Kabanata 6

83 13 8
                                    

Kabanata 6. Feeling Girlfriend

Gelhyka

Naalimpungatan kong wala na si Geyb sa tabi ko. Maaga pala siyang umalis. He's very gentleman kaya nasanay na akong katabi siyang natutulog dito sa kwarto ko. But, kagabi that was the first time. No! Mali ang iniisip ninyo. Walang nangyari sa amin. Napangiti tuloy ako.

May iniwan  pala siyang sulat sa gilid ng picture naming dalawa na nasa ibabaw ng mesa. At may pa-gresh flowers pa. Kinuha ko iyon at inaamoy. Wow! Ang bango.

I read the letter.

GoodmorningGel. Umuwi na ako sa amin. Magkita na lang tayo sa school mamaya. I love you. Harthart emoticon.
        Yours ;
        Ice Geybril

Nakangiti na naman ako ulit. Nag-effort pa talaga siya. Sige na nga at makaligo na.

West University

Hindi man sinabi sa akin ni Geyb but na-se-sense kong habol nang habol si Cindy sa kanya ngayon. Salamat na lang at sa akin ang loyalty ni Kuya Genell noong nakausap ko ito kahapon pagkatapos  ng audition. Ah, yes nagkausap kami.

I understand's Geyb side. Ayaw niyang  masaktan ako at iiyak na naman. Although, handa na ako sa anumang mangyari sa aming dalawa. Na-re-realized kong hindi ako dapat susuko. I need to fight for us.

Umiling ako habang naghihintay sa next kong subject. Ang sabi kasi ni Kuya Genell ay magkaklase sina Cindy at Geyb in this subject.

That girl, parang nakita ko na siya noon pero hindi ko naman alam kung saan. At hindi ko matatandaan. Her face was really familiar.

"Gel, nakita ko na ang fiancee ni Geyb. " bungad ni Phoebe na kakapasok lang sa room at tumabi kaagad sa akin.

Tiningnan ko lang si Phoebe at napalingon ako sa may pintuan. She's here. Si Cindy. She directly looked at me. And, magkasama sila ni Geybril na pumasok.

"Who'd have thought, Gelhyka right?"

Ngumiti ito at aakmang makikipagkamay sa akin. Ang ganda ng mga  ngiti niya na may halong pang-iinis. Napansin ko rin ang ibang mga classmates ko na  inis na inis ang mga tinging ipinukol kay Cindy.

Si Geyb naman ay tumabi ng upo sa akin at hinawakan ako sa kamay.

"Yes. Ikaw si Cindy."

"Wow! Kilala mo na pala ako. Akala ko nakalimutan mo na ang ganda ng mukha ko. Geyb's fiancee." sambit  pa niya.

Nagkatinginan ang mga classmates namin sa narinig at napatingin silang lahat sa amin ni Geyb.Nag-what the hell looked talaga  sila sa amin ni  Geybril. Mas lalong hinigpitan ng hawak ni Geyb ang kamay ko. 

"Fiancee agad?" taas kilay na tanong ni Phoebe sa kanya.

"Yes, and you are?"

"Gelhyka Marquez bestfriend. At sa pagkakaalam ng lahat ay si Gelhyka Marquez  lang naman ang nag-iisang girlfriend ng sinasabi mong fiancee." pagtataray ni Phoebe at binilatan pa ako.

"No need to remind me that, poor girl. I knew her already. She is just a girlfriend and I am the fiancee." taas-noong sabi nito at binalingan ako.

There is something in her eyes. Ang mga titig na minsan ko nang nakikita noon. But my query is, saan naman?

"Tigilan mo kami sa kalokuhan mo, Cindy. Wala akong pakialam kahit ipagsigawan mo pa iyan. Everybody knows how I love Gel so much." sabi ni  Geyb at hinila na ako.

Dahil May Isang Ikaw (Revise-Ongoing) Where stories live. Discover now