Kabanata 5

81 14 3
                                    

Kabanata 5. The Voice and His Girl

Gelhyka

Kakababa pa lang namin ni Phoebe sa sinasakyan naming jeep nang mapansin ko ang kotse ni Geyb papasok sa school. Huminto ito at bumaba si Cindy. Magkasama pa talaga ha? Pero hindi ako magpapadala sa selos ko, talo ako if ever.

Kaya pala hindi na niya ako sinusundo sa bahay dahil kasama na niya ang kanyang fiancee.

"Gel, sino ang babaeng bumaba sa kotse ni Geyb?" Oh, napansin din pala ni Phoebe ang babaeng kasama nito sa loob ng sasakyan.

Sasabihin ko na ba kay Phoebe ang tungkol sa problema namin ni Geyb ngayon? Tinitingnan ko lang siya.

"Uy, Gelhyka tinatanong kita."

Pasimple ko na lang siyang hinila, "Halika na sa loob, Phoebe." mahinang sabi ko. Hindi ko matitiis na makikita silang dalawa.

Ganito ba ako kabait? Hindi ko ba susundan si Geyb at aawayin ang fiancee niya? Hanggang sa pag-iyak na lang  ba ang kaya kong gawin? Ayokong lamunin ng pagkatalo. Gusto ko talagang pigilan ang mga luhang gusto ng kumawala sa mga mata ko, eh. Stay strong, Gel.

Nagmamatigas talaga si Phoebe pero hinila ko na siya. Napansin ko rin ang ibang mga kaklase ko na iba ang mga tinging ipinukol kay Geyb.

Na-se-sense kong sumasimpatiya sila sa akin. Nagtataka man si Phoebe sa ginawa ko pero hindi ko kailangang makita ang babaeng iyon na kasama ang taong mahal na mahal ko. Ang kapal talaga ng mukha niyang manulot ng boyfriend.

"Gelhyka, sabihin mo nga sa akin ang totoo. May itinatago ka ba sa akin? Anong ibig sabihin sa nakita ko? Wala na ba kayo ni Geybril?" pangungulit na naman ni Phoebe.

Instead to answer her, unti-unti nang babagsak ang mga luha ko. Ganito  ba ako ka-weak? Isang napakaiyaking si Gelhyka Marquez? Ang sabi ko ay hindi ako iiyak. Eh, ano to ngayon?

"Geyb's fiancee." mabilis na sabi ko nang siyang ikinagulat ni Phoebe.

"A-ano?!"

"That's the girl, Phoebe ----"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil  tumulo na ang luha ko.

"Gelhyka naman. Hindi kita maiintindihan. You mean, fiancee ni Geyb?" Phoebe grasp on my shoulder by this time.

"Yes."

"W-what?!" gulat na gulat na reaksyon ni Phoebe sa sinabi ko.

Aakma akong hilain ni Phoebe para lapitan sila but I refuse. Jusko naman, galit na galit ang kaibigan ko. Umiiyak lang talaga ako. Naiinis na ako sa sarili ko. Naiinis na ako. Dapat hindi ako sumuko ng ganito.

"Tumigil ka nga sa kakaiyak diyan. Kung ayaw mong sumama sa akin para maupakan ko sa mukha si Geyb bahala ka." iiwanan na sana niya ako ngunit pinigilan ko siya.

"Phoebe, wait. Huwag mo namang aawayin si Geyb. Hindi niya ito kagustuhan. He's in a fixed marriage."

"Naman! Nakakainis na  talaga ang mama ng boyfriend mo. Lahat na lang ay ginagawa niya upang mapaghiwalay lang kayong dalawa ng anak niya. Ngayon ka pa ba susuko, huh? "

Dahil May Isang Ikaw (Revise-Ongoing) Where stories live. Discover now