakbang na pumunta ako sa kwarto ko. Binuhos ko ang lahat ng mga luha ko. Ilang sandali pa ay nilapitan ako ng anak ko.

"Ma, tahan na. Huwag na po kayong umiyak. Ma, narinig ko lahat ang pinag-uusapan ninyo. Ma, tahan na po." at niyakap niya ako.

I feel my daughter's love to me. Hinaplos niya ang likod ko. I feel better because of it.

"Mama Gel, let's go outside."

"Saan tayo pupunta?"

" Kahit saan. Hindi ako sanay na nakikita kang umiiyak. Smile na po kayo, mama." pangungulit ng anak ko.

At dahil makulit siya, niyakap ko siya. Hindi ko na inisip ang mga pagod ngayong araw. Atleast, nalaman ko na ang lahat. At isa lang ang hiling ko, sana babalik na ang alaala ko.

--

Fema

Ang daming nangyari ngayong araw. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni mama na alam na ni Ate Gel ang lahat. After six years, nagkita sila ni Kuya Geyb. I secretly smiled and take a deep breathe. Alam kong galit sa akin ang ate ko. She never talked to me, she never approaches me. Ate, I'm sorry.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dahil May Isang Ikaw (Revise-Ongoing) Where stories live. Discover now